FEB-IBIG: 1- GOODBYE [KIMXI]

971 26 5
                                    

KIM'S POV

 FEBRUARY 14 - 10:00 A.M./CITY

Naku ha?

Manong Driver kanina ka pa! Pansin ko talaga pinapaikot-ikot mo lang ako dito eh. Kung alam ko lang talaga ang lugar na ito edi sana nag-jeep na lang ako. Kahit na hindi masyadong safe eh, nakatipid naman ako. Dusa talaga. Kasi naman biruin mo walang aircon ang taxi niya. Naka-wide open pa ang bintana para lang mahanginan ako. Kairita talaga.

Manong wala po akong balak na gawin kang tourist guide kung 3:50php ang patak ng metro mo. Argh! Kainis!

"Kuya, Hindi mo ba alam saan yung SM? Ikaw po ang taga-rito diba? Aba higit 30 minutes na po tayong paikot-ikot dito ah. Wag ka naman pong magpahalatang nangdedilehensya ka." argh! I am so pissed off!

Hindi niya ako sinagot o nilingon man lang, drive lang siya nang drive which pisses me off even more. Kung hindi lang siya ang nagmamaneho baka sinampal ko na ito.

Kahit na hindi niya ako nakikita inirapan ko siya. Nakakainis naman talaga. Kung kailan ka nagmamadali at may appointent ka don pa magkakaaberya.

Naku Kim, chill lang. Wag mong i-stress ang buhay mo sa nakaka-stress na bagay. Hmp! Ano ba yan! nalilito na ako. Kung sana kasi nagpasundio ako sa  mga mokong na yun edi sana Okay na diba? Nakarating na sana ako ng mall safe and sound. At sana hindi ako nababankrupt. Kung sana dito na lang ako sa lugar pinag-aral ni Mama nong college edi sana kabisado ko tong lugar na ito at hindi ako nawawala. Ang taas-taas kasi ng pangarap niya sa akin kaya yan tuloy.

Tumunog naman ang phone ko. Nong tinignan ko isag unregistered number.Napabuntong hininga na lang ako sa kamalasan ko. Oo nga pala paano ko malalaman kung sino tong tumatawag eh kakabili ko lang kahapon ng  phone at sim para sa bakasyon kong ito. Ayoko sanang sagutin for some reasons na baka si Ano na naman pero.. Sino ba ang niloloko ko at pinapaasa ko? Ang sarili ko? Natural hindi siya ang tatawag kasi kakarating ko lang galing Amerika at dalawang tao lang ang nakakaalam na andito na ako ngayon sa Pilipinas. So Talagang hindi siya ang tatawag sa akin. Malamang sila Maja to.

Oo malamang si Maja. Kasi siya yung kameet ko ngayon at ako ang taya ng Lunch. Baka nagutom na yun sa kakahintay.

Sagutin ko na lang nga.

"Hello Maja?" I paused a bit.

"Maja, sorry ha? Gutom na ba kayo? Sige umorder lang kayo. Mga 15 minutes andyan na ako. Sorry talaga. Ako nnga eh gutom na rin. Malamang kayo din Diyan. Siyempre eh, mas marami ata kayong alaga eh kaysa sa akin. Uggh! Kung hindi kasi ako nililigaw ng mamang to eh.. Edi sana kanina pa akong andyan at nauna pa sana ako sa inyo. Pasensya na talaga."

Walang sumagot.

Bakit kaya?

Baka hindi ako narinig.

Naman ang haba ng litanya ko tapos di lang para ako maririnig. Di bale na nga.. uulitin ko na lang..

"Hello? Maja?.. Narinig mo ba ako? Kasi itong si Mama--"

"Yes. I can hear you... It's me."

Naknang putragis naman oh! Bakit siya ang nasa kabilang linya? eh diba si Maja ang kausap ko kanina? Bakit naging lalake ang boses niya? O baka imagination ko lang.. Yan kasi kahit ano na ang iniisip ko kaya kung anu-ano na lang rin ang naririnig ko. Siyempre si Maja lang, eh siya lang naman may alam ng number ko't siya ang bumili mismo ng sim ko.

"Naku Maja.. Sorry natameme ako. Kasi akala ko iba yung tumatawag eh.. Siyempre ikaw lang naman ang tatawag diba? Kasi ikaw lang may--- alammm-- ng--" nanghina naman ako. Feeling ko iiyak ako. Bakit ba? Namimiss ko ba siya?

FEB-IBIG [ONE SHOT COLLECTION]Where stories live. Discover now