"Bakit ka ba kasi pumapasok sa kwarto ko ng basta basta?!" Tanong ko din sa kanya.




"Narinig kita na sumigaw eh kaya pumasok na ako!" Sagot niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin "Ano ba kasi nangyari at napasigaw ka? Okay ka lang ba?" Nilapitan niya ako pero pinatigil ko siya sa paglapit gamit ang kamay ko at tumigil naman siya.


"Tumalikod ka magsusuot ako ng damit."



"Tss. Pwede ka naman magsuot kahit nakaharap ako." Sabi niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.



"Isa! Tumalikod ka nalang kasi." Aba at inirapan pa ako. Tapunan ko siya ulit ng tsinelas eh.



"As if naman na di ko pa nakita yan." Sabi niya sa mahinang boses pero narinig ko naman yun. Anong ibig niyang sabihin dun? Naku kailangan talaga namin mag-usap na dalawa. Hindi pwedeng puro tanong nalang ako sa sarili ko. I gestured my hand for her to turn around already. Kasi naman eh di pa tumatalikod.



Nang makatalikod na siya ay agad kong isinuot yung damit na hawak ko. Agad akong tumayo at dahil medyo may pagkalampa ako eh nakalimutan ko na pilay pala ako kaya ayun nabigla yung paa ko sumakit dahilan para maout of balance ako. Akala ko nga lalagapak na naman ako sa sahig pero hindi yun nangyari. Ramdam ko ang mga bisig niya na nakapulupot sa aking katawan.




Kasalukuyan akong nakapikit nun dahil expected ko na nga na matutumba ulit ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sakto na tumama ang aming mata sa isa't isa. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nalipat ang paningin niya sa mga labi ko dahilan para mapatingin din ako sa labi niya.



Bakit ganun? Iba ang nararamdaman ko ngayon. May gusto akong gawin pero di ko naman alam kong ano yun. Gets niyo ba yung ganong feeling?



Marahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang magawang iiwas ang sarili ko sa kanya. Halos magkalapit na yung labi namin. Kusa namang pumikit ang aking mga mata. Marahan ko itong iminulat pagkatapos ng ilang segundo nang maramdaman ko ang pagdikit ng noo niya sa noo ko.



Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Kasalukuyan siyang nakapikit. Ilang segundo pa ay iminulat niya ang kanyang mga mata saka marahan na inilayo ang mukha niya sa mukha ko, nanatili pa din kaming nakatingin sa mata ng isa't isa.



Bigla ko naman siyang pinaghahampas. Masyado na kasing awkward ang sitwasyon namin.




"Aray ko naman, Annie" sabi niya.



"Bitawan mo nga ako!" Agad naman niyang sinunod ang sinabi ko pero pinaupo niya ako sa kama ko.



"Sa susunod wag kang lalampa-lampa...." Sabi niya sabay iwas ng tingin sakin "at baka kung kanino ka na mahulog diyan."



"Ano sabi mo?" Tanong ko since di ko na marinig yung last part na sinabi niya. "Tsaka hoy! Hindi ako lampa!"



"Tss." Tanging sagot niya.



"Aba! Gusto mo bang ihampas ko sayo tong mahiwagang slipper ko? Baka nakakalimutan mo meron pa akong isa." Pagbabanta ko sa kanya. Attitude eh.



Narinig ko naman na napabuntong siya ng kanyang hininga. "Paano kita maiiwan niyan kung palagi ka nalang madudulas?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "I have to go. May work kasi ako ngayon. I don't know if makakabalik ako mamaya."



Ewan pero bigla akong nakaramdam ng lungkot "How about tomorrow?"



Napakamot siya ng kanyang tenga "Di ko rin sure. Baka di rin ako makapunta bukas. Madami lang kasing gagawin ngayon sa work."



Eh paano ako?



'What do you mean paano ka? Duh?! Wag ka nga mag-inarte diyan!'


Napairap ako mentally sa mga pinagsasabi ng utak ko. Eh sa hindi naman ako nag-iinarte. Tsk.




"Okay..." tanging sagot ko sa kanya. Kahit ayaw ko ng sinabi niya pero wala naman akong magagawa. Wala naman akong karapatan magmakaawa sa kanya na magstay at wag nalang siyang pumasok ng trabaho kasi sino ba naman ako para sundin niya diba?



"Please be careful ka dito okay?" She reminded me.




"Ano ka ba? Pilay ako pero di ibig sabihin nun lampa na ako." Paalala ko rin sa kanya.



"Oo na. Sige, alis na ako." Paalam niya. Nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko.



"Akala ko ba aalis kana? Bakit nakatayo ka pa rin diyan?"



Naku Mindy. Please lang umalis kana baka hindi ako makapagtimpi at pigilan na lang kita. Hayss! Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko sa kanya.



"Can I kiss you?" Napalaki ng bahagya ang aking mga mata. Napansin naman niya siguro ang pagtataka ko dun sa tanong niya "Sa forehead? If that's okay with you?"



If that's okay with me? I don't know pero parang gusto ko siyang pagbigyan.



"Sabi ko nga aalis na ako hihi." Sabi niya sabay talikod at akmang aalis na sana siya ng tinawag ko siya sa pangalan niya.




"Mindy..." agad naman siyang napatingin sa akin.



"Yes?"


I gulped "Mag-ingat ka."



She scoffed "Sure, I will." Umalis na siya sa harapan ko at saktong nasa pintoan na siya ng magsalita siya ulit "Thank you nga pala sa food. Namiss ko yung luto mo." sabi niya habang nakangiti saka tuluyan na akong nilisan.



Napako lang ang tingin ko sa ngayong nakasara ng pintoan ng aking kwarto.



Napapikit na lamang ako sabay buntong ng aking hininga.



I hate whatever she makes me feel right now. Andami kong nararamdaman ngayon. Mix emotions. Dahil lang yun sa iisang tao.



Mindy. Ano ba 'tong ginagawa mo sakin.







🖤








Very soweee sa very late na update. Yung feeling kasi na gusto kong tapusin ang story na to para magawa ko na yung isang story pero wala naman akong ginagawa para matapos agad? HAHAHA. Penge ako kasipagan beke nemen dejuk lang. Siguro magiging slow lang sa pag-update pero ttry ko maging masipag mga babyloves. Yun lang po hehe. Here's an update po for you ☺️









Have a good day/night y'all 🖤

Suddenly, You're not InloveWhere stories live. Discover now