Mas mabuti na sigurong magpanggap na lamang. I just hope that he won't see my real feeling through this dumb mask.

"I haven't had a really huge crush on someone before but I'm sure that's not how it works. You should be loyal to your crush," seryoso niyang saad.

Halos kapusin ako ng hininga sa sagot niya. Natameme ako at hanggang tingin na lamang sa kanya ang kinakaya.

"And you cannot have two or more. Only one crush for you, Sharina."

I blinked multiple times. "G-Gano'n ba 'yon?"

He nodded confidently. "Yes."

"Hindi naman ata gano'n 'yon, Juancho. Nagawa ko na nga dati ang maraming crush, e. Puwede naman kasi... crush lang," hindi ko pag-sang ayon.

He frowned. Mula sa kaninang puno ng kumpiyansa at seryosong mukha ay naging simangot. Bumalik rin ang kadiliman ng itim na itim niyang mga mata, iyong tipo na nakakapanindig-balahibo.

"I just told you, you should be loyal to your crush."

Why is he pushing that? Having a crush is not the same as commitment so I think having different crushes is acceptable. Bakit gusto niyang maging loyal ako sa crush ko?

Sa crush ko na tingin ko'y alam niyang... siya?

Posible kayang...

"B-Bakit ba gusto mong maging loyal ako? Paano kung sabihin ko sa'yong crush ko si Mariano? Dapat ba, loyal ako sa kanya?"

Susubukan ko lang naman kung tama ba ang palagay ko. Ayoko ng gaya noong nakaraan ay nag-assume ako nang wala namang matibay na pruweba. Hindi nga ako sigurado kung sapat na ba ito subalit gusto ko lamang malaman ang isasagot at magiging reaksyon niya.

"You told me I'm your crush. Why is it Mariano now?" wika niya, mas lalong sumimangot.

I bit my lower lip to suppress my smile. "Sabi ko naman, naghahanap ako ng pamalit. Okay naman si Mariano."

"Higher your standards again, then."

Imbes na mainsulto sa sinabi niya, natuwa pa ako! Siguro dahil batid kong gawa-gawa ko lamang iyon.

Nagkibit-balikat ako at hindi na napigilan ang pag-ngiti. Kung kanina'y mabigat ang dibdib ko noong nakita kong kausap niya si Cristine, ngayon ay labis naman ang saya!

The duality of my heart is insane! And that's all because of this handsome but dangerous man right in front of me.

"Okay! Sa session next week, malay mo, may makita akong mas pogi!" I pushed.

Natahimik siya nang ilang sandali, tila naninimbang pa. Hindi rin ako nagsalita at hinintay siyang bumasag ng namutawing katahimikan.

"Tss... crush is even different from like. You told me you felt the latter..." he sighed with frustration. "Fine. Do what you want."

Nakangiti akong umuwi sa amin nang araw na iyon. Walang paglagyan ang kilig na nararamdaman na halos magtatalon pa ako sa aking kama. Gusto ko ngang sumigaw kung hindi lang maririnig nila Mama.

Daig ko pa ang tumama sa jueteng nito. Hindi pa rin ako makapaniwalang nag-usap kami! Ang gagong 'yon, ayaw talaga akong hayaang maka-move on!

I also enjoyed teasing him. Napatawad ko na siya pero hindi ko pa rin napigilang pikunin siya kanina. Kahit nakasimangot ito nang maghiwalay kami, okay na okay lang! Pakiramdam ko, nakalamang ako sa kanya kahit papaano! Nakabawi sa sakit na pinaramdam ng mga salita niya noong nakaraang linggo!

Ang mahalaga, alam kong magkaibigan na kami ngayon. At ako pa lang ang unang babaeng naging kaibigan niya, mula na rin mismo sa kanya.

Impit akong napatili habang nakasubsob sa unan. Kinuha ko ang aking cellphone at ibinalik ang letrato ni Juancho bilang wallpaper ko. Wala na akong pagtatampong nararamdaman kaya paalam na ulit sa default.

The Way I Loved You (TOA Series #1)Where stories live. Discover now