Nueve

8 10 0
                                    

Nueve: Mil Quinteintos Veintiuno Parte Dos

    
"Truth is often a terrible weapon of aggression. It is possible to lie, and even to murder, with the truth."

    
-Alfred Adler
      

《○》

      

Pearl of the Orient Sea

     

"Anak!" sigaw ni ina. Agad siyang nagkumahong para masalo niya ako na mawalan ng malay sa gitna ng pagtitipon.

   
"Magmadali kayo at tulungan niyo si Alon." udyok ni Lamia sa nababalisang tono, nagkukumahong ang mga bampira sa pagbuhat at di na malaman pa ang kanilang gagawin kung paano pahuhupain ang kanilang mga sarili.

   
"Tulong pakiusap!" sigaw ng isang boses sa labas ng kweba, napasinghap sila ina ng makilala nila ang mga ito.

  
"Dalisay! Adonis!" Nagkukumahong na nilapitan ito nila ama at inalalayan silang mahiga sa isang papag.

  
"Anya aramiden tayo Apo?" (Anong gagawin natin Apo?) tanong ni ama kay Lilith.

  
"Mannamay, inka kitaem ken agasan suda nga agkabsat." (Sorcerer/ Shaman, tingnan mo nga at gamutin silang magkapatid.) utos ni Lilith.

  
"Wen apo." (Opo, panginoon.) Agad siyang tumalima at nilapitan muna si Adonis para suriin.

  
"Apo, haan nga maagasanen atoy maysa, nadalem atoy sugat na." (Panginoon, hindi na malulunasan itong isa, malalim ang sugat niya.) wika ng mannamay.

  
"Dyay maysa?" (Eh yong isa?)

   
"Mabiyag pay suna apo, narabaw lang ti sugat na ken nalaka nga maagasan ti bulbulong." (Mabubuhay pa siya panginoon, mababaw lang ang sugat niya at madaling malunasan ng mga dahon.)

   
"Inka ngarud agasanen isuda nga agkabsat," aniya, "dyay dadduma kenyayo umay kinyak ta mapan tayo ili, agsapul ti mabalin pay nga mabiyag kenyada." (Gamutin mo na silang magkapatid, ang iba sa inyo ay sasama sa akin at pupunta tayo sa balangay, maghahanap ng maaari pang mabuhay sa kanila.) utos ni Lilith.

  
"Wen Apo!"

   
Sa kanilang pagdating sa balanghay ni Datu Sughay ay wala na ang mga dayo bagkus ay naabutan nilang ang mga nagkalat na tao sa paligid. Naghihingalo at halos maligo na sa kanilang mga sariling dugo, naghuhumiyaw ang iba ng tulong. May ilan ding katawan ng dayo ang nagkalat sa paligid subalit nabibilang lamang ito sa daliri.

  
"Kunin niyo lahat ng katawan at dalhin sa kweba," mababang tono niyang saad. "Wala kayong ititira ni isang katawan dito."

  
----

  
Kabilugan nanaman ng buwan, at kakatapos lang ni Lilith bigkasin ang orasyon sa mga bangkay. At kasama doon ang bangkay ni Adonis. Di ko mapaniwalaan na wala na ang makakaisang-dibdib ko. Agad akong nagtungo sa kweba ng malaman ko na pinakuha ni Lilith lahat ng katawan sa balanghay ni Datu Sughay.

  
"Aldo partakam ta panagnam." (Aldo, bilisan mo ang iyong paglalakad.)

  
"Nang!" sigaw ni Aldo at ng lingunin ko siya ay natalisod siya sa isang payabong na ugat ng puno. Wala akong pagpipilian kundi ang balikan siya.

  
"Aldo!" nagkukumahong akong lapitan siya at itayo, anim na taon pa lamang siya sa edad ng mga bampira ngunit kung susumahin sa edad ng tao ay limang siglo na siyang nabubuhay bilang bata sa mundong ibabaw.

La Reina De Los Vampirosजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें