forty

128 11 3
                                    


"Riki !" Sigaw ni Luna sa kabilang kalye . She's waving her hands cheerfully as if she's a pre-schooler who just saw her best friend .

Ngumiti naman si Riki dahil dun .

" Ang cute talaga .. " bulong lang ni Riki pero narinig yon ni Kian na nasa tabi niya at nilalantakan ang kakabiling corn dog .

" Esshhh .. naulol malala " sabi nito matapos tingnan ang tinititigan ni Riki at nandidiring tiningnan din si Riki .

" Sabihin mo , wala kalang lovelife "

" Ay , bakit ikaw meron ? Di mo naman jowa si Luna ah " sagot lang ni Kian sa kanya

" Papunta na rin kami dun .. maghintay ka lang " tiningnan lang sya ni Kian na para bang hindi kumbinsido sa mga pinagsasabi niya .

Bigla namang may humampas sa balikat ni Riki . Hindi niya namalayan na nandito na pala di Luna .

" Anong pinag uusapan niyong dalawa ?"

" Ah , wala " sagot ni Riki sa kanya pero biglang sumabat si Kian " sabi kasi niya , papunta na daw kayo sa magjowa stage .. " pagkarinig ni Riki nun ay tinakpan niya ang bunganga ni Kian na akmang kakagat pa sana sa corn dog niya . Pinandilatan naman siya ni Kian kaya natawa lang si Luna .

" Eh ? Pano yan , ayan na yung jowa oh " sabi lang ni Luna nang makitang paparating din si Ara .

Na extend ang bakasyon nito ng one week kasi nagka-flu outbreak sa lugar nila kaya ayaw pa syang puwiin ng papa niya . Wala parin namang pasok .

Hindi din naman gaanong sumasama si Ara kay Riki kasi lagi silang magkasama ni Jake .

" Jowa ? Eh kapatid ko lang yan " sagot ni Riki habang nakatingin kay Ara at Jake na nakabuntot sa kanya lagi .

" Kuya ! " Bati ni Riki kay Jake bago mag fist bump .

" Hatid ko lang si Ara dito . May lakad kmi no Ethan eh ." Sabi nito bago guluhin ang buhok ni Ara na halatang gustong gusto naman ng dalaga .

" Okay kuya , safe ang girlfriend mo dito . Wag kang mag alala " Riki reassured .. kaya napangiti si Jake .

" Hoy ano ba Riki . Di naman kami magjowa " pagdedeny ni Ara pero halatang merong namamagitan sa kanilang dalawa .. ayaw lang aminin

Ngumisi lang si Jake bago nagsabing ," I'll go now babe .. see you later " at hinalikan ang noo ni Ara .

Natahimik lang ang tatlo pati na din si Ara na tulala lang dahil sa nangyari . Jake even pinched her cheeks bago ito umalis kasi walang kumikibo sa kanilang apat .

" Anong nangyari ?" Tanong lang ni Kian na hindi na pinapansin ang corn dog niya .

" Sinagot na yata ni kuya Jake si Ara " sabi naman ni Riki

" Wait , si Ara ang nanligaw ?" Tanong naman ni Luna kaya napatingin si Kian at Riki sa kanya habang si Ara naman ay parang nahihiyang pinagmamasdan parin si Jake mula sa malayo .

Tumango naman si Riki bilang sagot kasi ang alam niya ay gusto ni Ara si Jake at may balak itong mag confess sa kanya . Nang makita naman ni Ara na tumango si Riki , bigla nalang niya itong binatukan .

" Hoy hindi ko siya niligawan no . Siya kaya nanliligaw sakin ngayon " pagmamalaki ni Ara na para bang gandang ganda lang siya sa sarili niya .

" Ay put* , naapakan niyo buhok ni Ara " biglang sambit ni Kian at umaatras para mag give way sa imaginary long hair ni Ara .

" Sanaol .. " wala sa sariling sabi ni Luna

" Sanaol daw Riki . Ligawan mo na " pang uudyok naman ni Kian sa kanya . At ito namang si Riki at ngumingisi na parang ewan .

Luna blushed , imagining Riki is courting her .. she just wish it would really happen .

Tinutulak tulak pa ni Kian si Riki kay Luna at nandidiring tinititingnan sila ni Ara ngayon .

" Pwede ba kitang ligawan ?" Seryosong tanong ni Riki kay Luna and the way he said those with his deep voice send chills to her spine .

Sa sobrang lapit ni Riki sa kanya , ay hindi na ito matingnan nang diretso ni Luna . Parang nahihiya siya na kinakabahan kaya tumango nalang siya not minding that she's betrothed to Riki's brother .

Hindi naman maipaliwanag ni Riki ang nararamdaman sa ngayon kasi hindi naman niya naisip na hahantong din pala sila sa ganito .. na may chance din pala siya kay Luna .

Hinawakan lang ni Riki ang mga kamay ni Luna at paulit ulit na nag thank you sa kanya . Para siyang poon na hina-halik halikan ni Riki sa kamay .

" Eh ? Ang oa naman ni Riki " Ara said disgusted at what she just saw while Kian was fake puking at the side , also clearly disgusted .

Hindi nalang pinansin nina Riki at Luna ang dalawa at patuloy lang na nag ngingitian .

" Time na siguro para umalis tayo Kian " sabi lang ni Ara at tinahak ang direksyon pauwi . Hindi na niya hinintay pang makasagot si Kian na sumunod din naman sa kanya agad .

Naiwan nalang ang dalawa na ngayon ay nagkakahiyaan na naman .

" So .. " sambit lang ni Riki

" Anong so ? Ligawan mo ko dun sa bahay " biglang pag iba ng mood ni Luna , naging mataray siya bigla . Napakamot lang ng ulo si Riki.

" Okay , if that's what you want . Pero paano ang parents mo ?"

" Hayaan mo sila . Sila nalang magpakasal kay Ethan kung gusto nila basta ako , dito lang ako sa taong gusto kong makasama habangbuhay " she unconsciously said .. na realize din naman niya agad ang sinabi at sinisisi ngayon ang sarili niya kung bakit lumabas yon sa bibig niya.

" Anong sabi mo? So ako yung gusto mong makasama habangbuhay ?" Hindi makapaniwalang tanong ni Riki kasi it just felt so unreal .

" Wala naman akong sinabing ganon ah .. naghahalucinate kana yata Riki . Uwi nalang tayo " pagmaang maangan pa niya kahit narinig naman yon lahat ni Riki , loud and clear . Pero hinayaan nalang niya ito kasi alam niyang baka nabigla lang ang dalaga o di kaya ay nahihiya ito .

" Okay " sabi lang ni Riki bago hawakan ang kamay ni Luna na para bang sanay na itong laging hawak . Na nangyari na din naman ilang beses na .

Natigilan naman si Luna dahil don at timingnan ang mga kamay nilang magkahawak . Oo , kinikilig ngayon si Luna .

" Hoy , bakit mo hawak yan . Hindi pa naman kita sinasagot ah " medyo pabebeng sambit ni Luna kaya ngumisi si Riki .

" Papunta din naman tayo dun , diba ? And besides , alam kong gusto mo din namang hawak kita " sagot lang ni Riki at parang lumulundag yung puso ni Luna

Namumula nalang siya ngayon at hindi na nakaimik kaya ngumiti nalang si Riki bago mag umpisang maglakad pauwi .

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon