SALAMAT! PAALAM!

0 0 0
                                    

Ito na! Oo ito na talaga!
Ito na ang pinakahihintay nating dalawa!
Ito na dahil palalayain na kita!

Sa wakas! Ako'y iyong minulat
Sa presensyang mong nakakagulat
Kaya eto ako ngayon para magsulat

Ako'y susulat upang maglahad
Ng storya nating hindi natin hinangad
Pero tadhana'y naglaro at ito ang kanyang pambungad

Nagsimula sa gulo
Hanggang sa ako'y nahulog sayo
At nabilog mo ang aking ulo

Unti-unting nagkakalabuan
Kaya ako'y tuluyan ng lumisan
At nagpunta kung saan

Pero ngayon ko lang natagpuan
Ang sariling minsan kung iniwan
Dahil sa panandaliang kasiyahan

Nakakatawang salaysayin
Nakakapukaw ng damdamin
At nakakagulo isipin

Ngayon ika'y tuluyan ng bibitawan
Dalawa ang aral mong hindi maalis sa katawan
Na naging dulot ng aking katuwaan

Salamat sa binigay mong ala-ala
Ako'y tunay na naging masaya
Sa mga sandaling ika'y aking nakasama

Paalam kahit ika'y matagal ng lumisan
Pero hindi ka agad malimutan
At nganon lang natauhan

Patawad dahil ako'y natagalan
Hindi ko rin kasi maiwasan
Pero ngayon, ako'y tuluyan ng mamaalam



TULA (STORYA MO, KWENTO KO )Where stories live. Discover now