Chapter Twelve

92.1K 3.6K 2.9K
                                    

I woke up with a heavy heart next day. Pati ang ulo ko ay kumikitib din dahil hindi ako nakatulog nang ayos. I spent my whole night thinking about Eron... and in what way did I confuse him, because I don't know if I did. 

I just sighed and went out of the bathroom after I took a bath. I looked at the mirror and brushed my hair. Sinuot ko na rin ang salamin ko sa mata at kumuha ng isang libro mula sa paper bag bago lumabas. Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko ro'n si Eron na nagluluto. Hindi ko na lang siya kinibo at nagtungo na lang sa kitchen counter para kumuha ng instant coffee at itinimpla 'yon. 

Nararamdaman kong napapalingon sa akin si Eron, pero hindi ko siya nilingon. Itinuloy ko ang pagtitimpla ng kape. Umalis din agad ako at umupo pagkatapos kong magtimpla. I opened my book and started reading it. 

We're both silent. I tried my best not to give attention to him and just continued reading my book. Wala akong naiintindihan sa binabasa ko pero tinuloy ko na lang... I don't want to talk to him right now. I don't even want to look at him. H'wag muna ngayon. Mabigat pa ang pakiramdam ko.

Pinakiramdaman ko na lang si Eron. Umupo na siya sa tapat ko at naghahain. He cooked a soup and it really smells good but I'm not in the mood to eat right now. 

"Cristina, hindi ka ba kakain?" narinig kong tanong n'ya.

I shook my head and drank my coffee. "Wala akong gana," tipid na sabi ko saka tumuloy na lang sa pagbabasa ng libro. 

Halatang natigilan si Eron sa sinagot ko pero hindi na siya nagsalita pa at nagsimula na lang kumain. He should eat soup anyway, lasing na lasing siya kagabi at siguradong matindi ang hangover n'ya ngayon. 

Nanatili kaming tahimik pareho. Pinagpatuloy ko na lang ang binabasa ko habang umiinom ng kape. Surely, gugutumin ako mamaya. Maghahanap na lang ako sa fridge ng pwedeng iluto mamaya. 

When I already finished drinking my coffee, I immediately stood up and washed the cup I used and went to the living room. I sat on the couch and continued reading my book. Honestly, wala pa rin akong naiintindihan sa binabasa ko. Lumilipad pa rin ang isip ko sa kung saan... kay Eron. 

Natigilan ako nang mapansing nagtungo rin si Eron dito sa living room saka umupo sa couch na inuupuan ko. Napabuntonghininga na lang ako at akmang tatayo pero agad n'yang nahawakan ang braso ko. 

"Is there a problem?" he asked. For some reason, he seems worried. 

I just forced a smile and shook my head. "Nothing, I just want to be alone," pagdadahilan ko. 

Hindi na nagsalita pa si Eron. That was my cue to leave. I immediately went to our room and sat on the bed. Inilapag ko ang libro sa bedside table at napabuntonghininga. This won't do, I couldn't concentrate at all. I'm just wasting my time. 

I just took a deep breath and took the remote. Binuksan ko na lang TV para manood saka humiga sa kama... Kahit papaano, na-distract naman ako, pero nakatulog na naman ako. Dahil din siguro kulang na kulang ako sa tulog. 

1 pm na nang gumising ako. Agad akong bumangon nang maramdaman kong kumakalam ang sikmura ko. I immediately went out of the room and went straight to the kitchen. I opened the fridge and to my surprise, there's no food left in there. I just sighed and went to the living room to look for Eron. Naabutan ko siya na nakapikit at nakahiga sa couch... pero idinilat n'ya rin ang mga mata dahil siguro naramdaman n'ya ang presensya ko. 

Agad siyang bumangon saka tumingin sa akin. "Are you hungry? I can reheat the soup for you," he said and massaged his nape. 

I shook my head. "I'm not in the mood for soup. I just want burger. Bibili na lang ako sa labas," naiilang sabi ko na lang. 

Kept and Wrecked (SERIE FEROCI 7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon