Prologue

1 0 0
                                    

"Kuya, kinakabahan ako."

Mamaya na kasi yung performance ng banda nila kuya at biglaang umalis yung dati nilang vocalist. As their last resort, they asked me to sing for them. Wala naman sanang problema 'yon sa'kin kaso hindi ko alam kung bakit tuwing nandyan na, saka ako kinakabahan.

"Ano ka ba, Kaycee, just enjoy the moment. Own it," kuya said. "Para hindi ka masyadong kabahan, pumikit ka tapos imaginin mong nagppractice lang tayo. Magaling ka namang kumanta eh."

"Pero kinakabahan pa rin ako."

"You can do that," ginulo niya yung buhok ko saka ngumiti. "We won't ask a favor from you if we don't trust your talent."

Tonight's event will be the last for our school's Science month. To relieve the students' stress from the past weeks, it has become an annual habit of our school to end the month with a battle of the bands. Each year level has a representative for this contest but of course, may guest bands din. Minsan, nag-iimbita rin sila ng mga sikat na banda, pero madalas, mas gusto nilang mga estudyante lang din dito yung tumutugtog. As the most famous band in our school, kuya's band always perform in every event, including this.

Maaga kaming pumasok sa school para makapaghanda. Nasa backstage kami kasama yung ibang kabanda ni kuya. Nagtatawanan lang sila habang ako, nag-iisip na ng mga senaryong posibleng mangyari mamaya.

"Kaycee, kinakabahan ka na naman ba?" Tanong sa'kin ni Emman, ang drummer ng banda at isa rin sa best friends ko.

"Medyo."

"Wag! Ang galing galing mo eh. Wag mo nalang silang tingnan kung kakabahan ka dahil dun. Enjoyin mo lang lalo na yung kanta."

"I'll try..."

"Yon oh!" He patted my head.

"Helloooooooo!"

Biglang may pumasok na dalawang babae. Those two girls are always at our house. Dahil sa bahay namin ginagawa yung practices, lagi rin sila ron. Although they don't perform with the band, the two of them are important to each member of kuya's band.

"Goodluck! Galingan ninyo mamaya ha!" Lumapit ang isa kay kuya at yumakap. Ganun din ang ginawa niya sa iba pa.

"Kinakabahan na naman si Kaycee, noh?" Sabi ni Kat, yung isa pang babae.

"Ano pa nga ba? Alam mo naman yan."

"Huy, Kaycee, wag ka kabahan! Goodluck! Magchicheer ako."

"Oo na," sagot ko, natatawa.

"Galingan ninyo! Manlilibre ako mamaya pagkatapos ng event," sabi ni ate Alaine, yung yumakap kila kuya kanina.

"Ayun, may pagkain! Mukhang gaganahan na ako nito," sagot agad ni kuya Mikee, ang bahista ng banda.

Napuno ng tawanan sa backstage. Wala na kasing ibang ginagawa sila kuya kundi magbiruan. Ganito sila madalas, good vibes lang. Kaya rin gustong-gusto kong sumasama sa kanila, bukod pa sa fact na malapit na ako sa bawat isa sa kanila.

"Kaycee," tawag sa'kin ni Kat.

"Bakit?"

"Pasama naman oh... Magsisimula na ba kayong magprepare?"

Tumingin muna ako sa wall clock sa gilid ng backstage. May 15 minutes pa bago magsimula yung event.

"May time pa naman. Saan ba?"

"Sa tindahan lang sa labas. I'll buy snacks for us later. You know, di tayo nakapaghanda."

I nodded then stood up to follow her. Tinanong pa ako nila kuya kung saan kami pupunta and we just answered 'snacks'. Alam na nila yon kapag ganon.

Caught By Your VoiceWhere stories live. Discover now