"Hi Ma! Hi Pa!" Bati ko sakanila.

"Yes, darling?" Saad ni Mama kaya lumapit ako sakaniya bago siya niyakap patagilid.

"I want to go out with my friends," Nakangusong saad ko.

"Ask your father," Saad ni Mama bago ako hinalikan.

Tumayo ako at lumapit kay Papa, binitawan niya ang binabasa niya at nag-angat ng tingin sa akin, ngumiti ako ng matamis kay Papa, kaya naman natatawang napa-iling-iling si Papa. Niyakap ko si Papa patalikod.

"Here's my card, buy everything you want. Just take care, Janine." Mas lumawak pa ang ngiti ko kaya niyakap ko pa ng mahigpit si Papa dahil inabot niya na sa akin ang isa sa mga card niya.

"I will Papa, thank you!" Masayang saad ko bago siya hinalikan sa pisnge.

Napatawa nalang sila Mama at Papa dahil muka daw akong 5years old na bata kung maka-akto ngayon. Pero hindi ko na pinansin yun dahil pinayagan nila akong lumabas! Nagpaalam na ako sakanila at nagpalit ng damit.

Nagsuot ako ng pink off shoulder crop top at sexy short. Bagay sa maputi kung balat. Nagsuot nalang ako ng flat sandal para di hetic mamaya. I get my shoulderbag before slowly going to the garage. Meron naman na akong license, napangisi ako ng maalala kung paano ako nagkaroon ng license. It's because of my father's money.

Sinundo ko muna si Lester dahil madadaanan ko rin ang bahay nila. Samantalang si Kimberly at Kiana ay nasa pupuntahan na daw namin ngayon.

"Ahhh! Hi sis!" Tili ni Lester pagkapasok sa passenger seat.

Tumango lang ako at agad na pinaandar ulit ang BMW ko. Nagsuot ako ng shades bago bumaba at pumasok sa restaurant kung nasaan na ang dalawa naming kaibigan.

Umupo ako sa harap ng dalawa ng hindi man lang nila napansin dahil may tinitignan sila. Kunot na ang noo ko dahil pati si Lester napatitig rin sa tinignan nila. Pulakpak ako, agad na nagtinginan ang mga kaibigan ko sa akin at may pumunta ring waiter sa mesa namin.

"Hi best!" Bati ni Kimberly kaya umirap ako.

"Andito na pala kayo," Ani naman ni Kiana.

"Obviously, kanina pa." Pagtataray kung walang binalingan sakanila dahil nakatingin lang ako sa menu.

Inangat ko ang tingin ko sa waiter at napanganga ng makita kung sino ito. Itinikum ko ang bibig ko bago umupo ng maayos, lumunok ako. Kahit pawisan ang gwapo niya parin.

"Your order?" Saad nito kaya napasinghap ang mga kaibigan ko.

"Hi Chris! One Pesto and Ice tea for me," Nakangiting saad ko sa waiter. Waiter siya dito? wala sa itsura ah. Is he? Omygash! Gusto kung magtanong pero pinigilan ko nalang ang sarili ko dahil wala naman akong karapatan para magtanong.

"Okay, noted." Saad nito at tumingin sa mga kaibigan kung wala paring imik hanggang ngayon.

Umirap ako ng binalingan ko sila, titig na titig sila kay Chris! "Girls, order niyo," Saad ko.

"Huh? ano!" Natatarantang saad ni Lester sa gilid ko at bumaling pa sa menu. Ganun rin ang ginawa ng dalawa kung kaibigan sa harapan ko.

"Parehas na rin ng tulad ni Janine," Ani ni Kiana.

"A-ako rin!" Ani naman ni Kim.

"Uh- sige ganun na rin ang akin," Ngiting baling ni Lester sa waiter na si Chris.

Napairap ulit ako. Talaga lang, huh? Tumingin pa sila sa menu, ang oorderin lang rin naman pala nila katulad ng akin. Inulit ni Chris ang order namin na ikinatango ko lang dahil ang mga kaibigan ko titig na titig sakaniya.

"Mapapadalas ata ako dito ah," Mahinang sabi ni Lester pagkaalis ni Chris sa mesa namin.

"Magiging suki na ata ako dito," Ani naman ni Kiana.

"Sasabihin ko kay Daddy na maginvest siya dito," Ani naman Kimberly.

Panay ang irap ko, dahil habang hinihintay namin ang pagkain nagda-day dreaming naman ang mga kaibigan ko kay Chris. Napabaling ako sa labas dahil glass wall ang restaurant na ito. Bigla akong napatayo ng makitang muntik na nasagasaan si Ma'am Mefapo isa sa mga teacher sa school namin.

Kaya napatingin ang mga kaibigan ko sa akin. Umupo rin ako ng makitang kasama na ni Ma'am Mefapo si Kuya Charles.

"May problema?" Tanong ni Lester sa akin. Nakita ko rin ang pag-alala sa mga mata ng mga kaibigan ko.

Umiling ako, "Restroom lang ako,"

Bakit ganun nalang ang kaba ko kanina? at bakit magkasama si Ma'am Mefapo at Kuya Charles? Nagliptint at pulbo nalang ako. Nagpabango rin ako bago lumabas sa restroom.

Pagpunta ko sa table namin, nilalapag na ni Chris ang pagkain namin. Ngumiti ako bago umupo at nakita kung napasulyap si Chris sa akin bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Sis 1k lang nakupit ko," Ani ni Lester.

"Hindi ako binigyan nila Mama kaya nakisakay ako kila Kim," Nakasungong saad naman ni Kiana.

"Ako, one-five ang dala," Ani naman ni Kim at tinitigan ang pasta na nilapag ni Chris sa tapat niya.

"Dala ko ang card ni Papa," Saad ko at nakita kung nagliwanag ang mga muka ng kaibigan ko.

"Talaga?!" Sabay pa nilang sabi.

I knew it! Sinasabi na nga ba, pero anyways wala ako pake. Basta pag nalilibre ko sila at nagiging masaya sila, nagiging masaya na rin ako dahil mahal ko sila, eh.

Ngumiti ako sakanila at tumango kaya mas lalo pa silang sumaya. Napatingin ako kay Chris na kunot noong nakatitig na pala sa akin, itinaas ko ang isa kung kilay. Umiling siya bago umalis sa mesa namin.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now