Chapter One

3.5K 238 53
                                    


        IBA TALAGA ANG UMAGA SA MAY DAGAT. The wind is fresh and crisp, malambot sa paa ang buhangin, at tila nanghihikayat ang mundo—smile for me, take a deep breath. Halika, salubungin mo ang umaga nang nakangiti.

Pero siyempre, para sa mga kagaya ni Megan Espiritu na tatlong buwan nang tengga sa San Juanito, Albay, walang pera at may bakas pa ng luha ang mga mata, parang hindi tempting ang ngumiti.

The view is marvelous. Malapit lang sa bahay nila ang dagat, mga sampung minutong lakad lang at dalawang balot ng tsitsirya. When she was younger, palagi siyang tambay sa pangpang tuwing iiyak. Detour kumbaga bago umuwi ng bahay. At least sa may dagat, kapag may kapitbahay na makakita sa kanya at magtanong, she can say na napuwing lang siya.

This place has always provided her comfort. Today is different, however.

Anim na rejection. Ganoon karaming rejection ang natanggap niya ngayong linggo pa lang. Ni isang firm walang may gustong tumanggap sa kanya, maski iyong mga bago at kailangan ng experienced coordinator. Hindi na talaga siguro makakabalik si Megan sa Manila bilang coordinator. Dito na lang siguro siya tatanda sa Bicol, nakatulala sa dagat.

Okay lang naman sana pero... her dreams. Hindi naman sobrang taas ng pangarap niya sa buhay, but it aches differently when you mourn for something unfulfilled. Pakiramdam niya, isa iyong pagtataksil sa kolehiyalang Megan na nag-dropout para kumita ng pera para sa pamilya.

Noon, pinangako niya sa sarili na kahit magsasakripisyo siya, it will be worth it. Okay lang dahil magiging successful naman siya kahit walang diploma. Ten years later, the promise is beginning to fade. Now, all she has is regret.

She closes her eyes and takes in a deep breath. Rinig ang tawanan ng mga bata na nagpapalipad ng saranggola sa 'di kalayuan. She can hear the waves, she can taste the salt in the wind that pushes boats to the shore.

Pagbuklat niya ng mga mata, there are tears.

San Juanito, I'm back. Hilumin mo sana ako.

-

Megan's mornings in San Juanito start with a fresh cup of coffee. 'Yong brown na basong mababa at makapal. Isang stick ng black coffee, dalawang kutsarita ng creamer, at dalawa ring asukal. Pagkatapos niyang mag-init ng tubig sa mauling na takuri, magtitimpla siya ng kape para sa kanilang mag-nanay.

Lalabas si Markus na nagkukusot ng mata at nakabusangot. She'll smile, just like usual, at magkatabi silang magkapatid na manonood ng balita sa umaga.

"May kakaiba talaga sa 'yo, Ate," puna ni Markus sa kanya. She glances at him with a frown.

"Anong iba?"

Tumagilid ang ulo ng nakababata niyang kapatid, his round eyes, just like hers, narrow in suspicion. "Nagda-drugs ka ba?"

Binato niya si Markus ng pandesal. "Gago, bakit ako magdadrugs? Wala nga tayong pambiling gasul, drugs pa kaya?"

"Sinasabi ko lang naman, Ate kasi syempre concerned ako sa 'yo. Para kasing nabawasan 'yong—"

The T.V. turns static at napabuntong-hininga si Markus. Tumayo ito para i-adjust ang kawayan sa labas ng bintana na pinagkakabitan ng antenna ng T.V.

Dahil wala silang cable, tuwing humahangin o kaya may ibon na tumatambay sa antenna nila, lumalabo ang luma nilang T.V. Kailangan nilang iikot ang kawayan sa nakasaksak sa lupa para may makita ulit na mukha sa screen.

"Malinaw na ba, Ate?"

"Kaliwa pa, noy!"

"Ayan?"

"Kanan!"

Her RedemptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon