This is good. I feel relaxed. I feel good.

Nang mapagod ako sa pagtakbo ay naghanap ako ng bench na mauupuan. Bumili na rin ako ng malamig na tubig para guminhawa nang kaunti ang aking pakiramdam dahil pawis na pawis na rin ako.

Hingal na hingal akong umupo sa bench at pinagpahinga ang aking katawan. Nakapikit ako habang pilit na hinahabol ang aking hininga. I can feel my chest tightening because of how long I jogged.

Ninamnam ko ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha. Rinig na rinig ko rin sa likuran ang mga batang nagtatawanan at nagtitilian dahil naglalaro sila sa park.

Marami-rami rin ang tao dito lalo na't Sunday ngayon. A lot of people are going for Sunday date's with their families. Kids playing, couples going on picnics.

A family date that I never experienced, even once.

Natigil ako sa pag-iisip kasabay ng pagkunot ng aking noo nang makaramdam ng mainit na likido sa aking binti. Agad akong napamulat at nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano ang mainit na bagay sa aking binti.

"Hoy, gago!" sigaw ko kasabay ng paggalaw ko sa aking binti palayo sa asong nakatayo sa aking harapan.

"Archie, stop!" rinig kong saway ng isang mababang boses ng lalaki.

Diring-diri akong tumingin sa aking sapatos na basang-basa ng ihi ng aso. Nasama pa ang kaunting parte ng aking leggings.

Muli akong tumingin sa kulay brown na aso na patuloy pa rin sa pag-ihi kung saan ako nakaupo kanina. It looked like it's a golden retriever.

Tarantadong aso 'to ah! Hindi ba niya alam na tao na yung iniihian niya? Tapos, yung may-ari naman! Bakit hinayaan niyang makakawala yung aso niya sa park? Ang iresponsable naman!

Iritado na lamang akong napairap at sinundan ng tingin ang asong nakalabas ang dila sa akin. Tumingin pa ito nang sandali sa akin bago tuluyang naglakad papunta sa kaniyang amo. Its tail was wagging to the side as he walked over to his owner.

"Kuya, alam mo-"

Handa na sana akong sigawan ang may-ari nito dahil sa pagiging iresponsable niya, pero agad din naiwang nakaawang ang aking mga labi nang makita ito.

"Hugh," banggit ko sa pangalan nito.

Agad umurong ang aking galit nang tuluyang makilala ang lalaki. He bent down on the brown dog and attached the leash on him again.

Nakasuot ito ng itim na hoodie at khaki shorts. The hood of the black jacket was placed over his head, tinatabunan ang kaniyang silver na buhok.

Tumakbo silang dalawa palapit sa akin. Wala akong nagawa kung hindi mapatingin na lamang sa kanilang dalawa.

"I'm so sorry for that, Jade. Archie is kind of..."

"Dumb?" tanong ko rito. Ako na ang tatapos sa kaniyang sasabihin.

"No. It's just. He's still not used to going out in parks. This is his first time going here," pagpapaliwag niya. "I also... didn't know how to properly attach his leash the first time around..." dagdag niya, inaamin na may kasalanan din siya sa nangyari.

"Dog owner ka, pero hindi mo alam kung paano magkabit ng leash sa aso?" tanong ko rito at pinagtaasan ito ng kilay. Napakamot na lamang siya sa kaniyang batok, hiyang-hiya sa nangyari.

Naglabas na lamang ako ng mahinang buntong-hininga at inilipat ang aking tingin sa golden retriever na nakaupo sa tabi ni Hugh. He was just looking at me with his innocent looking eyes, as if he didn't just pee on me, while his tongue was out.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon