Chapter 6

500 11 0
                                    

Nakapangalumbaba si Akira habang nakatitig sa monitor ng Laptop Computer niya. Blangko pa din ang MS Word niya. Ilang balat na ng chichirya ang aubos niya pero wala pa din siyang mailagay dito. Gusto niyang magsulat dahil wala na siyang allowance. May utang pa siya kay Razel. Natuturete na ang utak niya sa kakaremind nito na magbayad siya ng utang.

"Akira, pinapatawag ka ni Ms. Princess" tawag pansin sa kanya ni Mae.

"Bakit daw?" tinatamad na tanong niya.

Nagkibit-balikat lang ito.

"Hindi ko alam eh. Basta tawag ka lang. Pero mukhang mainit ang ulo niya eh. Nakasimangot kasi eh"

"Hala! May topak yata si Boss" kinakabahang sabi niya at nagmamadaling tinungo ang opisina ng isa sa mga editors nila.

Marahang kumatok muna siya bago pinihit ang pinto ng opisina nito.

"Ma'am" tawag niya.

"Pasok"

Pagpasok niya sa opisina nito ay naabutan niyang naroon din ang dalawa pa nilang editor na sina Queen at Empress. Naalala niya tuloy nung matanggap siya dito. Naroon din ang dalawa. Pakiramdam tuloy niya ay magigisa siya ng wala sa oras.

"Pinapatawag niyo daw po ako?" animo maamong tupa na sabi niya.

Ibinaba ni Ms. Princess ang tingin sa binabasa bago siya binalingan.

"This is crap Akira! Anong klaseng kwento ba ito?" galit na sabi nito at ibinagsak nito sa ibabaw ng mesa ang binabasa.

Nasundan niya ng tingin ang ginawa nito at kitang-kita niya na manuscript niya iyon.

"Love Story po" sagot niya.

"Love Story na hindi happy ending? Love story na punong puno ng drama?"

"Hindi naman po lahat ng Love Story happy ending eh" katwiran niya.

"Alam ko! Pero ang Love story ay dapat nakakakilig. Itong kwento mo walang kabuhay buhay. Parang patay. Wala man lang Romance" mukhang lalong nag-init ang ulo nito sa sinagot niya.

"Hey Princess, give Akira a break" awat dito ni Ms. Empress.

"Oo nga naman. Masyado mong tineterorized ang writers mo eh" segunda naman ni Ms. Queen.

Kumalma naman si Ms. Princess bago siya binalingan.

"I want you to revise this story Akira. Okay ang plot. Okay ang story. Kaya lang walang buhay. Lagyan mo ng kilig. Lagyan mo ng spice. I want a happy ending story. Yun lang. You can go now" pagtatapos nito.

Nagpasalamat muna siya bago siya tuluyang umalis bitbit ang manuscript niya. Pero bago tuluyang maisara ang pinto ng opisina ay narinig pa niyang nagsalita si Ms. Queen.

"Baka naman broken hearted si Akira kaya ganun kalungkot ang kwento niya."

"Wala akong pakialam. Ayusin niya ang trabaho niya."

Napabuntong hininga si Akira nang bumalik sa table niya. Pakiramdam niya ay sumakit ang ulo niya sa sermon ni Ms. Princess. Napatingin siya sa hawak na manuscript. Isang malaking REVISE ang nakasulat doon. Mabuti nga at revise lang ang naging hatol ni Ms. Princess dito at hindi Reject. Hay! Ano ba kasing nangyayare sa kanya at pati trabaho niya ay naaapektuhan na.

"Hoy! Ano nangyare sayo? Bakit ka pinatawag ni Ms. Princess?" tanong ni Allison at nilapitan siya.

"Ayun may pinaparevise sakin" malungkot na sabi niya.

"Ngayon ka lang yata nagkaroon ng kwento na for revision ah. Dati rati laging approved ang kwento mo. Anong nangyare?" gulat na tanong pa nito.

Kung sabagay, mula nga naman nang magsimula siyang maging writer ay ngayon lang siya nakatanggap ng sermon mula sa editor niya.

Ikinuwento niya kay Allison ang nangyare pati na din ang isinulat niya.

"Totoo naman eh. Hindi lahat ng kwento may happy ending. Ang magkaibigan pwedeng magkai-bigan pero ang dating nagkai-bigan ay hindi na nananatiling magkaibigan. That's life" kwento niya.

"Hindi naman lahat eh ganun. Meron namang nagiging magkaibigan pa rin."

"Pero mas lamang ang hindi"

"Hay naku Aki. Based on experience ba yan?"

"Experienced? Hindi ah!" tanggi niya.

Naupo ito sa tapat niya at tinitigan siya.

"Pwede mong lokohin si Ms. Princess o ang ibang tao pero hindi kaming mga kaibigan mo. Alam namin na may pinagdadaanan ka ngayon. At ang tawag diyan sa ginagawa mo eh bitterness"

"Bitter agad? Hindi ba pwedeng ayoko lang?" depensa niya.

"Eh bakit ayaw mo?"

"Wala lang. Ayoko lang talaga. Hindi kasi ako naniniwala eh"

"Aysus! Ayaw mo dahil hindi ka naniniwala o ayaw mo dahil may ayaw kang maalala at nakakarelate ka?" nang-aasar na sabi pa nito.

Binato niya ng nilamukos na papel ang kaibigan.

"Umalis ka na nga. Pang-gulo ka lang eh. Mag-iisip pa ako ng kwento" pagtataboy niya rito.

Pero ni hindi ito tuminag sa pagkakaupo. Nakapangalumbaba pa ito sa mesa habang nakatingin sa kanya.

"Anong pinainom sayo ng Mommy mo nung Baby ka pa? Kape?? Anong cereals mo? Coffeebean??? Ako lang ang adik sa kape dito noh!"

"Tse! Lumayas ka na. Hindi ko kailangan ang sermon mo."

Bago siya tuluyang iniwan ng kaibigan ay sumenyas pa ito ng korteng "L" sa kamay nito at itinapat sa noo.

Naiinis na sinabunutan naman niya ang sarili na agad din naman niyang inaayos nang mapadaan ang kasamahan niya. Mamaya isipin pa nun na nababaliw na siya.

"Paksyet! Walang forever!"

***

Daydreamers Series: Can I Still Call You Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon