"Masungit 'yon, sobra. Good luck na lang sa'yo," sagot ni Pamela.

"Mukha namang masungit siya e. Kahit sa malayo, laging seryoso ang mukha. Hindi bale, ako ang magpapabago sa kanya!"

Hindi ko alam subalit sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng iritasyon sa kaklase at kaibigan. Alam ko namang wala siyang kasalanan dahil hindi naman niya batid na may gusto rin ako sa lalaking tinutukoy niya subalit hindi ko lang talaga mapigilan.

"Paano mo naman gagawin 'yon?" si Pam, medyo angat na ang kilay.

Cristine shrugged. "I don't know. Pero susubukan ko siyang kausapin mamaya."

I stared at Cristine. She has long, straight, and shiny hair that flows perfectly on her slender waist. Mas maputi siya sa akin at mas matangkad. Maamo rin ang kanyang mukha, iyong tipo na hindi makabasag-pinggan.

Hindi mo nga aakalain na kaya niyang mag-first move, e. Ang hinhin kasi tignan.

Indeed, you cannot judge a book by its cover.

I forced myself to stop staring at her. Mas lalo lang akong mai-insecure kung ipagpapatuloy ko ang pag-iisip ng mga ganitong bagay.

Nagkaroon ng ilang bulong-bulungan. Marami sa mga miyembro ang napatingin sa may entrance ng court kung saan pumasok si Juancho. Nakasuot ito ng simpleng black sweat pants, gray shirt, at adidas na sliders.

"Ayan na ang main event," ani Cristine at humagikgik sa aking gilid.

Diretso lamang ang tingin ni Juancho hanggang sa makarating sa banda ng mga KBS. Binati siya ng mga ito na simple niyang sinagot ng ilang tango.

Bumuntonghininga ako at inalis ang tingin sa kanya at nilipat kay Pam. Nakasimangot ito habang bahagyang inginu-nguso ang isa pang katabi ko.

I stared at her apologetically. Kahit naman nakakainis si Cristine, kaibigan ko pa rin siya. Pipilitin ko na lamang huwag masagad kung sakali mang ipagpapatuloy ang ginagawa.

Tutal ay naisip ko, ayaw rin ni Juancho sa mga kagaya kong sumali rito dahil sa kanya. Kung mag-fi-first move si Cristine, mahahalata niya naman siguro. Hindi ko rin naman siya puwedeng balaan. Siguradong uusisain niya kung paano ko nalaman.

Kaya hahayaan ko na lang siguro. And who knows? Sa ganda at talino ni Cristine, may chance na mapansin siya.

Iniisip ko pa lang, tila humahapdi na ang puso ko.

Sabi nang huwag mag-isip ng kung ano-ano e! Hindi ka talaga natututo.

"Start na tayo, guys!" si Ate Weng at nagsimulang tipunin kami sa gitna ng covered court. Mayroong mga upuan doon na hiniram daw nila sa barangay hall na katabi lang mismo rin ng court.

Habang nagtutungo sa mga upuan ay hindi sinasadyang nakasalubong ko si Juancho. Nasa akin ang mga mata niya na walang bahid ng ekspresyon.

Mabilis lamang iyon dahil kaagad kong pinutol. Dumiretso ako sa upuang nakalaan para sa amin.

"Nagkatinginan kami," Cristine delightfully whispered after we settled down. Halatang kinikilig ito sa tinginan daw na naganap sa kanila.

Ngumiti na lamang ako at ibinaling ang pokus sa harap. Nagkaroon muna ng short praise bago nagsimula ang practice. Ate Weng briefed us about what will happen and distributed pieces of paper. Para raw iyon sa sasabihing vow ng bawat ranggo.

Nauna kaming tinawag para roon. Nakayuko ako habang naglalakad patungo sa harap kasama ang mga kasamahan kabilang na si Pamela at Cristine.

Thankfully, while saying those words, we are to face the altar. Kaya naman nakatalikod kami sa ibang miyembro sa buong recital.

The Way I Loved You (TOA Series #1)Where stories live. Discover now