64: Online Selling

Start from the beginning
                                    

But the truth is, sa mga laban lang ang mga ito makikita. Kapag sila-sila lang ng mga miyembro niya, paiba-iba siya ng mood unlike sa battle na dalawa lang ang pinapakita niya, the combination of his lunatic and ruthless side. Ang pangatlong katauhan niya ang nasa harap ko... his true self...ang pagod na pagod at napakahina pagdating sa mga taong mahal niya.

Tumayo ako. "Afraid of what, Kaiser, huh?" Sarkastiko akong tumawa. "Na malaman niyang hinayaan siyang makapasok sa section na 'yon kahit na alam mo ang magiging sitwasyon niya ro'n?! Alam nating parehas na ang utos ay nagmula sa ika-12 knight na pinagkakatiwalaan ng parents niyo until their last breath! Sinunod mo lang naman ang utos sa'yo! At hindi lang naman para sa inyo 'to, para rin sa kaniya and I know she can fucking understand these!" Sigaw ko.

He still doesn't know Luna?! I couldn't believe him!

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "No, it's not all about that! She hates me to the core, Alexus!" Sigaw niya. Umisang hakbang siya para makalapit sa akin at dinuro-duro ang dibdib ko habang matapang ang mga mata nakatingin sa akin kaya natangay lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Unti-unting nanghina ang kamay niya hanggang bumagsak ito. Mula sa matatapang na mga mata, naging malambot at bigo ang mga ito.

"Kaiser..." Nagsimula ng mangilid ng luha ang mga mata ko. This guy really...shakes my personality.

"Of all people, you know how he hates Blue. She will be hell mad kapag nalaman niyang ang kuya niya ang leader of Blackwing Gang who she hates the most," nanghihinang sabi niya. Bumagsak ang mga mata niya sa mga kamay niyang nanginginig. "She hates me. My w-wrong doings. M-my existence. Everything about me and I can't blame her, Alexus... Kapatid ko 'yun, eh. I lied... at kahit sino siguro walang gugustuhin ang maging kapatid ako k-kasi..." Kinagat niya ang ibabang labi niya saka iiling-iling na ikinuyom ang mga kamay.

"Hindi..." Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang nanghihina siyang napaupo sa lapag. Tinakpan niya ang mga mata niya ng mga palad niya saka inakyat ang mga ito sa buhok niya at marahas na sinabunutan ang sarili. "I-If I could just live like Jasper who always think twice before pulling the trigger." Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil sa pag-iyak niya.

Naupo ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya. Naramdaman ko na rin ang mainit na likido sa mga pisngi ko.

Nilukot niya ang tuhod niya at niyakap ang mga ito saka ako tiningnan. Nanlaki ang mga mata niya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mga mata ko hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya, mapait na ngiti. "I-if only I could be like him who has no anger management issue and this lunacy act of mine, Alexus... maybe? Just maybe she can accept me wholeheartedly as her brother."

Nanatili akong tahimik at pinagmasdan lang siya. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin ko para mapagaan ang loob niya. I feel useless this time dahil maging ako, hindi ko kinakaya ang bigat ng tingin at mga salitang binibitiwan niya.

"But look at the person who's in front of you, Alexus. I am Kaiser Lennox Velasquez, leader of Blackwing Gang who killed thousands of people at madaragdagan pa 'yun. I have underground transactions that will make her despise me more."

The highest among all the gang leaders is at his lowest right now to the extent that he hates his position in the gang world that every leader desires to have.

Tinuyo ko ang luha ko saka hinigpitan ko ang hawak ko sa balikat niya. I need to wake him up. "Hey, Kaiser. Don't get too hard on yourself. She will understand you. Trust me with that. Don't torture yourself like that. You have me. You have Luna and Ced. Hindi sila mawawala sa'yo lalo na si Luna. I will assure you that."

"You have me too, bro." Singit ni Raiven dahilan para mapatingin kami sa kaniya. Nakangiting ikinakaway niya ang paw ni Lexi. Pansin ko ring basa ang mga mata niya na palagay ko kanina pa nakikinig.

DARK SECTIONWhere stories live. Discover now