Chapter Sixteen

101K 3.4K 2.2K
                                    

"It's positive, Cristina... You're four weeks pregnant," seryosong sabi ni Aivan. 

It feels like my whole system stopped functioning for a moment. We went to Aivan's hospital to run proper test to confirm if I'm really pregnant, and I really am. Buntis nga ako... I don't know what to do... I don't even know what to feel. 

Should I be scared? Should I be excited? Should I be happy? I don't know what I'm feeling right now. 

Isang bagay lang ang sigurado ako... Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko siyang palakihin at alagaan... Gusto kong maging magulang sa kan'ya. 

"What's your plan now, Cristina? I mean, with your child... Sasabihin mo ba sa tatay n'ya?" tanong ni Aivan. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago sumagot. "Of course, Aivan... Karapatan n'yang malaman. Mag-iipon lang muna ako ng lakas ng loob," sabi ko saka marahang hinaplos ang tiyan ko. 

Ano kaya ang magiging reaksyon n'ya? Aaminin kong natatakot ako... Paano kung ayaw n'ya sa anak namin? 

"Who's the father? Iyong lalaki ba na humila sa 'yo sa mall last time?" tanong pa ni Aivan saka tumayo at lumapit sa akin. 

I nodded. "Hmm... That's why I'm scared. He doesn't love me. H-He loves another woman... Paano kung ayaw n'ya sa anak namin?" mahinang tanong ko saka pinaglaruan ang mga daliri ko. 

Umupo si Aivan sa tapat ko saka hinawakan ang kamay ko. Marahan n'yang hinaplos 'yon dahil naramdaman n'ya ang panginginig ng mga 'yon. I took a deep breath to calm myself... I didn't expect this. Wala sa plano ko ang magkaroon ng anak. Hindi ko alam ang magiging reaksyon nila... ni Irish, ng mga kapatid ko... lalo na ni Eron. 

"Cristina, I know you're scared right now, but you still have to tell him about this. Kung hindi n'ya matatanggap, kung ayaw n'ya... don't worry, I will help you. I'm always here for you," he said and smiled at me. 

I smiled at him too and shook my head. "Thank you, Aivan... But I want to handle this myself, I really appreciate your concern though. Maraming salamat," sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. 

KINAKABAHAN AKO nang makauwi. Nasa bahay na si Eron nang dumating ako. Naabutan ko siya sa kusina na inilalabas ang mga honey na binili n'ya mula sa grocery bag. 

I smiled faintly... He didn't forget the honey. Akala ko ay makakalimutan n'ya ang ipinapabili ko. 

Napapitlag ako nang mapalingon sa akin si Eron. He smiled at me and licked his thumb with honey. Pagkatapos no'n ay naghugas siya ng kamay bago lumapit sa akin. Halatang natigilan naman siya nang agad ko siyang sinugod ng yakap. He seems hesitant but he just hugged me back and gently caressed my back. 

"Where have you been?" he asked and kissed the top of my head. 

I smiled and buried my face on his hard chest. "Sa mall... kasama ko si Aivan."

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Hinawakan n'ya ang magkabilang braso ko at bahagyang inilayo ang katawan ko sa kan'ya saka tumitig sa mukha ko. Bahagya akong tumawa nang mapansing nakakunot ang noo n'ya. 

"Why did you go to the mall with him? Sana ako na lang ang isinama mo," tila nagmamaktol na sabi n'ya. 

"May lakad ka, e," tumatawang sabi ko saka yumakap sa baywang n'ya. 

"Kahit na. You should have called me, pupuntahan kita agad," nakakunot-noong sabi pa n'ya. 

I just chuckled and hugged him tighter. I kissed his lips and hugged his nape. Halatang natigilan siya sa ginawa ko pero yumakap na lang siya sa baywang ko saka dinampian nang marahang halik ang labi ko. 

Kept and Wrecked (SERIE FEROCI 7)Where stories live. Discover now