"yeah Sobrang mag kakilala Ma'am " nakangiting sagot ni Williams sabay lakad nito sa direksyon ko, sabay upo nito sa bakanteng upuan na nasa likuran ko' tila nagulat din ang iilang ka klase namin sa sinabi ni Williams at ngayon iba na ang mga tingin ng mga ito sakin diko naman ito pinansin. Nag simula na ang klase at medyo nakakapanibago lang dahil dati wala masyadong nakikinig sa klase at nag pre-presinta na sumagot ngayon halos lahat nag papakitang gilas sumagot sa klase na tila nag papatalinuhan ang mga ito nakaramdam naman ako ng may kumalabit sa likod ko' tiningnan ko naman ito si Williams

"Gisingin mo ako pag uwian na " nakangiting bulong nito sabay yuko sa mesa nito na tila matutulog napailing nalang ako dahil hanggang dito ganito pa rin ang gawa nito parati lang itong tulog sa mga klase namin dati pero kahit ganon siya lang naman ang top 1 sa buong klase.Inayos ko naman ang upo ko para matago ito sa likod ko ' hinayaan ko na lamang itong matulog may iilan namang pasimpleng kumukuha ng litrato kay Williams napakunot naman ang noo ko sa mga ito kinuha ko naman ang panyo ko sabay takip sa mukha nito.

"tsk nilalamig ang mukha mo" bulong ko dito sabay lagay ng panyo sa mukha nito di naman ito sumagot na tila tulog na ito narinig ko naman na tila may binubulong ang iilang kaklase ko pero diko naman ito pinansin.Nag patuloy lang ako sa pag susulat hanggang sa makarinig na kami ng bell hudyat na uwian na, umalis na rin ang teacher namin at iilang ka klase namin.

"Mauuna na ako sa inyo Cassandra may dadaanan pa kasi ako mag iingat ka sa pag uwi"nakangiting paalam sakin ni sarah nginitian ko naman ito sabay paalam din dito' humarap naman ako sa likuran at tiningnan si Williams na ngayon naka yuko pa rin dahan dahan ko namang inalis ang panyo ko sa mukha nito.

" Williams uwian na tara uwi na tayo" bulong ko dito , tila nagising ko naman ito dahan dahan naman itong nagising sabay ayos ng upo nito halatang ka gigising lang nito dahil namumula pa ang mata nito.

"Tara na" pag aalok ko dito

"kanina pa ba uwian??" inaantok na tanong nito sabay sabit ng bag nito sa balikat nito sabay tayo.

"hindi kaka bell lang" natatawang sagot ko dito nag lakad na rin kami palabas nitong building at napakunot naman ang noo ko makita ang groupo nila Laura nakatayo ang mga ito sa di kalayuan at masamang nakatingin sakin napahinto naman ako sa pag lalakad at tila na pansin din ito ni Williams kung kayat napahinto rin ito sa pag lalakad.

Napatingin naman ako sa groupo nila Laura na ngayon nag lalakad papunta sa direksyon namin maya maya pa ayy naramdaman ko ang kamay ni Williams na hinawakan ang kamay ko .

"Nasa parking lot pala ang Motor ko tara hatid na kita" sagot nito sabay hila sakin palayo sa groupo nila Laura' napangiti naman ako sa ginawa nito.

" Dala mo ba ang motor?" takang tanong ko dito.

" yeah yun gamit ko kanina papunta dito" nakangiting sagot nito nakarating na rin kami ng parking lot' Nakita ko naman sa di kalayuan ang mga kambal ko at ang iilang School officers namin at isa na din dun si Tucker nag lakad naman ang mga ito sa direksyon namin.

" Evan!!! is that you??"di makapaniwalang tanong ni Calleb dito sabay lapit kay Williams at yakap din dito .

" ikaw nga!" nakangiting bati ni Conan.

"long time no see Will" nakangiting bati naman ni Connell dito.

"it's been a long time haha" nakangiting bati ni Williams sa mga ito.

"Wait mag kakilala kayo??" takang tanong ng mga kasama nitong officers sa mga kambal ko.

" yeahh Williams is our bestfriend since grade school also Cassandra " nakangiting pag papaliwanag ni Calleb sa mga ito tila nagulat naman ang mga ito sa sinabi ni Calleb.

" So?? pauwi na ba kayo?? " tanong ni Connell sa amin.

"uhm 0o ihahatid ko si Ssandra pa uwi" nakangiting sagot ni Williams dito tumingin naman sakin ang mga kambal sabay ngiti ng mga ito.

"oh okay'ingat kayo sa pag uwi" nakangiting sagot ni Calleb.

"sige kayo din'dumalaw rin kayo sa bahay minsan tagal na din nating di nag sasama-sama" nakangiting sagot ni Williams sa mga kambal ko.

" Sure walang problema" nakangiting sagot ni Conan dito nag lakad na rin kami papunta sa motor nito kinuha naman nito ang isang helmet nito sabay bigay sakin.

" haha parati ka nalang may reserba,yung totoo sino sinong??mga babae ang sinasakay mo dito??" natatawang tanong ko dito sabay tingin sa helmet nito natawa naman ito sa sinabi ko sabay harap sakin at kinuha ang helmet na hawak ko.

" tsk inaasar mo ba ako Ssandra?? haha alam mo namang parati akong may reserbang helmet" natatawang sagot nito sabay suot ng helmet sakin.

"Ayan sayong helmet yan!" natatawang sagot nito sabay baba ng salamin ko natawa nalang ako sa sinabi nito.Sumakay na ito sa motor nito at buti nalang naka P.E uniform ako at makakaupo ako ng maayos sa motor nito .

" Kumapit ka ng mabuti Ssandra" rinig ko na bulong nito kumapit naman ako sa bewang nito sabay maneho nito tiningnan ko naman ang mga kambal ko at pasimple namang kumaway sa amin ang mga ito ' nahagip naman ang tingin ko kay Tucker na ngayon seryoso itong nakatingin sa amin napailing nalang ako sabay kapit ng mahigpit kay Williams at kasabay din nito ang pag harorot ng motor nito palabas ng Academy.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now