Prologue

55 4 4
                                    

"Ano ba naman yan Anda! Tatlong buwan na kayong di nakakabayad ng upa! Hindi naman pwedeng palagi nalang ganito, may pamilya din akong binubuhay!." Rinig kong sigaw ni Ate Betty kay Mama, kahit bagong gising palang ay di na ako nag-abalang tumingin pa sa salamin at pumunta na sa baba.

"Bukas na bukas din ay umalis na kayo dit-"

Pikit mata akong sumabat.

"Ate Betty, itong pang tuition kopo sapat puto para bayaran ang balance po namin sayo at advance tatlong buwang upa po dito."

"M-Macy?!"

Nilingon ko si Mama at nginitian "Okey lang ma, may susunod pa naman." Binalik ko ang tingin ko kay Ate Betty na ngayon ay abot tenga na ang ngiti, para siyang nanalo sa loto.

"Ayan! Ayan! Yan ang gusto ko sayo Macy e! Oh siya sige, madali naman akong kausap." Kinuha nito sa kamay ko ang pera at binilang.

Sa susunod na taon nalang siguro ako mag-aaral. Nilingon ko uli si Mama na ngayo'y naluluha na, nginitian ko nalang ito at tinanguan.

"Oh siya, Anda, Macy, tutuloy na ako." Tinanguan ko na lamang siya at nilapitan na si Mama.

"Okey lang ma, may susunod na taon pa naman."

"Macy, ipon mo yun, para yun sa pag-aaral mo. Kaya ko naman gawan ng paraan yun eh, sana--" Niyakap ko nalang si Mama, nakakalungkot, pasukan pa naman na next week. Hays.

"Ma, okey lang talaga. Tiyaka po, wag ka napo magtrabaho, ako nalang po baka ano pa mangyari sayo at maospital ka na naman. Ikaw nalang ang meron ako ma." Humigpit ang yakap saakin ni Mama

"Macy-"

"Anong drama to?! Bat di ako kasali sa group hug!" Sabay kaming napalingon ni Mama sa bagong dating na si Tito Glen pag umaga at Glenda naman pag gabi.

Napatawa naman si Mama sa kaartehan nitong best friend niya.

"Exclusive for pretty human lang ang group hug bakla, bawal chaka!" sabi ni Mama na ikinaasim naman ng muhka ni Tito Glen.

"Hulaan ko, siningil kayo ng upa no? Sabi ko naman na dun nalang kayo tumira saakin kasi ako lang naman doo-" sabi ni Tito Glen na agad namang pinutol ni Mama.

"Hindi na no, okey lang kami dito." Napairap naman si Tito Glen, ilang beses na kasi na gusto niya na kaming tumira sa kanya pero ayaw talaga ni Mama.

"Oh siya, move-on, Macy dear my offer-" nakuha naman ang buong atensyon ko sa sinabi niya.

"Siguraduhin mo yang offer offer mo Glendancio ha!" sabat ni Mama, napairap naman uli si Tito.

Kaloka talaga pag nagsama silang dalawa.

"Oo namam no, diko papahamak inaanak ko, gaga ka." Tumango naman si Mama at tumayo.

"Sige magusap muna kayo, at maghahanda ako miryenda." Kumislap naman ang mata ni Tito.

"Ay gusto ko yan! Miryenda!" Binato naman siya ni Mama ng unan na ikinatawa naming dalawa kasi sapol sa ulo.

"Ang brutal niyo talagang mag-ina!"

Nang mawala na si Mama sa paningin ko ay nilingon ko na si Tito. "To, anong offer?" At nagsimula na siyang elaborate ang offer niya.

"Alam mo naman trabaho ng Tita mo diba?" Tumango naman ako.

"Yes Tito."

"Kakasabi ko lang na Tita ah, nakakastress talaga kayong mag-ina." Napahawak ito sa sentido bago nagpatuloy sa pag sasalita.

"Magsasayaw ka lang be, pag may mga exclusive events lang naman, tapos ilalagay kita sa VIP no! Yang gandang yan pang VIP!, 20kyaw or kung nagustuhan ng tao service niyo'y baka malaki pa! Bawat big event sasayaw kalang at may rules naman tayo kaya safe to, di kita pababayaan no at baka matigi ako ng mader mo, brutal pa naman yun!" mahabang litanya nito.

I pause for a bit before slowly giving him a nod. Wala akong ibang pagpipilian sa ngayon.

"Sige po."

Agad naman itong napapalakpak "Ay bongga! Sa Miyerkules Macy my big event! siguradong tiba tiba ka doon!" high pitched niyang sabi.

"Pero Tito, pwedeng atin atin nalang po to? Baka di magustuhan ni Mama trabahong papasukin ko eh, atakehin na naman yun sa puso."

"Ay be, need ng parent consent." seryosong sabi niya na ikinaawang naman ng labi ko.

Ha?

Humagalpak siya ng tawa "Kidding, pareho tayong malalagot kay Miranda nito, alam mo naman pano magalit mama mo diba?" Tumango ako.

"Opo, pero to. Gaya po ng sabi niyo malaki naman po kitaan diba jan? Di naman po ako magtatagal sa ganyan, need ko lang po pera kasi nabayad namin pang tuition ko sana this year." Tumango tango naman ito.

"Sige, this will be a secret. Oh siya sa Miyerkules babalik ako dito at magusap tayo uli." Tinanguan ko nalamang siya.

Dumating naman si Mama na may dalang miryenda at nag usap na silang dalawa. Habang tinitingnan ko si Mama, I realize it's time for me to sacrifice also. Mama already given enough, it's time for me to turn the table.

Tiningnan ko naman si Tito Glen, kahit di pako masiyadong sigurado dun sa offer niya'y susulutin ko na din. Pera din yon, laman tiyan.

Days past by like a whirlwind, Miyerkules na.

Suot ang maikling glittered red dress at mataas na silver heels na pinasuot saakin ni Tito ay parang naninibago ako sa sarile. I feel expose, this is too much but I can't backout. I am already here, so why not face it.

"Macy, basta yung bilin ko sayo ha? Tawagan mo ako pag katapos at ng masundo kita andiyan lang din ako  bar kasi may handle din akong iba, may mga bouncer, tawagin mo sila pag may di ka nagustuhang ginawa sayo sa loob. Okey?" Tinanguan ko si Tito. Ramdam kong namamawis ang noo ko kaya agad ko itong pinunasan.

Dinala ako ni Tito sa tapat ng pinto kasabay ang apat pa na babae. Binasa ko ang nakatatak sa pinto 'VIP'. Kahit abot ang kaba ko sa langit ay tinatagan ko nalang ang sarile.

"Girls listen, this party is for a man who's getting married and his inside this room with his other friends. This is a big night girls! They are filthy rich kaya galingan niyo ang paggiling at baka makachamba!."

Bumukas na ang pinto, it's a signal that we should go na inside.

This is it Macy Alexandra!

Whipped by a Stripper (On going)Where stories live. Discover now