"Ouch!" Sigaw ko nang bumunggo ako sa kung sino. Nang mag-angat ako ng tingin, unti-unti akong ngumiti.

Hindi maipinta 'yung mukha niya at nakapamulsa pa. Bad mood yata ang kamatayan niyo.

"Magc-cr ka rin?" Tanong ko. Kanina pa kaya siya nandito?

"Follow me." Tinalikuran niya ako.

Huh? Hindi siya magc-cr? Ano 'yun? Inantay niya lang ako makalabas? Kanina pa kaya siya?

Itinagilid ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ang lumalayo niyang likod. Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ngayon niya lang yata nasabi ang 'follow me' na 'yan, ha? Puro kasi siya hila kapag gusto niya akong isama, e.

Kaya kahit naguguluhan ay sinundan ko siya. Mas okay na ang ganito kaysa naman hilain niya ulit ako.

"Bakit hindi tayo tumabi na lang sa kanila?" Tanong ko nang mapansing hindi kami papunta sa table ng mga kaklase namin.

Hindi niya ako inintindi. Hinila niya lang ang upuan at tiningnan ako. Kumunot ang noo ko habang nagpapabalik-balik ang tingin ko sa upuan na hinila niya at sa kaniya na mariing nakatitig sa akin.

"Uupo ka o kailangan pa kitang buhatin at-" Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na naglakad papalapit sa kaniya at umupo sa upuan. Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya saka siya naupo sa upuan na kaharap ko.

"Check the menu," sabi niya nang buksan niya ang kaniya.

"What's your order, ma'am and sir?" Tanong ng waiter

"Roasted beef, chicken and mushroom pie, french onion soup, pork cutlet, fish and chips, and two drinks," sunod-sunod na sabi niya saka isinara ang menu.

"Copy, sir."

Napaawang na lang ang labi ko. Pinacheck niya pa sa akin ang menu book kung siya rin naman ang magdedesisyon nang akin.

"Sarap ng mga nasa menu," sabi ni Sander kaya napapantastikuhang tiningan siya ni River na wala namang hawak na libro. "Masarap talaga kapag libre."

"Tatlo lang 'yang kaligayahan ni Sander. Kung hindi siya nandududgas at nagsisimula ng pustahan, sa libre siya masaya."

"Ganun talaga." Pinasadagan ni Sander ang buhok niya ng kamay niya saka ako nilingon. "Nga pala, Luna. Babalik pa kami sa Bicol dahil nangako ang mga 'to kay Nanay na babalik pa sila. Hindi pa raw tapos bakasyon nila."

"Kami rin! Mga traydor kayo! Iniwan niyo kami nina Leo!" Sigaw ni Tev at isa-isang dinuro ang mga nasa table nila na nagpunta sa Bicol.

"Sasama rin sina Warren. Kumpleto tayo kung sasama ulit si Eunice, kayo ni Deth, at si Knoxx." Dagdag ni Sander.

Kumunot ang noo ko nang hindi niya mabanggit si Luci. Tiningnan ko sila isa-isa hanggang makita ko si Luci na nasa dulo at nilalaro ang phone niya sa table. Himala yata at nandito siya. Para siyang si Knoxx, e. Palaging absent.

Buti pa si Denver kahit patulog-tulog lalo na ngayon, nasama pa rin.

"Babalik pa ako roon dahil nandun pa ang kapatid ko," sabi ko. Tiningnan ko si Deth na nakapikit ang mga mata at nakakrus ang braso habang nakasandal ang likod sa upuan. "Hindi ko nga lang alam dito."

"Luna, sagot mo lang ang kailangan namin para malaman ang sagot ni Deth," seryosong sabi ni Denver na kakamulat lang ng mga mata.

Kunot-noong binalingan ko siya ng tingin. "What do you mean?"

"Huwag mo nang tanungin. In denial pa siya." Singit naman ni Wolf.

"Huh?"

"Sikreto na ng mga gwapo 'yan, Luna," mayabang na sabi ni Wolf na sinundan naman ni Zai. "Mas gwapo ako sa'yo ngayon. Mukha kang walang ligo, e."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon