HULING TINTA NG ATING KWENTO

1 0 0
                                    

Huling hawak sa aking panulat
Ating kwento ay aking isusulat
Dahil nais ko ng wakasan
Ang bigat at balakid sa aking puso't isipan

Isip ay sobrang gulo
Mukha mo'y sumasagi minu-minuto
Kinuha ang papel upang ilahad ang ating kwento
Kung paano nga ba nagsimula ang ikaw at ako

Simulan natin sa magandang salaysayin
Kung kelan unang nasilayan ko ang ngiti mong nagpukaw saking damdamin
Sumugal kahit tayo'y suntok sa buwan
Isinantabi ang payo ng kaibigan

Nagtuloy sa pansariling kahibangan
Buwan ang lumipas bago tayo matauhan
Na ang ating nasimulan ay kailangan ng wakasan
Dahil sa kabila ng masayang mukha, damdamin ay luhaan

Ako'y humiga sa aking higaan, iniisip ang ating nakaraan
Kay tagal narin pala ang nagdaan
Ika'y laman parin ng aking isipan
Larawan mo'y pilit tinititigan, at nakaraan natin ay aking binabalikan

Bakas ng alaala mo ay patuloy na nakatatak
Tila pawis na tumatagaktak
Nais ko mang ihinto ang aking paglalahad, dahil isip ko ay gusto nang imulat
Ngunit ang agos ng tinta ko'y patuloy na umuusad upang ituloy ang aking pagsusulat

Hanggang sa tinta ko ay tuluyan ng nanghina
Sinisigaw neto'y ubos ang mabulaklak nating kabanata
Siguro nga'y dapat ko ng wakasan
Hindi ko narin naman alam kung paano pa dudugtungan

Hindi narin naman maaayos ang buhol na tali
Hindi narin mauubos ang ulan dahil wala ng bahag-hari
Hindi narin masalinan ang putol-putol kong tinta; at
Hindi parin tumitigil ang sakit na ating iniinda

Tila ang tula ay nagsilbing tala
Sa isang-libong pahina na syang huling kabanata
Mga sayaw na naging suway
Sa mga ayaw natin na nauwi sa away

Ito na ang huling tinta na aking ipipinta
Kinabukasan ay iaasa nalang kay Bathala
Tuluyan ng tapusin ang paglalahad
Na parang rosas na hindi na mamumukadkad

Sa huling salita, gusto kong himingi ng tawad
Patawad dahil ako'y naglayag
Ngunit pangako, ika'y mananatili sa puso
Kahit ito na ang "Huling Tinta ng ating kwento"

TULA (STORYA MO, KWENTO KO )Where stories live. Discover now