11

104 7 0
                                    

Sinindihan ko ang sigarilyo habang nakaupo sa labas ng bahay at nakatingala sa kalangitan. Tinapos ko na rin ang naiwan kong trabaho kanina.

Lumingon ako sa loob ng may marinig akong ingay. "Gising ka na pala."

"Pakalawan mo ko dito!" Alam kong nandoon pa rin ang takot sa kanya.

Tumayo na ako para pumasok na sa loob at lumapit na ako sa kanya. "Kung papakawalan kita ay maaaring magsumbong ka sa mga pulis kung ano man ang nakita mo kanina."

"Ano ang gusto mong gawin sa akin? May binabalak ka bang patayin rin ako gaya ng ginawa mo doon sa lalaki kanina?" Tanong niya at pinipilit pa rin niya ang kumawala. Tinali ko siya sa kama kung magkaroon ulit siya ng malay ay hindi siya makakatakas sa akin.

Umupo na ko sa gilid ng kama at tumingin sa kanya. "Ang sabi ko nga sayo kanina hindi kita sasaktan kung hindi ka magsusumbong sa mga pulis. Pero may gusto akong malaman."

"Ano iyon?"

"Bakit mo ko sinundan hanggang dito?"

"Akala ko ba gusto mong mangligaw sa akin pero ilang araw ka na walang paramdam sa akin kahit ang tawag ko ay hindi mo sinasagot."

Bigla ko na naman naalala ang pagsisinungaling sa akin ni Thea tungkol sa pagkatao niya.

"Bakit ka nagsinungaling sa akin?"

"What are you talking about? Kailan ako nagsinungaling sayo?"

"Hindi mo sinabi sa akin ang totoo mong pagkatao. Na isa ka pala sa mga anak ni Trey Chase. At bakit sinabi mo sa akin na isang normal na pamilya ang meron ka?"

Kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Hindi ko alam kung paano mo nalaman ang tungkol diyan. Hindi ko rin naman ginusto na magsinungaling sayo pero ang sabi mo tatanggapin mo ko kahit mahirap man ako o mayaman."

"Oo, sinabi ko nga iyan."

"Kaya hindi ko na sinabi sayo ang totoo."

"May balak ka bang sabihin sa akin ang totoo?" Kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya alam ko na ang kasagutan sa tanong ko. "Ano ba saysay ng pangliligaw ko sayo kung wala ka namang balak sabihin sa akin tungkol sa pagkatao mo. Sobra akong nasaktan, Thea dahil ako sinasabi ko sayo ang tungkol sa akin kahit sa nakaraan ko."

"Correction! Hindi mo sinabi sa akin ang lahat. Wala nga akong ideya kung ano ang trabaho mo."

"Isa akong assassin."

"A-Assassin? Bakit ka pumasok sa Chase Aviation Services? May papatayin ka ba doon? Hindi ako papayag na mapahamak ang pamilya ko."

"Wala akong papatayin kung bakit ako pumasok sa company niyo. Empleyado na 'ko bago ako naging assassin."

"Sa anong dahilan kung bakit ka pumasok sa pagiging assassin?"

"Siguro gusto mahanap ang mga pumatay sa umampon sa akin."

"Umampon sayo?"

"Yes, hindi ako isang Vermillion, Thea pero hindi ko kilala ang tunay kong pamilya at kung bakit nila ako pinamigay noong baby pa lamang ako." Nakitang natanggal na niya ang tali sa kanya at nagulat na lamang ako ng yakapin niya ako. "Thea?"

"Siguro nga natakot ako sa natuklasan ko kanina pero pinapangako ko sayo hindi ko sasabihin sa mga pulis ang nakita ko."

"Thank you, Thea." Ginantihan ko na rin siya ng yakap.

Kapag minahal rin ako ni Thea ay aalis na ako sa pagiging assassin ko dahil ayaw kong mapahamak siya nang dahil sa akin.

Tumingala siya sa akin. "Magpapakilala ulit ako sayo."

It Started With A LieWhere stories live. Discover now