"To make your self calm and think clearly. That's he said," Chris give me a small smile before going back to his chair.

Napatulala ako sa limang chukie na hawak ko na. Akala ko galit si Dave sa akin, kasi hindi niya ako pinapansin. Inaangat ko ang tingin ko kay Chris na nakatingin rin pala sa akin.

I give him my true sweet smile and mouthed, "Thank you,"

And the next thing I know my heart jump because he gave me his full smile! I saw his genuine smile! And that's make him gwapo more. To think of that my face become a red tomato already, before I'm going to my chair I heard his small chuckle that make my face more in red!

"O andito na pala si Janine," Saad ni Kiana at napatingin sa mga kamay kung may dala ng chukie.

"O kita mo itsura niya! Namumula, kinikilig yan kasi binigyan din siya ng chukie, lima pa nga oh!" Ani naman ni Lester.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Kimberly. Tinaasan ko siya ng kilay bago umupo sa upuan ko. Hahayaan ko nalang na isipin nilang nanggaling kay Kyle ang mga chukie'ng dala ko. Hindi rin ako naniniwala na binigyan ni Kyle si Kimberly.

"Can I ask you something?" I said out of confused.

"Yeah, what is it?" Chris answered.

"Bakit sayo inabot ni Dave ang mga chukie kaninang umaga? bakit hindi niya nalang dinerict sa akin?" Tanong ko.

Napatigil na ako sa pagsusulat at nakatingin lang kay Tina na nagsusulat sa blackboard. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko na napatigil rin sa pagsusulat si Chris at dahan-dahang tumingin sa akin.

Bumuntong hininga siya, "Nahihiya daw siya sayo,"

"Huh? bakit naman?" Saad ko.

"Siguro mas mabuti nalang na kayong dalawa ang mag-usap." Saad ni Chris bago nagpatuloy sa pagsusulat.

Tumingin na ako sakaniya at pinagmasdan siyang nagsusulat.

"Magsulat ka na, Janine." Napapitlag ako sa sinabi ni Chris.

Ang sarap sa tenga pag tinawag niya ako sa panagalan ko! At dahil nagustohan ko ang pagtawag niya sa pangalan ko, sinunod ko ang sinabi niya.

"Ayaw nga akong pansinin ni Dave eh," Saad ko sa kawalan habang nagsusulat.

"Gagawa akong paraan para magkausap kayong dalawa,"

Nagulat ako sa sinabi ni Chris kaya napatingin ulit ako sakaniya, "Talaga?!" Hindi makapaniwalang saad ko.

Natatawa siyang tumango, "Sa ngayon, magsulat ka na muna,"

I cleared my throat and seat properly, this man. Hindi ko na napapanatili ang poise ko dahil sakaniya. "Thank you," I said out of nowhere.

Chris didn't answer and I didn't know what his reaction because I continue writing.

Uwian na ng hapon ng sinabi ko sa mga kaibigan kung may pupuntahan pa ako kaya hindi ako makakasabay sakanilang pauwi. Pumayag agad sina Lester at Kiana ngunit si Kimberly andaming tanong. Narindi na ako sakaniya kaya iniwan ko nalang sila.

Nakita ko si Chris na kausap si Ma'am Mefapo kaya umupo muna ako sa may simentong upuan sa harap ng Science Laboratory. Mukang magtatagal pa ata ang usapan nila kaya inilabas ko muna ang mga notes at nagbasa-basa muna. Bigla akong inantok ng ESP notes na ang binabasa ko. 

Napaayus ako ng upo ng maalalang hindi ako sa bahay nakatulog, kundi dito sa School! Luminga-linga ako at nakitang magdidilim na at halos wala ng studyante at teacher sa paligid.

"Ang sarap kasi ng tulog mo, pasensya ka na hindi na muna kita ginising," Ani ni Chris na nasaharap ko bago ako inabutan ng bottle water.

"Salamat," Uminom ako sa tubig na binigay niya, "Kanina ka pa ba diyaan?" Tanong ko.

Ngumiti lang siyang tipid at tumayo, tiniklop niya ang mga notes kung pakalat-kalat sa lamesa. "Ayusin na natin ito, kailangan mo ng umuwi,"

Nagulat ako sa ginawa niya, kagigising ko girl! wala pa ako sa matinong wisyo ko. Kailangan ko ng chukie! "H-huh?"

Ngumiti ulit siya, and this time feeling ko mas nawala pa ako sa wisyo ko. "Iuuwi na kita, Janine."

"H-huh? O-oo!" Kanda uga-ugaga kung saad bago tumayo at tinulugan ng mag-ayus si Chris ng mga gamit ko.

Naglakad kami papuntang gate ni Chris at nakahinga ako ng maluwag ng makitang bukas pa ang maliit na gate at duon naghihintay si Manong Guard.

"Magandang gabi! kayo lang ba ang naiwan sa loob? ibinilin kasi kayo ni Sir Charles, kaya hinintay ko muna kayo," Saad ni Manong.

Ngumiti ako, "Kami lang ho, maraming salamat po."

Tumingin ako kay Chris na nasatabi ko. "Alam ni Kuya na nakatulog ako?"

"Oo, pinapasabi niya ring maglakad ka na daw dahil malapit naman ang bahay niyo," Sagot nito.

Napasungo ako, tiyak na wala na duon ang mga driver namin dahil ang iba ay nagsi-uwian na at ang nanatili sa bahay na driver ay sinundo na sila Mama at Papa.

"Saan ka uuwi?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ihahatid na kita, kaya mo bang maglakad?" Pang-iiba ni Chris.

I shrug, what he think of me? "Kaya ko!"

Natatawang napa-iling si Chris, "Tara, kaya mong dalhin ang bag mo?"

"Ugh... k-kaya?" Alanganin saad ko dahil may kabigatan nga naman ang bag ko at medyo malayo rin ang lalakarin namin.

Napabuntong hininga si Chris, "Akin na, ako ang magdadala."

"Huh?! Hindi na! dala mo rin ang bag mo," Pagtanggi ko.

"Akin na Janine,"

"Mabigat,"

"Kaya nga ako ang magdadala dahil mabigat, diba?" Saan niya pabalik.

"Okay lang sayo?" Nag-aalalang saad ko.

Napabuntong hininga ulit siya, "Alam mo, ibigay mo nalang sa akin, at ng maiuwi na kita."

Inaabot ko na sakaniya ang bag ko, "Thank you," Saad ko at nakita ko pang natigilan si Chris pero sinimulan niya ring maglakad.

"Teka lang Chris! Hintayin mo ako, ang bilis bilis mo namang mag-lakad," Reklamo ko na dahil nauuna na siya.

Madilim na rin, natatakot kaya ako. Pero hindi ako natakot kay Chris, hindi ko alam kung bakit? siguro dahil mukang pinagkakatiwalaan naman siya ni Kuya Charles.

Huminto si Chris at hinarap ako, hinintay niya muna akong matapat sakaniya bago sinabayan niya na akong mag-lakad.

"Dito na ako," Saad ko kay Chris na nahihiya pa dahil hinatid niya ako, kinuha ko ang bag ko sakaniya. "Baka gusto mo munang pumasok?"

Umiling siya, "Pumasok ka na, bago ako aalis,"

Napangiti ako, what a gentleman. "Thank you Chris! Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.

Tumango lang siya at tatalikuran ko na sana siya, "Good night," Dugtong ko pa.

Nakita ko pang nagulat si Chris pero ngumiti rin siya, "Good night, Janine."

True Love Always WinWhere stories live. Discover now