twenty three

113 11 0
                                    

Riki.

halos araw araw nalang nandito si luna sa bahay namin .. siya pa nga taga sundo ko , o diba , lalaki na ngayon sinusundo pero charot , alam ko namang maaga pa siya dito para makita si kuya tas sabay na rin sa paghatid sakin sa school . si kuya din naman kasi tagahatid ko kahit malayo pa school niya sakin . inaagahan nalang namin pag alis para di siya ma late .

kahit sa school eh todo dikit na rin minsan si luna sakin .. bff yarn??

" riki , ano gusto mo for lunch ? " tanong niya habang inaayos yung books niya .. malapit na matapos yung klase namin .

napatingin naman ako sa kanya .. kahapon nilibre niya din ako .. tas ngayon mukhang makakalibre na naman ako .

" libre ba yan ? " tanong ko sa kanya .. aba dapat sure tayo , mahirap umasa tas pagdating dun , kkb pala .

" oo naman , ikaw paba " sagot niya kaya napangisi ako at kinalabit si kian na busy sa phone niya .

" kian , manlilibre daw si luna " pabulong na sabi ko pero narinig iyon ni luna

" hoy ! ikaw lang ililibre ko noh "

nakita ko naman na nag pout si kian .. umasa din siya eh .. kung ako yun , magdaramdam din ako .sayang yung libre eh .

" ah ganon ba ? sige mag isa ka don kumain .. di na kami sasabay sayo . kaya mo naman na siguro . masaya naman siguro kumain mag isa dun sa cafeteria .. sa labas nalang kami ni kian kakain . ako nalang manlilibre sa kanya total madamot ka naman . parang isang libre lang eh " pangongonsensya ko sa kanya .. sa totoo lang may pera naman kami , pero mas maganda if libre .

napaisip naman siya sa sinabi ko .. baka nakonsensya nga .

" oo na , libre ko na kayong dalawa .. pakonsensya kapa tara na !" sabi niya nang marinig na namin yung bell para sa dismissal .

pumalakpak naman si kian dahil sa narinig .. safe yung pambili niya ng lunch ngayon .. libre is waving .

sa labas ng school nalang kami kumain , may mga fastfood naman kasi malapit sa school at isa pa , paulit ulit nalang yung food sa cafeteria .. nakakaumay din .

" ang close niyo naman masyado na dalawa . may nangyari ba nung debut ni luna na di ko alam ?" pagbasag ni kian sa katahimikan habang kumakain kami .

nagkatinginan lang kaming dalawa ni luna .. tumango naman siya , sign na ako nalang magsabi . na briefing naman na ako nung nakaraan na kaming dalawa lang dapat makaalam and if may magtanong , syempre iisip nalang ng palusot .

" yun kasing birthday gift ko sa kanya eh friendship tsaka loyalty kaya ayun tinanggap naman niya . kaya bff na kami " ang lame naman nung naisip kong sagot .

" so ano pala ako sa buhay mo ? akala ko ako lang ?" pag da-drama ni kian kaya natawa kami ni luna 

" ikaw lang naman talaga tol " sagot ko sa kanya kaya napatitig siya sakin

" tol .. "

" tol.. " pagsakay ko naman sa trip niya .. sabi sa inyo eh , may crush si kian sakin . ang gwapo ko talaga .

" buset kayo .. kumain na nga lang kayo " pagsingit ni luna . selos lang siya ihh .

" eyy , selos ka lang eh . aminin mo na , ang gwapo ko talaga "

" kilabutan ka nga sa pinagsasabi mo riki .. mamaya pasukin ng hangin yang ulo mo "

tumawa naman si kian , ako talaga happy pill nito pero sorry nalang siya , loyal ako kay luna kaya walang chance yung bromance namin .

" punta ako sa inyo ulit mamaya riki ah ?" sabi ni luna , kahit di na siya magpaalam eh nandun din naman siya araw araw kaya useless din pagpapaalam niya .

" magdala kana kaya ng damit mo , sa bahay kana tumira . total nandun ka naman araw araw . nahiya kapa " hinampas naman niya ako  .. arte pa siya , gusto naman niya na dun lagi sa bahay .

" pwede ba ?" walang hiya niyang tanong ..

" sige , sabihin mo na din kina tita na papaampon kana kay mama .. para maging magkapatid na tayong tatlo ni kuya " natigilan naman siya sa sinabi ko ..

" ayoko nga "

" choosy kapa , alam ko naman na ayaw mo kong maging kapatid kasi jojowain mo ako " I heard kian snorted sa gilid ko ..

" maaga pa riki para managinip . " sabi lang ni luna bago ako irapan . natawa nalang ako at nagpatuloy sa pagkain  ..






-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Where stories live. Discover now