Start

1.5K 27 15
                                    

Start

All the times I have said that the ranch is my life, I have only meant it figuratively. But seeing how the ranch that used to be full of spirit withered right before my eyes, and how my life has turned its discourse to the lowest point I could have ever imagined, I could now say that the ranch is my life... in a literal way.

Naglakbay ang aking paningin sa malawak na rancho. Hindi ko maiwasang magtagal ang tingin doon at lumipad ang isip sa tuwing nakikita ang walang buhay nitong lupain.

Halos makita ko ang sarili ko noon na nangangabayo sa gitna ng masaganang pananim. Halos marinig ko ang mga huni ng ibon at ingay ng mga hayop mula sa malayo. Halos marinig ko ang tawanan ng mga trabahante sa tuwing may pagtitipon. Halos mahawakan ko ang pangungulila sa lahat ng iyon.

"Magandang umaga, Senyorita Deilla!" bati sa akin ng isang trabahante.

Napahinga ako ng malalim nang natauhan. Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal nakatitig doon. Nginitian ko siya pabalik.

"Magandang umaga rin, po..."

"Ako na ho ang magpapasok kay Bella para makapagpahinga kayo!"

Umambang lalapit ang binatilyo pero agad akong umiling.

"Hindi na! Kaya ko na 'to!"

"Magpapakain din naman po ako ng mga kabayo, Senyorita. Ako na po!"

I smiled reassuringly. "Ako na ang bahala rito. Ako na rin ang magpapakain sa mga kabayo..."

"Sigurado po kayo, Senyorita?"

I just smiled and nodded. Hinawakan ko na ang tali ni Bella at iginiya ang kabayo papasok sa loob ng kabalyerisa, medyo nahiya na naabutan niya akong nakatulala roon.

Katatapos ko pa lamang mangabayo para sa umagang ito kaya medyo pawisan pa habang ipinapasok ko si Bella sa loob ng kanyang kwadra. Dati ay puno ng ingay ng mga kabayo ang kabalyerisang ito pero dahil iilan na lang na kabayo ang natira at hindi pa naibebenta, halos marinig ko na ang huni ng mga ibon mula sa malayo dahil sa katahimikan.

"Kain na, Bella..." sabay abot ko ng dayami sa kabayo ko.

Marahan niyang kinain ang mga dayami sa aking kamay. Napangiti ako. Ilang beses ko nang narinig mula sa mga tauhan na sing pino ko raw kumilos si Bella. She's a white, tall, and glorious horse of mine that my father gave me when I moved back here from abroad. Mas naging pino ang mga kilos niya ngayong tumanda na.

Pagkatapos kay Bella ay kinarga ko ang mabigat na bin para sa susunod na mga kabayo. Bilang na lang sa daliri ang mga kabayong natira kaya hindi naman gaanong mapagod. Nilalagyan ko ng dayami ang kanilang bin nang may narinig akong mga yapak sa tuyong mga damo – tunog nagmamadali.

"Senyorita Deilla?"

Kung sa ibang araw, hindi ko na kailangang sumagot. The workers already know by heart that they can always find me in the stable every morning, especially at this hour when I usually finish my morning ride. Pero dahil may taranta sa boses ni Manong Sergio, nilingon ko ang pinanggalingan niya.

"Senyorita, buti na lang naabutan pa kita rito!" hinihingal niyang sinabi, mukhang tumakbo papunta rito.

"May problema po ba, Manong?" I asked as I put more hay for the other horses.

"Senyorita, kailangan niyo pong makita itong sulat..."

My eyes averted to the papers he was holding. Pinunasan ko ang aking kamay bago naglahad ng kamay sa kanya. Sinulyapan niya ako, halatang kabado sa magiging reaksyon ko. He hesitantly put the papers on my hand and bowed a bit.

Till Dusk Kisses Dawn (Rancho dela Roca Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon