Inilipat ni Enzo ang tingin sa 'kin at tulad ng sa mga pelikula, para bang nabalutan ng mga rosas ang paligid ni Enzo sa paningin ko.

His eyes looks at me with curiosity. He slightly purses his lips and his eyes slowly register amusement. Dapat, lalo na akong mahiya dahil sa nangyayari pero hindi ko na magawa pang isipin ang hiya ko dahil sa pagkatulala kay Enzo.

Enzo smiles at me.

"Are you my fiance?" he asks with a playful smirk playing on his lips.

Oh, no. He shouldn't be allowed to do that. Baka maaga akong mamatay. Baka hindi ako maka-graduate. Baka hindi ako makapag-trabaho. Baka hindi ako magkapamilya! 

What the hell am I thinking?!

Dahil hindi ako makapagsalita, tumango na lang ako bilang sagot. Enzo looks at my hair and he bites his lip to contain his laugh. Napatingin ako sa labi niyang kagat-kagat niya.

Agad akong nahiya. May soot kasi akong flower crown at belo. May dala pa nga akong bouquet! Hindi ko naman akalain na nakakahiya palang maging ganito sa harapan ni Enzo. No'ng sinosoot ko ang mga 'yon kanina, ang nasa isip ko lang ay ang kasal namin ni Enzo. Ni hindi ko na naisip ang iisipin ni Enzo.

But like what Antonia and I always say, you only live once so grab every opportunity that lands before you.

Hindi ko alam kung paanong napapayag ng grupo ni Alec si Enzo na magpakasal sa 'kin. Maybe they forced him at first! Pagkatapos ay sumama na lang ito nang matiwasay.

Umalis ang dalawang lalaking nagdala kay Enzo rito. Dahil naiwan kaming dalawa ni Enzo sa harapan ng altar, hindi na ako nakapagsalita at sinusubukang libangin na lang ang sarili sa sementadong sahig ng university. 

I can smell Enzo's perfume from here. Mabango 'yon at lalaking-lalaki. He smeels so good and fresh! Bigla akong nakaramdam ng hiya na baka hindi na ako kasing-bango niya. 

Sumilip ako kay Enzo at naabutan kong sumilip din siya sa 'kin. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. 

"Sorry. I should be the one waiting for you on the altar. Not you," Enzo says as he continues to stare straight into my eyes. I realize that he has eyes with a beautiful shade of brown. He smiles and I get distracted by his lips once again. "Hindi rin naman problema kung gusto mong ikaw ang naghihintay."

I feel like there's a lump on my throat. Ni hindi ko magawang sumagot pabalik.

Three years, I have been crushing on this man pero ngayon lang kami nakapag-usap nang ganito. Ngayon ko lang siya nakaharap nang ganito katagal. Ito na rin yata ang pinakamahaba niyang nasabi sa 'kin.

Sa lahat ng old school love letters na ipinuslit ko sa locker niya, sa mga messages ko sa kaniya sa social media, at sa ilang pagbati ko sa kaniya sa campus, ngayon niya lang ako nakausap at napansin nang ganito!

I should speak! Pero ni hindi ko magawang ibuka ang mga labi ko para magsalita.

"Marami pa kaming ikakasal. I think we should start," Alec interrupts and I look at him because I don't think I can breathe whenever I look at Enzo.

Alec looks at me behind his thick glasses and smiles before he looks at Enzo who I think is still looking at me.

"After this wedding, hindi na namin kayo pwedeng ikasal sa iba," Alec says and Enzo chuckles at that.

I look at Enzo again. Hindi na naman ako makahinga. The way his perfect lips curve into a smile? Oh, hell. I am indeed in touble. Isabay pa ang mga magaganda at mapuputing mga ngipin niya. Pati na ang panga niyang parang gusto kong hawakan.

TVD #8: You Missed, Cupid!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon