sixteen

119 16 5
                                    

Riki.

next week ay debut na ni luna .. excited ako kasi makakasayaw ko siya . nakita ko yung pangalan ko sa 18 roses eh haha . ako yung second to the last na isasayaw niya kasi si kuya ethan yung last dance . sanaol diba ?

halata namang excited na din si luna . si kuya nga magiging escort niya sa buong gabi . sana all nalang talaga ang masasabi ko .

kahit nga mga kaklase namin ay excited na rin kasi invited silang lahat and yung iba , may roles din sa party . mas mabuti ngang nandun din sila atleast malilibang ko yung sarili ko habang naiinggit kay kuya haha .

" riki , may susuotin kana ba para next week ? " tanong ni kian . siya na siguro ang matuturing kong bestfriend ko sa school nato .. masayahin siyang bata at ako naman prankster . nag click talaga kami kahit minsan nagbabangayan din . ganiyan naman talaga ang buhay , dapat lagyan mo ng magic sarap kapag minsan hindi mo makuha yung tamang timpla . walang connect yon , oo alam ko .

" wala pa eh , hindi na kasya yung mga suits ko sakin .. lumaki kasi ako " sabi ko naman sa kaniya at tiningnan niya naman ako na para bang kinikilatis niya .

" oo nga , nahalata ko rin yon .. noong unang pagpasok mo dito , matangkad ka naman pero parang mas tumangkad kapa ngayon . vitamins reveal naman diyan "

" ang sabihin mo , pandak ka lang talaga kian . tenten lang naman iniinom ko para tumangkad " sabi ko naman kahit na yung totoo ay sumakit tyan ko dahil dun .

" pero joke lang , di talaga yun nakatulong sa pagtangkad ko " dagdag ko pa

" ay ganun ba ? baka sa lahi nyo talaga yan . nakita ko minsan yung kuya mo , matangkad din "

" ahh siguro .. matangkad naman talaga si kuya .  minsan nga nasakit pa yung tuhod ko .. mukhang inuunat pa lalo yung binti ko . tatangkad pa siguro ako nito . mamaya mauuntog na ako sa pinto " pagbibida ko naman sa kaniya .. alam kong hindi siya maka relate , kawawa naman siya .

bigla namang may sumingit sa usapan namin .. kaklase din namin .

" sama ako sa inyo kapag bibili na kayo ah ?" sabi naman niya . luh , feeling close to .

" ay wag kana kelly , baka idamay mo pa kami sa pagbitbit ng pinamili mo . atsaka sa mga panlalaki kami bibili . alangan namang susunod pa kami sayo kapag maghanap ka ng sayo " binara agad siya ni kian . kahit kelan talaga may pagka attitude din tong si kian ..

" sige na , sabay lang tayong pupunta sa mall at sabay din pauwi . " pagpupumilit niya pa

" bakit , hindi kaba marunong pumunta dun at kailangan mo pa ng kasama ? malaki kana , kaya mo na yan " sagot ulit ni kian . halatang ayaw niyang kasama si kelly .. pagtripan ko kaya .

" hayaan mo na kian , sige kelly .. sama kana samin sa linggo . may gagawin pa kasi ako sa sabado kaya di ako makakagala " sabi ko naman kaya napangiti nalang si kelly at binelatan lang si kian ..

bumalik naman si kelly sa upuan niya pero narinig ko namang bumubulong-bulong si luna sa sarili niya . nag oorasyon yata .. baka suma-sideline tong albularyo .

nilingon ko siya at saktong nagtama ang paningin namin .

" tinitingin tingin mo diyan ?" sabi niya .. sinusumpong na naman yata to .. lagi nalang galit .

" damot mo naman .. bawal bang tingnan yung mga magagandang tanawin ? " biglang tanong ko sa kaniya .. hindi ko naman inaasahan na ganun ang masabi ko . ang bilis talaga mag isip ng utak ko pagdating sa mga ganitong bagay .

ngingiti sana siya pero pinigilan niya .. alam ko namang kinilig siya dahil dun . hayyss marami talagang kinikilig sakin these days . ang gwapo ko talaga .

" ewan ko sayo riki .. ang aga aga naninira ka ng araw "

" ikaw naman ang bumuo ng araw ko  .. yiiee , kiligin ka please " banat ko ulit .. proud talaga ako sa sarili kong utak . ang bilis makaisip ng banat eh .

hinampas naman niya ako ng libro niya . medyo masakit , ramdam ko yung kilig niya .

kukulitin ko pa sana siya pero hindi ko nalang tinuloy . baka kasi magalit na siya sakin kaya tumalikod nalang ulit ako at tumawa .



-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon