A N G P A N I M U L A
16 Years Old Of Me
"Annikaaaaaa!" Nagulat ako sa sigaw ni Samm,
kaya mabilis ko itong nilingon.
"Ano? Nahanap mo na?!" Bungad ko dito.
"Hindi pa rin e!" Kamut-batok nyang tugon. Nanlumo ako. Akala ko talaga nahanap nya na.
Hayyyy! "Ano? Gusto mo report na natin sa pulis?"
"Abnoy, buti sana kong tao yon e no, ang kaso bagay." Sagot ka na ikinalakas ng tawa nya. Abnoy talaga, plus may topak pa, tapos minsan baliw, sarap ipasok sa mental.
Jusko ko po, pigilan nyo ko baka hindi ako makapagpigil at paliparin ko to papuntang mental ospital.
Kalalabas lang namin ng School, pero dumiretso kami agad dito sa playground malapit sa bahay ko. Teka! Baka iniisip nyong naglalaro kami, hindi no, hindi naman kami isip bata.
Nawawala kasi yong pinaka importanteng bagay na may lamang mga memories ng isa sa mga taong importante sa buhay ko. Kanina bago kasi ako pumasok sa school, dumaan mo na ako sa playground dala ang camera ko. Tama! Camera ko ang nawawala, aksidente ko yong nalaglag kanina habang naglalakad, kaya ito kami ngayon nangangapa sa kakahanap, nagpasama din kasi ako kay Samm para mabilis ang paghahanap ng kayamanan-este ng camera pala.
Sana lang talaga walang nakapulot.
Treasure ko yon e. Kayamanan ko. Mas mahalaga pa kaysa sa pera.
"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Samm sa akin na kasalukuyang umupo sa sisow.
"Bakit? Pagod ka na ba?" Pabalik kong tanong sa kanya nang hindi tumitingin, kasi alam kong nakanguso na naman yon. Nangangapa pa rin ako sa paghahanap.
"Aba! Obvious ba? Kanina pa kaya tayo naghahanap dito!" Nilingon ko ito. Confirmed. Nakanguso nga. "Tignan mo ohh!" May palinga-linga pa sya sa paligid. "Wala nang katao-tao." Para syang bata, may papadyak-padyak pa.
Binalikan ko ang ginagawa kong paghahanap.
"Kaya walang katao-tao kasi nga pinaalis mo!"
Sagot ko dito. Hindi ko alam na may topak din pala tong kaibigan ko. Kanina lang naman kasi pinaalis nya lahat ng mga batang naglalaro dito, kaya yon nagsumbong sa mga nanay, muntik na ngang makahanap ng kaaway tong si Samm e. Kala mo naman sya may-ari nitong playground, buti nalang nagsi-alisan na lang din ang mga nanay, pero bago umalis nag-iwan mo na ng masasamang tingin. Pati din sa akin. Putcha minsan sarap din mambatok ng kaibigan dahil dinamay ako sa katopakan, pero di ko magawa
baka mamaya mag-transform syang dragon, masunog pa ako ng buhay.
"Ang kukulit kasi nila at ang iingay kaya yon, pinaalis ko" Proud nya pang sabi. Ayyy! Kainis sarap nya talagang batukan. Malamang maingay ang lugar na ito, dahil palaruan. Common sense nga! "Nakakainis nga yong nanay na mataba, inirapan pa ko. Sarap dukutin ang mata. Pero hindi ko naman gagawin yon. Good girl kaya to, hehehe!"
Kalma lang Annika! May sira ang utak nya, intindihin mo na lang.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko sya sinagot at nagpatuloy na lang sa paghahanap.
"Oyy! Annika, Ano? pahinga mo na tayo."
"Edi, magpahinga ka! Basta ako magpapatuloy sa paghahanap." Sagot ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Manong Sorbetero (One Shot Story)
Kısa HikayeIto ay kwento tungkol kay Annika at sa kaibigan nyang si 'Manong Sorbetero'. Age is just a number! Yan ang madalas na kawikaan sa mga may lovelife. Pero alam nyo ba na hindi lang sa lovelife nag-eexist ang salitang yon. Nag-eexist din sya sa pakikip...
