Chapter 7

266 16 10
                                    

🐢 DONNY'S POV🐢


Natinag ako sa tahimik naming paglalakad sa gilid ng field nang bigla siyang nagsalita.

"Wag ka ngang dumikit sa'kin." Mahinang aniya na ang paningin ay nasa daan.

Nilingon ko siya. "Ha?"

"Do'n ka banda." Nakaturo siya sa pinaka ka gilid ng parte ng field.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Nauutot ako!" Pasinghal na saad niya.

"What, seryoso ka?"

"Tss! Basta lumayo ka sa'kin, hindi kita anino kaya wag kang dikit ng dikit." Hindi parin siya tumitingin sa'kin.

"May problema ba?" Takang tanong ko.

"Ang daming nakatingin sa'tin, hindi mo ba naririnig 'yung mga marites!?" Napipikon na siya.

"S-Sinong Marites?" Takang tanong ko naman. Ang gulo niya!

"Sinaunang tao ka siguro kaya hindi mo alam! Basta 'wag kang masyadong dumikit sa'kin."

Sinunod ko nalang ang sinabi niya, at nagpatuloy sa paglalakad.

Susunod na sana ako papasok ng building nila nang magsalita ulit siya.

"Sa'n ka pupunta, ando'n 'yung building mo." Nakaturo pa siya sa kabilang building. Ibinaba ko ang kamay niya.

"Sinunod kita kanina, kaya ngayon ako naman. Ihahatid kita! Kumunot ang noo niya.

I sighed.

"Remember, we're in a relationship now." Nagulat siya, lumaki ng bahagya ang mata niya.

"Tumahimik ka nga, baka may makarinig pa sayo dito!"

Nag-iba ang isip ko bigla. Ano 'yun, kaming dalawa lang ang makakaalam na may relasyon kami? Pa'no to makakaabot kay Clea kung hindi naman pala ikakalat sa iba?

I cleared my throat.

"See you later at the canteen, the same table. After the recess, I'll talk to you."

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Tsaka maikli lang 'yung oras sa recess, after lunch nalang." Suhitisyon niya. Hindi ako sumagot, nag iisip lang ako habang nakatingin sakanya. "Okay lang ba 'yun?" Normal na tonong tanong niya.

"Okay, good luck on your lessons." I said.

"Mmm, ikaw din, huwag mo na akong ihatid." Aniya tsaka nagpatuloy na papasok ng building. Sinundan ko muna siya ng tingin, nang paakyat na siya ng hagdan ay tsaka lang ako bumaling sa likod at naglakad nadin patungo sa building ko.

"What's that?" Bungad sa'kin ni Joao nang may nanghihinalang tingin.

"What? Where?" Takang tanong ko naman.

" I saw you."

"You saw what?" Pagmamaang maangan ko. Alam ko na ang sinasabi niya.

"Belle...." Biting sagot niya.

"What's with Belle then?"

Sige Donny, kunwari tanga ka!

" I saw Belle and you, sa parking lot. Nag-uusap pa kayo kaya umuna ako. I'm just curious about.... Bakit sabay kayong pumasok ng school?"

Thinking Of TinkWhere stories live. Discover now