"I don't know. I didn't talk to him after I picked up Hurricane in the airport." Sagot nito.

Muling natuon ang atensyon nila ng magsalita ang Mafia announcer.

"Mafia's, nais kong ipakilala sa inyo ang mga kalahok ngayong taon. Simulan natin sa pinakamataas na Familia mula sa Los Crucio. Narito ang grupo ni Supremo!!!"

Malakas na sigawan ang pumuno sa stadium. Kanya-kanyang sigawan ang mga ito ng umakyat sa platform ang grupo ni Primo.

Sunod-sunod na ipinakilala ng M.A ang bawat Familia. Na sa dalawangpu't lima ang Familia sa loob ng Mafia at mayroong lima hanggang anim na kalahok ang bawat isa. Halos mapuno ang platform ng umakyat ang mga kalahok.

"At ang huli ay ang ikalawa sa mataas na Familia walang iba kundi ang Labeirg Familia!!!"

Seryosong nakatingin si Primo sa paglapit ng grupo ni Drevon. Na sa unahan ang lalaki kasunod ang iba nitong miyembro. Nagtaka pa siya kung bakit kasama sa grupo nito Casseus mula sa Smith Familia. Ngayon din niya napagtanto na walang representative ang Smith Familia. Isa-isang umakyat ang mga ito sa platform ngunit hindi niya inaasahan ang huling tao na tumapak sa platform mula sa Labeirg Familia.

"Bakit na sa grupo nila si Hurricane?" Nagtatakang tanong ni Lassy. 

Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Hurricane. Deretso lang itong naglalakad hindi alintana ang nagsisimulang bulungan mula sa mga tao. 

"Siya ang dating Lead Council hindi ba?" Tanong iyon mula sa isang kalahok. 

"Bakit na sa Labeirg Familia siya?" Segunda ng isa. 

"Maglalaro ba siya para sa Labeirg?" 

Napuno ng pagtataka ang mga tao maging si Primo ang ganoon din.

"Mafia's, naririnig ko ang inyong mga katanungan sa paglitaw ng dating Lead Council!" Pahayag ng M.A. "Nais pong patunayan ng dating Lead Council ang kanyang sarili na nararapat siya sa paggalang ng buong Mafia kahit wala na siya sa posisyon. Ang larong ito ay nagsisilbing patunay kung ano ang kaya niyang gawin bilang manlalaro. Makikita rin natin kung utak lang ba ang meron siya o mas higit ang lakas at diskarte? Mafia's, alisin nyo sa inyong isipan na dati siyang namumuno sa atin sapagkat sa Council lang naman siya nag-eexist!" Mahabang paliwanag ng M.A.

Hindi naniniwala si Primo na iyon ang dahilan ni Hurricane kaya't sumali ito sa laro. Kahit seryoso ang itsura nito, mapapansin naman ang talim ng mga mata nito habang nakatingin sa direksyon ng Council. Hindi niya alam kung anong paraan ang ginamit ng Council para pumayag itong maglaro para sa Labeirg, ngunit alam niyang mahalaga 'yon dito. Kilala niya si Hurricane na may paninindigan sa tama at kahit buhay nito ay kaya niyang ibigay para sa iba. Maaaring isang buhay ang nais nitong isalba ngayon, ngunit kanino? Kaninong buhay ang gusto nitong iligtas kung pwede naman niyang ipaubaya sa kapangyarihan ng sariling pamilya ang bagay na 'yon. 

"Supremo, magsisimula na ang opening ceremony." Tapik sa kanya ni Manzo.

Saka pa lang niya inalis ang paningin sa direksyon ni Hurricane.

Humarap silang lahat kung saan nakalagay ang simbolo ng bawat Familia. Nakaposisyon iyon sa hugis ng isang singsing habang nakapatong sa bilog na platform sa taas ng stadium. Napapalibutan naman iyon ng makapal na glass wall na yari sa matibay na kasangkapan. Nasa loob din n'on ang diamond ring na dating suot ni Hurricane. Ito ang sumisimbolo sa buong Mafia. Matagal na niyang inalis ang singsing sa putol na daliri ni Hurricane at binaon iyon sa likod ng kanyang mansyon.

Pagkatapos ng seremonya, hinintay naman nila ang anunsyo sa pagsisimula ng laro. Nagtungo sila sa designated area na naka-segregate bawat Familia. Individual silang lalaban ngayon at tulad ng anunsyo kanina, Win by Knockout ang mangyayari. 

Devil's GAMEWhere stories live. Discover now