Kalauna'y ,nagpaalam na ako kay Jaycee na aalis na dahil mauuna na ako dahil malapit na magsimula ang board exam ko. Inihatid pa niya ako sa labas hanggang sa nakasakay na ako ng taxi.

Habang nasa taxi ako ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

King Bullet Sandoval:

Hi Claudette! I just want to say na goodluck sa board exam mo! I know ,na makakaya mong maipasa yan. Ikaw pa! lahat maipapasa mo yan. Hihintayin ko na maitawag ka bilang isang 'Nurse Claudette" :))

Dahil doon ay natawa ako sa text ni Bullet.  mukhang kailangan ko talaga maging sigurado sa lahat ng mga isasagot ko sa exam ko. Ayokong sa unang take ng board exam ay bagsak ako! Gusto ko na maging nurse ,kaya kahit mahirap ay gagawin ko para sa pangarap ko!

Di rin nagtagal ay bumaba na ako sa taxi at kinuha ko na ang bayad at inabot ko na kay manong. After that ,pumasok na ako sa pinagtake ko ng exam. Well ,naka white uniform ako ngayon dahil required 'to dito. Pati mga lalaking graduating ay naka white uniform.

Habang nag eexam ako ay kada number ay iniintindi ko mga question 'don dahil kung puro hula hula ang gagawin ko baka di ako makakapasa nito ngayong taon!

Kaya kahit mahirap intindihin ay sinagutan ko pa rin. Pero siyempre ,yung mga pinagsasagot ko 'don ay mga nireview ko dati na alam kong yun ang tamang sagot.

After 6 or 8 hours na pagsasagot ko sa board exam ay natapos na rin! Of course ,bago ako umalis ay tinagilid ko ang ulo ko at naramdaman ko agad ang pagod sa katawan ko.

After that ,lumabas na ako 'ron at kinuha ko ang cellphone ko para itext sana si Garrett para sunduin na ako dito. Nangako kasi siya kagabi na siya ang maghahatid pauwi sa akin pagkatapos ng board exam ko.

Pagbukas ng cellphone ko ay nakita ko ang pangalan ni Garrett kaya tinignan ko at binasa ko ang message niya.

Garret Leon Ramirez:

Hi Babe! katatapos lang ba ng board exam? nandito na ako sa labas at hinihintay ka na lang dito.

Napangiti ako doon ,wala na akong sinayang ng panahon at bumaba na ako para makita ko na si Garrett. Paglabas ko ay nakita ko nga si Garrett na naghihintay sa akin sa labas ng kotse niya.

He's wearing a navy blue button down shirt. Nakasuot ng shade at nakita kong kumaway siya sa akin.

Tumakbo at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at naamoy ko na naman ang pabango mabango na madalas kong sinasabi na sa lahat ng pabango niya ay ito lang ang mabango kapag naaamoy ko.

"How's your exam?"tanong sa akin ni Garrett kaya kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya para tignan siya ng maayos.

Nakita kong nakatitig siya sa akin habang hinahawakan niya ang buhok ko. I smiled to him before I speak.

"Okay naman siya ," I winked at him ,"Mahirap sa una yung mga exam ,pero siyempre ginawa ko ang best ko para maisagot yun! Lalo na't ikaw ang naiisip ko habang nagsasagot ako. You're my inspiration."

Nakita kong ngumiti siya sa sinabi ko. Well ,totoo naman yun. Tanging naiisip ko nung oras na yun ay si Garrett! Simula nung nagstart ako magcollege hanggang sa nakagraduate ako ay sinasabi niya sa akin siya ang makakasama ko kapag naging registered nurse ako. Palagi siyang nakasuporta sa akin sa kahit anong mang nangyayari sa buhay ko.

"Fuck ,you're my best girl."after he said ,he kissed my forehead ,"Makapasa ka man o hindi ,nandito lang ako sa tabi mo para suportahan ka."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga matatamis na salita sa akin ay napangiti ako. Well ,palagi naman niya pinaparamdam sa akin yung pagmamahal na binibigay niya sa akin. Di ko alam kung bakit lalaking sobrang magmahal sa akin. Wala na ako maihihiling pa.

Together For A Day ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon