“Bakit ayan lang kakainin mo?” tanong nya ng kumuha ako ng dalawang isaw at isang hotdog para ibigay kay ale at iluto.

“I'm fine with that” ngiti ko.

“Susubukan nga natin lahat yan, eh”

Nagulat ako doon kaya napalingon sa kanya. “No way, I'm not interested. And ahhmmm”

“ahm?”

Nag iisip ako na pwedeng idugtong para lang maiwasan ang pang aaya nya kainin namin iyon lahat, hindi naman sa lahat iyong tinda nya, Ibig nitong sabihin kukuha kami ng tag iisa sa bawat tusok doon.

“I-i want to eat rice, Yeah.. I want rice”

“tsk, sige na nga” bumaling sya kay ate na nakanguso “ate, ganon na nga lang din yung akin kung ano yung sa kasama ko, kakain daw kami ng kanin eh”

Ulit nya sa sinabi ko, at dinamay pa'ko.

Wait, ibig sabihin ibabalik nya yung mga kinuha nya? Ang dami non? Nakakahiya!!!

“Ibabalik yung iba, pogi?” tanong ng ale.

“Opo, babalik nalang ako mamaya, ganda” uto nya pa at ngumiti.

Kinurot ko sya sa bewang at nilakihan ng mata nang tumingin sya sakin. “Aray, ano? Ang sakit ah” tugon nya pa habang iniinda ang sakit.

“Bakit mo binalik nakakahiya” giit ko.

“tsk, pwede yon basta hindi pa naluluto”

Hindi pa naisasalang ang iba nyang order dahil sa sobrang dami ring bumibili, at nauna sila saamin.

“Kahit na”

“Mamaya bibili ulit ako, wag ka nang mainis”

First time kong gumawala na kasama ang lalaki maliban kay kuya, kung hindi si kuya ay si zairah ang kasama ko pero limitado lang ang oras dahil kinakailangan namin umiwi agad, hindi kami pinapayagan na gabihin dahil bata palang kami noon at pareho kaming may curfew sa bahay.

Mga ilang minuto din ay natapos yung order namin kaya kumain kami doon din sa tapat. Una kong kinain ang isaw habang ang isa naman ay nasa kabilang kamay ko.

Isinawsaw ko iyon sa suka kung saan isa-saw saw ng makalahati ko iyong kainin ay isinawsaw ko ulit.

Pero ganon nalang ang gulat ko ng kinausap ako ng ale “Ay, ganda isang beses lang pag saw saw, bawal paulit ulit”

Napalaki ang mata ko ng dahil don at tumingin kay Nath para humingi ng tulong pero sya ay  para bang pigil na pigil ang pag tawa.

Nahiya ako, hindi ko alam na ganon pala. Akala ko ay pwede kang sumaw saw ng paulit ulit. Nag tago ako sa likod nya at idiniinn ang ulo sa likod nya at doon ko na rinig ang halakhak nya na parang bukas.

“Pasenyashan nyo nalang sya ate ganda, first time eh” rinig kong boses nya.

Sana harangan ako ng mga tao hanggang sa hindi makita ulit yung ale, nakakahiya!!!

Hindi parin tumitigil sa pagtawa si Nathan, gusto kong mainis dahil pinagtatawanan nya ang kahihiyan ko, gusto ko syang kurutin hanggang sa masatisfy ako, gusto ko syang palo-paluin hanggang sa tumitil sya.

Nakakahiya...

Humarap ito sa akin at inilagay ang ulunan ko sa tyan nya banda para itago, pero hindi parin sya tumitigil at naiinis nako.

Nang idiin ko ang ulo sa tyan ay unti unti na syang tumigil at niyakap ako pabalik kahit may hawak itong isaw at ganon din ako.

“Ayos lang yan, ganyan talaga kapag hindi kumain ng street food” rinig ko pa nyang sabi, halata parin don ang pag pigil nya kaya ibinuka ko yung labi ko para asaring kakagatin.

UNTIL TOMORROW (SEASON 1) (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon