"Anak ng!"

Sumusulpot na lang bigla bigla sa harap ko.

"...pangalawa, may pinaguusapan ba tayo in the first place?" Saka siya uminom dun sa kinuha niyang Nestea sa ref.

Sumimangot na lang ako dahil wala na akong time para makipagsagutan sakanya.

Pumunta ako sa pintuan para makaalis na sa masamang bangungunot na to.

"Makaalis na nga."

*click

*click

Bakit ganon. Hindi tunog ng camera yun. Tunog yun ng pintuang ayaw mabuksan.

"Sinubukan ko na yan wag mo nang ipilit."

"Anong ginawa mo sa pintuan?"

"May pumasok na mga magnanakaw dito kanina..."

MAGNANAKAW!? Lumaki bigla mga mata ko.

".....kaya naman nirescue kita kaso lang kasabay nun may mga alien na naglalaro sa spaceship nila kaya accidentally napress nila yung lockdown button ng room na to."

-_____-

Muntik na akong maniwala sa kalokohan niya ha.

"HAHAAHAHAHAHHAHAHA!"

*click

*click

Okay tunog camera na talaga yun. Hawak niya pala ung SLR niya. Psssh.

"Mamaaa!! Gusto ko nang umuwi!!"

"Kung ako sayo maghanap ka na nang pagkakaabalahan mo kasi malamang sa malamang mamayang gabi na dadating si tita Meg at mama ko."

Gusto ko nang maiyak. Siya nga ung anak ni tita Con. Siya yung lalaking ipapasakal-este ipapakasal sakin ni mama.

"Lord ano bang ginawa ko para malagay ako sa sitwasyon na ganto?"

"Alam mo kung ako sayo maupo ka na lang. Malamang naman wala ka rin naman gagawin sa ngayong weekend nato."

"Alam mo bang wala naman akong balak pumunta sa bahay niyo ngayon? Atsaka, FYI, may plano ako for today. Nasira lang kasi nasama pa ako ng mama ko dito sa inyo."

"Mama mo? Wait wait wait.... Ikaw ba ung anak ni tita Meg?" Bigla siyang napatayo dun sa sofa.

"Hello, akala ko ba alam mo? Ano ba kaya nga ako nandito eh!"

This time, mga mata naman niya lumaki.

"Teka lang, hindi ka ba ung bagong maid?"

•____•

ANNE'S POV

"ANNE ANO BANG SINASABI MO!?" Biglang napasigaw si Aly.

Napa-face palm din siya.

"Hindi ka ba magpropropose sakin kasi nalaman mo na hindi na si Nicole ang mahal kundi ako na?"

Napabuntong hininga ng di-oras si Aly sa harap ko. Nilabas niya uli yung lalagyanan ng singsing at hinarap nanaman sakin.

"Anne, gusto ko lang tanungin kung pwede na bang-"

"Aly? Anne?"

Pagtalikod namin ni Aly, si Nicole pala yung nandun. Bakit parang paiiyak na siya?

"Nikky!" Hinabol naman bigla ni Aly si Nicole kasi naman bigla bigla tumakbo paalis samin.

Ang gulo naman nila. Na-stress ako bigla sa pagiging third wheel.

Tatawagan ko na nga si Gabby for enlightening words.

DREW'S POV

"ANONG MAID?! Mukha nasa matinong pagiisip ako para mag-apply bilang maid niyo ha?!?"

"Seryoso ka ba?"

Aish. Mukhang nagalit ko nanaman tong babaeng to. Here, I was thinking siya nga yung bagong maid namin.

Ngayon ko lang pala lahat to narerealize. Kung siya nga yung anak ni tita Meg edi siya yung..

"O my god, ikaw ba yung ipinakakasal sakin ng mama ko since nung bata pa tayo?!"

"Seryoso ka ba, ngayon mo lang talaga to nakukuha?"

Ibig sabihin siya yung laging nakwekwento ni mama sakin na future Mrs. Dumrique ko? Anak ng pating.

How can I not remember? Duico nga pala siya. Ever since narinig ko yung last name na yun natatakot na ako kasi baka siya yung ipapakasal sakin ni mama.

How can I miss this?

"Nagkita ba tayo nung mga bata pa tayo?" Tanong ko.

"Hindi." Sagot niya.

"Tignan mo na naman oh."

"Bakit?"

"Ang malas ko pala."

"Mas malas ako."

"Mas malas ako kasi papakasalan kita."

"Mas malas ako kasi pakakasalan kita."

"Inulit mo lang yung sinabi ko eh!"

"Eh totoo naman kasing malas ako. Malas ako kasi ikaw ang gusto ni mama na ipakasal sakin. Malas ko kasi ikaw rin yung kailangan kong ilagay sa club namin para hindi lang siya masira. At malas ko kasi, well, let's face, I'm stuck here..with you."

Ouch. Ang sakit naman nun. Three strikes agad sa puso ko.

"Edi, fine ikaw na panalo, mas malas ka."

"Thank you, mabuti at na-clear natin yun."

Parang ewan. Decididong maging MAS malas kesa sakin.

"Gabby. Alam mo nakakastress tong topic natin pwede bang palitan?"

Napahawak si Gabby sa mukha niya at parang lahat na ng kamalasan pasan niya. OA mo rin noh.

"Alam mo, tama ka."

Bigla siya tumayo sa inuupuan namin.

"Hindi ko sasayangin tong Saturday morning at afternoon ko dahil lang nalaman ko na ikaw yung ipakakasal sakin."

"Ouch. Pero that's the spirit!"

"Today is my day, madami pa akong pwedeng magawa kahit na nakalock tong kwartong to."

"Yes! Tama yan!"

"Alam ko nang gagawin ko."

"Sige, I'm here for moral support!"

"Tuturuan na kita kung pano maging third wheel."

"Go lang ng-teka anong sabi mo?"

Umupo siya uli sa tabi ko at humarap sakin.

"I mean wala rin naman akong gagawin so tuturuan na lang kita maging TW."

Ughhhh...

"Diba pwede sa monday na lang yan??"

"Sayang sa oras."

"Eh tinatamad pa ako."

"Drew pwede ba."

"Gabby ayoko nga."

Mapilit rin tong babaeng to infairness.

Persistent little annoying girl.

"Besides, after everything, hindi ka ba excited sa bago mong club, Mr. Ebrie Dumrique."

Binigyan ko siya ng sarcastic smile bago ako sumagot.

"Talagang hindi mo ako titigilan no?"

"Alam mo nang sagot ko dyan."

"Fine, Ms. Gabriella Duico."

Third Wheel Lessons 101 begins.

The Third Wheel ClubWhere stories live. Discover now