'Manong Sorbetero'

Start from the beginning
                                        

"Aishh! Gaano ba ka-importante yon sayo huh?"
Napatigil ako sa paghahanap, dahil sa tanong nya. Hindi ako humarap sa kanya, ayokong makita nyang namumuo ang mga luha ko.

Please wag ngayon! Ayokong mag-drama.

"Sobra-sobra." Tipid kong sagot, palihim na pinunasan ang mga namumuong mga luha. "Mahalaga pa sa pera"

Bigla syang natahimik. Alam ko, na-guilty sya sa tanong nyang yon. Kaya humarap na ako sa kanya, para ipakitang 'okay lang'.

"Kaya sana tulungan mo kang hanapin yon." Tugon ko habang naka-smile."Treasure ko yon e." Dugtong ko pa.

Nagsmile din sya at nag-nod.

Lumipas ang mga minuto hindi parin namin nakikita ang camera ko, halos nilibot na nga namin ang buong playground pero wala parin.
Hanggang sumagi sa isip ko ang dati kong tinatambayan tuwing kumakain ako ng ice cream.

Agad ko itong pinuntahan. Simple lang ang tambayan ko. Isang bench at ang tabi non ang isang malaking puno, na lagi kong dinodrowing,
kaso hindi ko maperfect dahil hindi naman ako marunong magdrowing sadyang gusto ko lang itry, para naman may mapagmayabang.

Masarap umupo sa bench nayon. Hindi masyadong naiinitan at malakas ang simoy ng hangin dahilan narin sa puno. Sa lahat ng mga bench, yon talaga ang favorite spot ko, dahil doon ko nakilala ang una kong naging kaibigan.

Pagdating ko sa tamabayan nayon, halos himatayin ako sa tuwa dahil nandon lang pala nakapatong sa bench.

Sa wakas nakita rin kita, My treasure!

Agad ko itong kinuha at ichenek kong ayos pa ba
ang camera.

"Grabe! Pinag-alala mo ko, treasure. Sorry kong naiwala kita, promise hindi na talaga kita bibitawan." Sabi ko pa sa sarili.

Agad ko namang pinuntahan si Samm para sabihing nakita ko na ang camera. Tulad ng inexpect ko mas masaya pa sya kaysa sa akin, kulang nalang magpa-piesta ang bakla. Hahaha

Matapos ang mahigit 19749029 years na paghahanap, salamat sa diyos nakita ko rin ang kayamanan ko.

Umupo mo na kami ni Samm sa bench para magpahinga, sobrang pagod daw sya hiyang-hiya naman ang pagod ko sa pagod nya,
feeling ko nga ako lang ang nagseryosong naghanap kasi sya puro kalokohan. Gayunpaman thankful parin ako sa kanya dahil tumulong syang maghanap.

"Woahhh! Kapagod, sobra" reklamo ni Samm habang nagpapay-pay gamit ang kamay sa mukha. "Ang hirap palang maghanap ng nawawala no? Walang clue, di mo alam kong san hahanapin, tapos sa matagal mong paghahanap, magugulat ka nalang nasa harap mo lang pala." Nagulat ako. Seryoso sya. May problema ba to?

"Mukang may pinanghuhugutan ka huh?" Tumawa lang ito.

"Wala no." Tipid nyang sagot. Bigla kaming nabalot ng katahimikan. Maya-maya ay nagsalita sya. "Annika, may tanong ako?" Tumingin ako sa kanya. "Ano ang love para sayo?" Nagulat ako sa tanong nya. Sa dami ng topic bakit love pa?.

Pero ano nga ba talaga ang love para sa akin?

Love... Love... Leche wala akong alam dyan!
Ewan bobo ako sa love.

"Bakit? Para sayo ano ang love?" Pabalik kong tanong sa kanya. Sumimangot naman ito.

"Yan tayo e, ang galing mong ibalik sa akin ang tanong e."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Manong Sorbetero (One Shot Story)Where stories live. Discover now