Chapter 2: The Stripper (SAMPLE CHAPTER)

14.1K 221 7
                                    


Chapter 2: The Stripper

HINDI NA NAPAKALI si Jessie simula no'ng araw na nagpunta sila sa isang Bar sa Quezon City at nakita niya iyong babae na nagsasayaw. Weird, pero palagi niya itong naiisip. Halos minu-minuto pa nga e na para ba siyang nababaliw. Paulit-ulit din na nagpapakita sa panaginip niya ang mapang-akit na sayaw nito. Nagpabalik-balik siya sa paglalakad sa marangyang sala nila at nag-isip ng malalim
Hindi kaya love at first sight ang nararamdaman niya ngayon para sa estrangherang babaeng iyon? Pero napakababaw naman niya kung sa unang beses pa lang na nakita niya ay ma-i-in love na siya agad-agad. Pero ano naman ang nararamdaman niya kung hindi pa iyon? Paano niya ma-e-explain ang pagkabaliw niya rito?
"Anak, baka naman gusto mong magpahinga muna? Mahigit kalahating oras ka nang nagpapabalik-balik sa paglalakad diyan eh ako ang nahihilo sa iyo e!" sita na ng Mommy niya sa kanya.
Bumuntong-hininga siya nang malalim. Saka umupo sa tabi nito.
"'Ma, may I ask you something?"
"Sure, Hija. What is it?"
"How does it feel to be in love?" diretsang tanong niya.
"Well, no'ng ma-in love ako sa Daddy mo ay walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi siya lang. Palagi ko pa nga siyang napapaginipan noon eh. Palaging kumakabog ang dibdib ko at palagi akong nangangarap!" Parang nakarating nga sa dako ng pangangarap ang Mommy Rita niya habang nagku-kwento ito.
Kung ganoon ay in love na nga siya. Mukhang nabihag na agad nang babaeng ni hindi niya kilala ang puso niya kahit sa saglit na panahon lang.
"Teka nga, Anak, bakit ka ba nagtatanong? Don't tell me, you're still in love with Michael? Ayyiieee, ang anak ko! Mukhang gusto mo nang makipagbalikan sa kanya, ah? Tatawagan ko na ba? Botong-boto si Momsie sa kanya! Pogi na, sikat pa! Huwag kang mag-alala dahil kung gusto mo, ngayon pa lang ay ipakakasal ko na kayo!" Parang mas kinikilig pa ang Mommy niya kaysa sa kanya. Number one fan kasi ito ng naging kaisa-isahan niyang boyfriend na si Michael.
"Hindi po si Michael. Naitanong ko lang bigla, kailangan ko kasing sumulat ng isang article na isa-submit ko sa magazine dahil biglang nagkasakit si Harmony. Eh love ang topic, kaya ayun," pagpapalusot niya.
"Naku, huwag kang makikipagkaibigan sa Harmony na 'yan ah! Babae man ang hitsura no'n pero tibo 'yun! Baka mamaya niyan, mahawa ka pa sa T-bird na 'yun at magulat na lang akong bigla na mag-uwi ka ng babae rito! Aba, hindi ako papayag na maging tibo ang paborito kong Unica Hija!" Nag-emote pa si Rita.
"'Ma naman, mabait naman po si Harmony at wala naman pong masama sa pagiging lesbian--"
"Kahit ang pagbanggit man lang sa word na 'yan ay huwag mong masabi-sabi! Salot sa lipunan iyang mga bakla at tomboy na 'yan! Baka maimpluwensyahan ka nila, naku, talagang makakapatay ako!" Nagpaypay pa si Rita na para bang tumataas ang alta-presyon nito.
Bumuntong-hininga na lang siya. Kung alam lang ng Mommy niya na matagal na siyang hindi nakakasiguro sa pagkababae niya. At ngayong mukhang malakas talaga ang tama niya sa babae sa Club na hindi pa niya kilala ay mukhang matutuluyan na nga siya. Pero tatanggapin na lang niya kung ano siya. Kung ano ang ibinigay na pagkatao ng Diyos sa kanya ay yayakapin niya ng buong puso. She's in love and she will do everything whatever it takes even if it means to defy her mother ay gagawin niya. She will fight for her love. Kung hindi man niya nasabi noon sa babaeng unang minahal niya ang feelings niya ay hindi na ngayon. Magiging aggressive na siya sa pagkakataong ito. Alam naman niyang walang mangyayari kung magpapatumpik-tumpik siya.

HINDI NA napigilan ni Jessie ang sarili niya. Nagpunta siya ulit sa Phoenix's Club sa Quezon City para mapanood ulit ang babaeng nagpatibok ng puso niya. Hindi muna niya pinaalam kina Harmony at Donna ang bagong natuklasan sa sarili dahil hindi pa naman siya handa. Nagpalingon-lingon siya sa mga tao sa Bar. Wala ang babaeng mahal niya. Nang bigla na lamang nagdilim ang paligid. At mula sa itaas ng stage ay mayroong babaeng mapang-akit ang lumabas. Ang babaeng mahal niya!
Napalunok siya sa mapang-akit na sayaw nito. Maikli ang suot nitong damit. Hapit masyado sa katawan nito ang napakaikling tela. Napakaganda ng mukha nito na napapabalibutan ng may kakapalang make-up at lipstick na bumagay naman sa maliit nitong mukha. Mapupungay ang mga mata nito. Matangos ang may kaliitang ilong at maganda rin ang kurba ng labi nito na parang nagpapauhaw sa kanya at gustong-gusto niyang halikan...
"Whooo!!! Ang ganda mo, Rose! Hubarin mo na 'yang suot mo!" parang asong ulol na nagsisigaw ang isang lalaki roon na halatang lasing na.
Naikuyom niya ang kamay niya. Hindi niya matanggap na mayroon pang ibang tao ang nagpe-pyesta sa alindog ng katawan ni Rose. Gagawa siya ng paraan para maialis ito roon. Gagawa siya ng paraan para mapasakanya ang babaeng tinawag nitong Rose.

LUMIPAS pa ang isang buwan at nakakalap pa ng mas marami pang impormasyon si Jessie tungkol kay Rose. Rose lang pala ang pangalan nito sa Phoenix Club. Pero Lily Domingo ang tunay nitong pangalan. Pangalan na bagay sa inosenteng katulad nito pero narungisan dahil sa lugar na kinasasadlakan nito. Hindi niya alam kung kasama sa trabaho ni Lily ang 'extra service' o pagbebenta ng katawan kapalit ng pera pero wala na siyang pakialam doon. She's in love with Lily and she don't care kahit ano pa ang pinagmulan nito.
Isang probinsyana si Lily na napadpad sa Manila para makipagsapalaran. Dahil highschool graduate lang ay pagiging entertainer sa Club ang kinabagsakan nito. Nakasanla ang bahay at lupa nito sa Batangas dahil sa biglaang pagkaka-aksidente ng Nanay nito noon sa isang pagawaan ng Tuba. Kaya naman nabaon sa utang ang buong pamilya nito. Panganay si Lily sa limang magkakapatid at marami pa itong pinag-aaral. Kaya hindi nakapagtatakang nagtitiis ito sa Phoenix Club.
Pero naroon na siya at handa siyang tulungan ito para makaahon sa hirap. Hindi siya papayag na maghirap ng ganoon ang babaeng mahal niya. Kaya gagawin niya ang lahat para maging sila at mahalin din siya nito...

Living In A Closet (Published Under Dreame App)Where stories live. Discover now