Kumaway pa kami sa isa't isa bago pumasok at tinawag ang secretary namin upang isulat ang ipinapagawa ni Mrs. Smith sa amin.

"Ano ba yan! ang dami!" Reklamo ng mga nasa harap na naka kita kung gaano karami ang susulatin.

"Ipa-photo copy nalang!" Saad ng isa na sinang-ayunan ng iba.

"Picturan mo dali!" Saad naman ng iba.

Umirap ako at inagaw sa secretary namin ang librong pinagkakaguluhan nila. Itinaas ko ang kilay ko sa mga kaklase kung nakatayo na rin sa harap ngayon.

"Isusulat ni Tina o ako ang magsusulat?" Tanong ko sakanila kaya natahimik ang lahat at bumalik sa mga kaniya kaniya nilang upuan.

"Magsulat ka na Tina," Utos ko sa secretary namin bago ibinalik sakaniya ang libro. "Ang magrereklamo, feel free to get out to this school," Baling ko naman sa mga kaklase ko.

Napatingin ako sa transferre naming nakatingin lang sa akin ng blanko. Ngumiti ako sakaniya ng matamis ngunit hindi tulad ng ngiting ibinigay ko kay Kyle kanina na tunay. Bakante ang tabing upuan niya dahil si Tina ang naka-upo duon kaya naman umupo ako duon.

Umiwas siya ng tingin at nagsimula ng magsulat. Napairap ako bago nagsalita. "Hi I'm Janine," Nakangiting saad ko.

"Chris," Maikling saad nito. Umirap ulit ako, mahal ba sakaniya ang magsalita di man lang kinumpleto.

"Zoo family ang ingay!" Suway ko sa mga kaklase kung nagsisimula nanamang mag-ingay.

"Hoy Janine! halika nga dito at magsulat ka rin," Rinig kung saad ni Lester sa likod ko.

Napairap ako, "You know Lester, just damn write there. And don't bother me,"

Natahimik nga si Lester at rinig ko rin ang paghagikgik ng dalawa naming kaibigan. Napanguso ako ng tumingin sa blackboard, wala akong maisip na open topic. Binuksan ko nalang ang chukie na ibinigay ni Kyle sa akin kanina.

"Bakit ka nagtransfere dito?" Wala sa sariling tanong ko.

"May bahay dito si Mama." Sagot niyang nagsusulat parin.

"San ba kayo nakatira noon?" Tanong ko ulit.

"You know, ang dami mong tanong kung magsulat kanalang kaya," Saad niyang mukang naiinis kaya napahinto ako sa pagsipsip sa chukie ko.

Umirap ako at tumayo na upang bumalik sa upuan ko. Sungit! Natatawang nagbubulungan ang tatlo kung kaibigan kaya umirap ulit ako. Alam kung narinig nila ang sinasabi ng transferre boy na yun dahil sa harap ng pwesto namin ang upuan niya.

"Janine!" Napapitlag ako ng tayo ng marinig any boses na yun.

Lumunok muna ako bago hinanap ang nanggalingan nun bago ngumiti ng matamis. Nakita ko ang galit sa muka ni Kuya Charles, kaya naman agaran akong pumunta sa may pinto ngunit bago pa ako makapunta duon ay nasa harap na si Kuya Charles.

"Good morning OldNavy," Bati nito sa amin.

Napanganga ako, natigil rin ang lahat sa mga ginagawa nila. Nanahimik ang klase. Naitikum ko ang bibig ko at naglakas loob na magsalita.

"Your a Science teacher, hindi pwedi." Saad ko.

Ngumisi si Kuya, "I'll be your TLE teacher for a while, while Mrs. Smith is in the hospital."

"What?! No way!" Agaran kung sabi kaya napangiti pa si Kuya.

"Why Janine? so I can't see that all of your classmates are doing something while you are eating in time of class." Seryosong saad niya.

"I'm not eating, I'm just drinking." Patigasan tayo kuya. Hindi ako papayag na ikaw ang magiging substitute teacher namin.

"Take your seat Ms. Rondolottie, even you don't want. I'll be your substitute teacher in TLE." Saad pa nito bago naglakad lakad sa harap.

True Love Always WinWhere stories live. Discover now