CHAPTER THIRTY-EIGHT

Bắt đầu từ đầu
                                    

Nawalan ng emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kakambal. Hinawakan niya ito sa braso kapagkuwan ay hinila palabas ng funeral.

"What are you doing? Umuwi ka na. Kakalabas mo lang hindi ba? Dapat nagpapahinga ka na lang sa bahay. Alam ba ni mom na narito ka?" sunod sunod na ani ng kakambal.

"Anong nangyari?" walang buhay na tanong niya. Napakunot noo naman si Clayton sa turan ng kapatid. "Paanong nangyari na ako ang sinisisi ng lahat sa pagkamatay ni Lhiela?" Iyon ang gusto niyang malaman dahil naguguluhan siya. Tiningnan niya ang kakambal. "Hindi ba ikaw ang nag-drive ng gabing 'yon? Paanong ako ang sinisisi nila!"

Naramdaman niya na biglang naging unease ang kapatid. Malinaw pa sa kaniyang isipan ang nangyari ng gabing iyon. Sinubukan niyang pigilan ang dalawa. Ayaw niyang pasamahin si Lhiela ngunit nagmatigaas ito kaya wala siyang nagawa kung hindi ang sumama.

"Paanong nangyari na sinasabi nila na ako ang nagdrive? Ako ang sinasabihan nilang pabaya samantalang ikaw iyon?" walang buhay niyang saad.

"Ja-Jaxxon, hindi... hindi mo naiintindihan. Patawad."

NAPAIGTAD si Verlaine nang biglang ihinto ni Clayton ang sasakyan sa tabi ng kalsada hindi kalayuan sa lugar kung saan sila nagpunta ni Jaxxon. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa at hindi niya alam kung ano ang gagawin para mabasag 'yon. Nahuli siya nito sa akto, kahalikan ang sarili nitong kapatid. Ano ang magiging lusot niya? Wala! Ramdam na ramdam ni Verlaine ang pagkabog ng kaniyang dibdib dahil kabang kaniyang nararamdaman. Alam niyang galit ang lalaki, ramdam niya ito."Are you really pregnant, Verlaine?"Namilog ang mga mat ani Verlaine sa unang itinanong ng kasintahan sa kaniya. Hindi siya makaimik. Hindi niya gustong sa ganitong paraan malaman ng lalaki ang kaniyang sikreto. Paano nito nalaman?Clayton frustratedly brush his hair through his fingers. Ni hindi nito magawang tumingin sa kaniyang direksyon. "Alam mo susurpresahin sana kita kanina bago ka umuwi galing ng opisina pero ako 'yong nasurpresa nang sunduin at pasakayin ka ni Jaxxon sa kotse niya," anito sabay tingin sa kaniya."N-nakita mo kami?" nauutal na saad ni Verlaine. Hindi siya makapaniwala na nakita ng nobyo ang kusang pagsama niya sa kapatid nito.Clayton looked at her in disbelief. Kitang kita sa mga mata ng binata ang sakit na nararamdaman nito. "Hindi lang nakita, Verlaine! Sinundan ko kayo. I saw and hear everything pati na ang sinabi ni Jaxxon sa harap ng mga tao kaya gusto kong kumpirmahin 'yon. Buntis ka ba Verlaine? Sabihin mo sa akin ang totoo!" sigaw nito.Ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan ay sunod sunod na pumatak sa kaniyang mga mata. Hindi niya kayang makitang nagagalit ang kasintahan dahil hindi naman siya sanay nag anito ito. Napaigtad pa si Verlaine nang marinig niyang hampasin nito ang manibela sa na nasa harapan nito saka lumabas at padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan. Verlaine never felt so alone at the moment. Nang ilan pang sandal ay naramdaman niya ang pamamasa ng kaniyang gitna kasama ng pananakit ng kaniyang tiyan dahilan upang mapasigaw siya sa sakit. Mukhang narinig naman ito ni Clayton dahil agad siyang dinaluhan nito. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari dahil agad nang inagaw ng dilim ang kaniyang ulirat. NAALIMPUNGATAN si Verlaine nang may mainit na bagay ang dumampi sa kaniyang noo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at nakita niya ang puno ng pag-aalalang mukha ni Jaxxon sa kaniyang harapan."Hon, finally you're awake!"Nagsalubong ang mga kilay ni Verlaine nang si Clayton ang kasama niya at hindi ang taong unang pumasok sa kaniyang isipan. "C-Clayton—" Bumalik sa kaniyang alaala ang nangyari bago siya mawalan ng malay tao. Namilog ang kaniyang mga mata kapagkuwan ay hinawakan ang kaniyang tiyan. "Ang anak ko, Clayton?"Nakita ni Verlaine ang kalungkutan na dumaloy sa mga mata ng kaniyang nobyo nang tapunan ulit siya nito ng tingin. "Huwag kang mag-alala dahil ayos lang siya. Sabi ng doctor stress ang cause kaya ka nagkaroon ng blood spotting. Mabuti na lang at hindi naging grabe ang cause kaya ayos lang ang bata," paliwanag ng lalaki kapagkuwan ay nilapitan siya at saka umupo sa kaniyang tabi."Clayton—" Hindi na natapos ni Verlaine ang kaniyang sasabihin nang walang salitang niyakap siya ng kasintahan saka dinampian ng halik ang kaniyang noo. Muling namuo ang mga luha sa mga mata ni Verlaine dahil sa inaakto ng lalaki. Verlaine knew it was the right time to tell everything to him."I'm very sorry, Clayton. For everything. Nagpapasalamat ako sa lahat ng pagmamahal mo sa akin at sa pag-aalaga. Hindi lang ikaw kung hindi ang pamilya mo na rin at... at dahil nga doon naisip ko na nagiging unfair ako sa inyo. Gusto ko na talagang gustong sabihin sa 'yo n-natatakot ako sa magiging reaksyon mo," nangingiming aniya.Tinapunan siya ng tingin ng lalaki. Ang galit na nakita niya sa mga mata nito ay napalitan ulit ng pagmamahal. Hindi na niya napigilan pa ang bugso ng damdamin at mas lalo siyang napahagulgol sa bisig ng kasintahan. "I... I don't deserve you hon. You're too good to be true and I... I—" hindi na magawang ituloy ni Verlaine ang sinasabi dahil puro luha na lang niya ang inilalabas. Halo-halo ang kaniyang emosyon at hindi niya alam kung ano ba ang nangingibabaw. Napakasama niyang babae at hindi niya deserve ang katulad ni Clayton."Stop it." Natigilan siya sa pag-iyak sa narinig na seryosong sinabi ng lalaki which unusual para sa kasintahan. Lalong nadagdagan ang bigat ng damdamin ni Verlaine. "I... I'm very sorry Clayton.""Stop it please, hon," masuyong ani ni Clayton. He caresses her face to wipe those tears that is strolling down from her eyes. "Don't cry, I'm hurting to see you like this at ano bang sinasabi mo na hindi kita deserve?" saad nito habang hinahaplos ang kaniyang mukha. "I love you Isla Verlaine at hindi ako makakapayag sa nasa isip mo ngayon. No hindi ka makikipahiwalay sa akin. I won't let that. I know I shouted and got mad a while ago pero hindi no'n matatalo ang pagmamahal ko sa 'yo so please stop this," anito. "Kung papaya ka. I will stand as the father of your child. I will make him as my own son. H'wag ka lang makipaghiwalay sa akin, Verlaine."

Hindi na nakapagsalita pa si Verlaine dahil pakiramdam niya ay nalulunod ang kaniyang damdamin sa mga naririnig sa kaniyang nobyo.

"Now, you should rest again para sa baby. Lalabas lang ako to check some things na kakailanganin niyong dalawa," pagpapaalam nito saka tinutulungan siyang makahiga ng ayos. Clayton even put the blanket over her making sure she is comfortable. He then gave her a kiss on the forehead. "Sleep. I'll be here when you wake up." Sinunod ng babae ang sinabi ng kaniyang nobyo at hinayaan ang sarili na makatulog.

Hindi na namalayan ni Verlaine kung ilang oras na ba siyang nakatulog nang maalimpungatan siya. Iminulat niya ang kaniyang mga mata at kapagkuwan ay napangiti. "Clayton, you're here," saad niya na may ngiti sa mga labi. Tinupad nito ang sinabi na nasa tabi niya kapag nagising na siya. She can't believe na after everything ay pinili pa rin siya nito. Akmang hahawakan na sana niya ang kasintahan nang magsalita ito.

"I'm not Clayton."

Kunot noong itinuon ni Verlaine ang atensyon sa mga mata ng lalaking nasa kaniyang harapan. Kulay abo ibig sabihin ay hindi ito si Clayton. "J-Jaxxon, anong ginagawa mo rito?"

Forbidden Fire - COMPLETED (Revised)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ