"Graah!"

Hindi natuloy ang tangkang pagsugod ng isa nang biglang mahiwa ang katawan nito. Hindi pa kami nakaka-adjust sa pagkagulat nang isa isang bumagsak ang mga oso sa paligid namin.

I looked around but I saw no one, but when I looked up, I saw a girl with long blue hair. Kulay dagat din ang mga mata nito na parang kumikinang dahil sa pagtama ng araw sa mga mata niya. She's holding a sword and she looks like a Royalty.

Bumaba ito at lupa at seryosong tumingin saamin.

"Where are you going?" tanong niya.

Nagkatinginan naman kaming apat. Nagdadalawang isip kung sasabihin ba namin sa kanya ang tungkol sa hidden kingdom pero kalaunan ay napagdesisyonan namin na sabihin na lang.

"We're going to the hidden kingdom," sabi ko.

"Ah, you're too early to come," sabi niya na ikinataka namin.

Early? Dapat ba gabi kami makarating doon?

"Follow me." Sumunod naman kami sa kanya hanggang sa makalabas kami ng gubat.

Mayroong nakaparadang karwahe roon.

"Ah, saan mo kami dadalhin?" tanong ni Isabela.

"In the hidden kingdom." Nagulat kami sa sinabi niya.

So nakatira siya doon kung gano'n?

Pumasok na kami ng karwahe at kaagad naman kaming umusad. Hidden kingdom, nage-exist nga 'yon. Nai-excite ako at baka pwede rin namin silang maging ka-negosyo.

"Wait, are you the Queen?" tanong ni Nana.

The girl shook her head.

"No, I'm just merely a servant." Nanlaki ang mata ko.

Servant?! Sa ganyang histura niya?

"You don't look like one," sabi ko.

Bahagya siyang ngumiti. "Because I was not. I just choose to be her servant. I don't regret it."

Natahimik kami sa sinabi niya. Choose to be her servant? Sa tingin ko ay malakas ang babaeng 'to. Pwede na siyang makapagpatayo ng sarili niyang kaharian pero pinili niya ang maging isang servant? Baka may malaking tulong na ginawa ang pinuno nila sa kanya.

Makalipas ang ilang oras na biyahe, nakita na namin ang border ng kaharian.

"Ah, excited na ako," nakangising sabi ni Isabela.

"Nagpaalam ka ba sa asawa mo?" tanong ni Mira.

Kumindat naman si Isabela. "Hindi, pero nag-iwan ako ng love letter."

Psh, yari ka pa rin pag-uwi, for sure.

Bumukas na ang malaking tarangkahan at sumalubong saamin ang maayos na bahay. Malinis ang paligid at kahit may kaliitan ay may makikita kang nagsasayang mga tao.

"Whoa! Ang ganda rito," sabi ni Nana.

Ang ganda nga. Mukhang masagana ang pamumuhay nila rito, ang bait siguro ng pinuno nila.

"We're here." Napatingin ako sa hinintuan namin.

Palasyo? Eh?! Nanlaki ang mata ko, mami-meet namin kaagad ang Reyna?!

"Follow me." Kumabog ang dibdib ko sa kaba, pero sa mga mukha ng kasama ko, parang hindi lang ako ang kinakabahan.

Kabaliktaran ng labas, the inside looks gloomy and plain. Wala naman kami sa horror house, 'di ba?

"Aquarius." Napahinto kami sa paglalakad ng may lumapit saamin.

Isa itong matangkad na lalaki. Kulay pula ang mga mata niya na parang ruby at kulay itim naman ang buhok niya.

"Leo." Tumingin saamin ang lalaking may pangalan na Leo.

"Your Highness is still sleeping, please don't disturb her." Tumango naman si Aquarius.

"Yes, I understand."

Agad naman na naglakad paalis si Leo at si Aquarius naman ay hinarap kami.

"Doon muna kayo sa sala." Muli kaming naglakad hanggang sa makarating na kami sa malawak na sala.

Umupo kami sa sofa at napakurap ng maramdaman ang lambot no'n, wow. Wala akong ganitong kalambot na sofa sa Palasyo!

"While you're waiting, what can I get for you?" tanong ni Aquarius.

Agad naman akong nakaramdam ng hiya. "Ah, don't—"

"Food, please. Nagugutom na kasi kami," sabi ni Isabela habang malaki ang ngiti sa labi.

Tumango naman si Aquarius. "I'll get foods for you."

Nang makaalis si Aquarius ay sabay naming tumingin nila Mira at Nana kay Isabela. Pinanlalakihan ko siya ng mata.

"Nakakahiya, gaga ka," sabi ni Nana.

Natawa naman ng bahagya si Isabela at hinawi ang buhok niya. "Duh, nagtatanong, eh."

Napailing na lang ako. Ang kapal talaga ng mukha ni Isabela.

"Here's your food." Inilapag ni Aquarius ang hiwa ng cake at juice sa harap namin.

Ang bilis naman niyang makabalik? Kaalis niya lang kanina, ah?

"Thank you," sabay sabay naming sabi.

Bahagya lang itong yumuko. "Luckily, your Highness woke up. I already tell her that she have visitor. She'll be here in a minute."

"Thank you ulit, nakakahiya sa 'yo," sabi ko at bahagyang ngumiti.

"No, it's my duty. I'm going now." Muling yumuko si Aquarius at umalis kaya kami na lang ulit ang nandito.

Nag-umpisa na kaming kumain ng cake.

"Wow, ang sarap!" bulalas ni Isabela.

Tumango ako bilang pagsangayon. Ang tamis at ang lambot ng tinapay. Para kang kumakain ng malabot na ulap. Mabilis naman naming natapos ang pagkain ng cake at sakto naman ang pagbukas ng pinto.

Tumayo kaming apat ng makita ang isang babae na nakasuot ng cloak. May tela na nakatabon sa mukha niya kaya hindi namin makita. May kasama pa siyang dalawang babae sa na nakasunod sa likod niya.

Nang makaupo ang Reyna ay tumayo sa likod niya ang dalawang babae.

"Take a sit." Napalunok ako ng marinig ang mahina at malamig na boses niya.

She also look gloomy. Baka kaya naging ganito ang histura ng bahay kasi dahil sa kanya? Kidding. She has silver hair, and I think it's suit to her. Sayang lang at hindi ko makita ang mukha.

Bakit niya kaya tinatabunan 'yon?

"I'm Queen Ialana Teove from kingdom of Valdenza," pagpapakilala ko.

"Hi, I'm Narvie Naquie, from the clan of fairy."

"I'm Queen Mira Preyitivo, from the land of Hope."

"I'm Queen Isabela Castillo—Moffiet, from the kingdom of Felanza."

"Ano naman ang ginagawa ng mga Reyna rito?" malamig na tanong niya. "How did you discover our Kingdom?"

"We don't, my husband did," sagot ni Isabela. "I mean, mga tauhan niya. Sila ang nakakita ng lugar na 'to so I got curious and wanted to come here. Isinama ko na rin sila kasi hindi pwedeng ako lang mag-isa."

"You can do whatever you want in here, but don't do anything stupid if you still want your head in your body." Agad akong kinilabutan ng marinig 'yon.

"And once you leave, don't tell anyone about this kingdom. If you do, you will have to say goodbye to your own kingdom." Tumayo siya. "I'm going now."

Tumalikod siya at naglakad paalis pero naalala ko na hindi pa pala namin alam ang pangalan niya.

"Wait, what's your name, your Highness?" tanong ko.

Huminto siya. "Libitina, Libitina Kalliste," sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Libitina? Napakunot ang noo ko ng makita ang buntot na sumisilip sa suot nitong cloak. Oh, she's demi-human, ngayon ko lang din napansin ang tenga niya. She's mysterious, bakit kaya nakatakip ang mukha niya?


That Time I Got Reincarnated As A Fox. (Season 2) ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang