26

87 6 0
                                    

Althea's POV

Gusto ko na talaga maalala ang lahat, kahit rin ang tungkol kay Vixen. Gusto ko kasi maalala siya dahil ang pakiramdam ko nagsasabi siya ng totoo na boyfriend ko siya at minahal ko rin siya.

Naghahanda na ako sa muling pagkikita namin ni Vixen mamaya dahil may iba pa kaming lugar na hindi namin na puntahan kahapon dahil sa nangyari sa akin.

"Mukhang aalis ka ngayon." Sabi ni mom.

"Yes, mom. Magkikita po ulit kami ni Vixen mamaya pagkatapos ng work niya." Umupo na ko sa sofa para dito na ako maghihintay sa pagdating niya. Matatapos na rin siguro yun sa trabaho niya. Kainis! Wala kasi akong contact number niya para tawagan ko siya at itanong kung anong oras siya pupunta sa bahay.

Anong oras na pero wala pa ring anino ni Vixen at malapit na rin gumabi. Nasaan na kaya iyon ngayon?

Maya't maya ay may narinig akong nagdoorbell kaya napatayo na ko pero nakita ko si mommy lumabas nang bahay.

"Ako na ang magbubukas." Sabi ni mom kaya siya na ang magbubukas ng gate. "Yes? How may I help you?"

"A–Ako po... A–Ako po..."

"Gusto mo ba ng maiinom, hijo?"

Lumingon ako sa labas dahil hindi iyon ang boses ni Vixen pero hindi ko makita ang itsura ng kausap ni mom.

"Ako po ang anak ni Vixen Vermillion, ma'am. Um, may tumawag po kanina sa bahay galing sa hospital at ang sabi naaksidente si dad kanina. Kaya po ko nandito para–"

Mapahawak ako sa ulo ko dahil biglang may malabong image ang lumabas sa isipan ko. "Ahhhhh! Ang sakit!"

Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko na kaya ang sakit.

"Thea, what happened? Teka, kukunin ko lang yung gamot." Ang boses ni mom ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.

Inilibot ko ang paningin ko pagkagising ko dahil nandito na pala ako sa kwarto at nakita ko sina mom at dad.

"Thea!" Lumapit sa akin si mom saka hinawakan ang kamay ko. "Thanks God. You're awake. Nagaalala ako sayo kanina na bigla kang sumigaw."

"Sorry po kung pinagalala ko kayo, mom." Doon ko ulit naalala na magkikita nga pala kami ni Vixen ngayon. "Anong oras na po?"

"It's already 7:30 pm. Why?" Sagot ni dad.

Namilog ang mga mata ko. "What?! Magkikita po kami ni Vixen ngayon. Dumating po ba siya kanina?"

Pero wala akong nakuhang sagot mula sa mga magulang ko at binaling lamang ni mom ang tingin kay dad.

"What? Wala po ba magsasalita sa inyo?"

Binaling ulit ni mom ang tingin sa akin. "Thea, hindi makakapunta si Vixen ngayon."

"What? Why?" Nangako pa naman siyang magkikita kami ngayon para puntahan namin ang iba pang lugar na hindi namin napuntahan tapos hindi siya sumipot sa usapan.

"Pumunta dito kanina ang anak ni Vixen at sinabi niyang naaksidente siya kaya nasa hospital siya ngayon."

Pumatak ng luha ko sa narinig. "What?! K-Kailangan ko pong pumunta sa hospital. Please, payagan niyo po kong dalawin si Vixen."

"Pero, Thea..." I know mom's worried about me.

"Mom, I know you're worried but I'm fine."

Pinayagan na ako ng mga magulang ko na dalawin si Vixen sa hospital kaya hinatid na ko ni dad.

"Sigurado kang kaya mo na?" Tanong ni dad sa akin.

Ngumiti ako. "Yes po."

"Tawagan mo na lang ako kung magpapasundo ka na ah."

It Started With A LieWhere stories live. Discover now