Chapter Fifteen

100K 3.3K 1.9K
                                    

"Eron... parang gusto ko ng mais sa sinigang."

Lumuwag ang pagkakayakap ni Eron sa akin saka nagtatakang tumingin. I just bit my nails and smiled cutely at him. I hugged his waist tighter and nuzzled on his chest. Naramdaman ko na lang na marahan n'yang hinaplos ang buhok ko saka inamoy 'yon. 

"Mais... sa sinigang? Meron bang mais ang sinigang?" tanong n'ya. 

I blinked and looked at him. "I-I don't know, but I want it. Hindi ba pwede 'yon?" I asked and gave him my not-so-cute puppy eyes. 

Eron sighed while staring at me too. "Do you really want it?" he asked in a soft tone and kissed the tip of my nose. 

I bit my lower lip and nodded. "I really really want  it, Eron. Please cook it for me, hmm?" I muttered... I suddenly want to eat something na siya ang nagluto, but I especially want corn in sinigang. 

Eron nodded. "I'm gonna buy corn first," sabi n'ya saka dinampian ng halik ang labi ko bago bumangon sa kama. 

Napabangon din ako saka kinusot ang mga mata ko. I looked at the wall clock. Tanghali na nga talaga kaya tama lang na tanghalian na ang iluto namin. 

"Eron, please be quick ha, and please buy lots of corn. I want to make a corn soup too, corn cake, corn tea, corn juice..." I mumbled.

Iniisip ko pa lang, natatakam na ako. Hindi ko alam kung bakit kung ano-anong pagkain ang gusto ko nitong mga nakaraang araw. Pati si Eron napansin din 'yon pero hindi naman siya nagrereklamo. May kapalit naman 'yon. Medyo may bago rin naman sa kan'ya. He's too clingy these past few days. He's always been clingy naman talaga, pero mas lalo siya naging clingy. Kahit yata saan ako magpunta, nakasunod siya at yayakap. 

Tumambay na lang muna ako sa kusina at nagbasa ng book habang naghihintay kay Eron. I'm really thankful that he's willing to run and buy everything I want to eat, though may mga time na moody pa rin siya. His mood is still unpredictable. May mga oras na bigla siyang magsusungit. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naiinis. Pakiramdam ko unti-unti ko ng nalalaman ang iniisip n'ya, pakiramda ko kahit papa'no nararamdaman ko na siya. Mukhang hindi naman talaga siya masama kagaya ng inaasahan ko. I think he's mentally unstable and indenial. 

"When will he like me back?" I mumbled and tapped my fingers on the table. 

"Cristina..."

Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Eron sa likuran ko. Napatikhim na lang ako at isinara ang libro ko. Nagtungo na lang siya sa kitchen counter saka inilabas ang mga pinamili n'ya. Hindi na lang ako nagsalita at tumayo saka umupo sa mesa para panoorin siya. 

Seryoso lang naman siya habang naghuhugas at naghihiwa ng ingredients. I just bit my lower lip to suppress myself from salivating... I don't know why I'm suddenly craving for corn this time. Nahalata kong nawi-wirdohan din si Eron pero hindi naman siya kumokontra. 

Tumayo na lang ako saka lumapit kay Eron na tahimik na nagluluto. Bigla akong yumakap sa baywang n'ya mula sa likuran. Hindi naman siya kumontra pero naramdaman kong napapitlag siya. Napangiti na lang ako at marahang kiniskis ang pisngi ko sa likod n'ya. 

"Matagal pa ba 'yan, Eron?" 

"Sandali na lang... Gutom ka na?" he asked and faced me. 

I just bit my lower lip and nodded. "Super gutom."

Nakita kong bahagyang umangat ang sulok ng labi n'ya na para bang nagpipigil siya ng ngiti. "Saglit na lang 'to. Just sit there and wait," he said and kissed my cheek. 

Tumango na lang ako saka dinampian ng halik ang labi n'ya bago nagtungo sa upuan ko at umupo. Lumalakas ang loob kong gumanito ng mga nakaraang araw dahil hindi naman kumokontra si Eron. I also like his reaction every time I make a move. Para bang nagugulat pa rin siya at nahihiya nang kaunti kahit hindi n'ya gaanong pinapahalata. 

Kept and Wrecked (SERIE FEROCI 7)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora