We, girls, are wearing all-black outfit, a halter tops, leather jackets, knee boots, black tight jeans with right and left leg holster with guns, black caps, and masks to hide our faces. Kakaiba nga lang ang suot kong mask. Ito ang ipinasuot sa akin ni Deth. While boys wears black jeans, leather jackets, masks, and shoes.

Naghiwa-hiwalay lang kami. Sina Zai, Rance, Luci, at Storm ang bahala sa possible snipers around the parameter and they will help us too here on the ground.

Leo, Steven, Sander, at Stella ang group one na nasa entrance.

Sina Denver, Wolf, Gavin, at Eunice naman ang group two. Sa likod sila ng mansiyon.

Kami nina Deth, Knoxx, Xenor, Vincent, at Gab ang last group. Kami ang nakakalat dito sa garden.

Each group has their leader at sila itong mga nakasuot ng earpiece for communication. Hindi kami nagdidikit-dikit dahil ayaw naming makakuha ng atensyon lalo na't kapansin-pansin ang height namin. Hindi rin kami nagpapakita sa mga bisita. Nakatago lang kami. Ang mga nagpapakita lang ay ang mga bodyguards ng mga David.

Sina River, Warren, at Chaos naman ay nasa loob ng van at sila ang bahala mag monitor sa ganap sa loob at labas ng mansyon. Sila rin ang magkokonekta sa mga snipers at sa mga leaders bawat grupo.

Kakasimula pa lang ng kainan pero bawal kaming kumain. Nakakalungkot man pero trabaho muna raw. Pasalamat si panot at may pera akong makukuha rito kung hindi, dadampot talaga ako d'yan. Walang hiya-hiya.

Si Deth ang pinakamalapit sa akin habang ang iba ay malayo na. Kanina pa siya nasa tabi ko. Paminsan-minsan din ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin.

"May problema ka ba, Deth?" I asked. I frowned when he held my hand and gently caressed my head. "Don't leave when I said not to."

I just winced and then patted his hand on my head causing him to remove it from my head. "Hindi naman talaga ako aalis. As if iiwan ko kayo? Bukod sa mapapahamak si Ced, hindi naman ako traydor para talikuran kayo kaya rest assured, I'll stay."

"Good."

Ano kaya ang nasa isip nito ni Kamatayan na naisipang aalis ako?

Unti-unting umawang ang labi ko nang mabasa ang gusto niyang iparating. Tangina. Ginawa na naman akong aso?!

"Ginagawa mo na naman akong aso." Puna ko.

He licked his lips then bit his lower lip. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko habang nakataas ang isang kilay.

Hinawakan niya ang balikat ko bago kumawala ang tawa niyang pinipigilan. "I didn't think of that when I asked you not to leave without my order, but thanks for making me remember, my cutest dog."

Kinurot niya ang mga pisngi ko, pinanggigilan. Hindi pa nakuntento at binanat pa ito, lalong pinanggigilan.

"M-masakit na, D-Deth!" Daing ko sa sakit habang pinaghahampas-hampas ang mga braso niya.

Dahan-dahan niyang binitawan ang pisngi ko. I was about to hit his chest, when I suddenly felt the back of his fingers gently caressing my cheeks he stretched. Nanghina ang mga kamay ko. Dahan-daha itong bumagsak pero nasalo ng isa niyang kamay ang isa kong kamay habang nananatili ang isa niyang kamay sa paghaplos ng kanan kong pisngi.

"Thank you for not leaving when you had a lot of reasons to do it at alam kong kasama ako sa mga dahilan na 'yon."

Napakurap-kurap ako. "Huh?"

"Noon..." He said quietly na tila ba nahihiya siya sa sinabi niya.

Bahagyang umawang ang labi ko nang maalala ko ang tinutukoy niya. "Ah, no'ng ayaw mo ako sa section niyo?"

DARK SECTIONDonde viven las historias. Descúbrelo ahora