Diyez

8 8 0
                                    

Diyez: Reina Seloza

    
"Jealousy is. . . a tiger that tears not only its prey but also its own raging heart."

-Michael Beer

-----

   
"Earth to Queenie Reigh Hermosura! Hello from the other side!" pantawag-pansin ni Kurona sa'kin ng magawi siya dito sa Casa Narika.

  
"Ano ba yon?" tanong ko.

  
"Hayss!! Sabi ko nga di ka nakikinig, kanina mo pa tinititigan yang dalawang nunal sa leeg mo, may problema ka ba?"

  
Marahas akong umiling at ibinaba ang kamay ko sa arm rest ng upuan saka ko siya hinarap sya.

    
"Wala.." maikling sagot ko sa kanya. Wala siyang ideya sa dalawang nunal ko na ito, tanging ang mga nilalang lang sa nakaraan ang nakakaalam kung saan ko nakuha ito at dito din nagpasimula ang makabagong paaran kung paano magiging bampira ang isang tao. Pero may nilimitahn kami sa mga iyon, at tanging sila Lamia at Jilaiyah lang ang may kakayahan na gawing bampira ang isang tao at wala nang iba pang bampira kahit ako- kaya kahit makakagat ang isang bampira ng tao ay di ito magiging bampira bagkus ito ay magtatanim ng isang uri ng binhi na magsisilbing palatandaan na ang dugo at katawan mo ay nakagat na ng isang bampira at wala na iba pang maaaring makakagat sa'yo habang ikaw ay nabubuhay.

   
"Weh?"

  
Sa pagkakakunot ng noo niya palagay ko di siya naniwala sa palusot ko. Kaya tumayo na lang ako sa pagkakaupo ko mula sa harap ng salamin at nagmartsa palabas ng kwarto ko.

  
"Buwisit!" inis kong tinakpan ang marka sa aking leeg.

  
"Teka saan ka pupunta?" tanong niya.

  
"Sa baluarte ni Amy."
   

"Talaga ba?" aniya na bahagya pang pagkislap ng mata sa pupuntahan ko. "Sama ako."

  
Lihim akong nainis ngunit di ko na lang ito pinuna pa.

  
"Ikaw bahala."

  
Nagtititili naman ito sa kama ko, hay nako kahit kailan patay na patay ang mahadera kong kaibigan kay Amy. Nagsimula na akong taluntunin ang baluarte ni Amy at iniwan ko siyang naglulupasay sa aking silid. Ang baluarte ni Amy ay ang pook kung saan tinuturuan ang mga bagong bampira ng kasanayan at kung paano pakikisalamuha sa mga mortal paglabas nila dito sa Casa Narika.

  
"Teka Queennie! Bakit mo naman ako iniwan?" reklamo ni Kurona ng maabutan ako.

  
"Eh sa busy ka pang nagtititili sa kama ko eh." sagot ko.

   
"Eh sa kinikilig ako kay Amy bakit ba?"

  
"Wala para ka lang namang inasinan na bulate sa itsura mo kanina kaya naiirita ako."

  
"Di ko alam kung matutuwa ba ako sa bulate na hinalimbawa mo o maiinis kasi aasinan mo ako."
  

"Pwes... inuutusan kitang matuwa sa binigay kong halimbawa sa'yo."

  
Magrereklamo sana siya pero pagkaliko namin sa isang pasilyo ay dagling sumakit ang mata ko sa mga bampirang nakaharang sa daraanan ko.

  
"May kasintahan ka na ba Carlos?" malanding tanong ni Maddielyn Tungco.

  
Sasagot na sana siya ng sumabad na ako sa usapan nila.

  
"Anong ginagawa mo dito babae?" maratary kong tanong usisa sa kanya, " hindi ba dapat nasa baluarte ka ni Amy para magsanay? At hindi ang pag-aksaya ng oras sa walang kabuluhang bagay?"

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Mar 13, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

La Reina De Los VampirosWo Geschichten leben. Entdecke jetzt