Chapter 21: Amusement Park (Part 1)

Start from the beginning
                                    

“Gusto mo burger nalang? May stand yata dun. Just stay here, then bili nalang kita.”

“Ah sige. Pero sama nalang ako sayo.”

“Sure ka? Baka pagod ka na. C’mon, it’s really okay with me.”

“Ikaw talaga, ayaw mo nun, magkasama tayo? Haha. Baka kidnapin pa ako dito.”

“You’re imaginations talaga, Kaye! Sige, tara na.”

I took his hand at sabay na kami pumunta sa burger stand. Okay lang naman sa akin to, ayaw ko din ng heavy food. Baka mamaya magsuka pa ako pag sumakay kami sa mga nakakahilong rides.

“Manong, two burger meals nga po.” Sabi ni Adam.

Biglang dumami ang mga customer na babae dito sa stand! Pagkakita ko sa kanila, aba’t kinukunan pa ng picture si Adam! Ito talagang celebrity friend ko na to!

“Hi, ikaw si Adam, yung tennis superstar diba!”

“PAPA ADAAAAM PAPICTURE!”

“Pa-autograph akooooo! Newtonian foreveeeerrr!”

Napatingin lang siya sa akin as he smiled sheepishly at me. I returned a sheepish smile din at nagnod lang ako, para payagan siya na pagbigyan ng picture at autograph itong mga fan girls niya.

Umusog lang ako ng konti palikod at pinanood yung mga nagpapapicture sa kanya. Isa pang maganda kay Adam, hindi siya snob sa mga fans niya. Bakit ba kasi… hindi nalang siya?! Tama naman si Scott eh…

“Ay sorry!”

Sa sobrang deep ng thoughts ko, di ko napansin may nabunggo ako habang umuurong ako. Napalingon ako.

O_O

OH MY GOSH.

“S-Scott?”

“Bes.”

“Hi Karen!”

“Hi… Uh… Nancy.”

OUCH. </3

Nanlambot yung mga tuhod ko at nakaramdam ng sobrang sakit sa dibdib ko.

Bakit… bakit sila magkasama? :(

Diba… magkaibigan lang naman sila?

Love You, Only BetterWhere stories live. Discover now