PINAGTAGPO NGUNIT PINAGLARO

1 0 0
                                    

Akala ko okay tayo
Akala ko masaya tayo
Akala ko mahal mo ko
Mahal mo nga ba talaga ako? Diba yun ang sinabi mo?
Kaya yun rin ang pinaniwalaan ko

Ang sabi mo ay tayo magpakailanman.
Walang iwanan, pero ba't mo'ko iniwan?
Walang bibitaw, pero ba't mo'ko biglang binitawan?
Walang susuko, pero ba't mo'ko sinukuan?
Ba't ka umalis ng hindi man lang nagpaalam?

Ano na nga bang nangyare sa ating dalawa?
Ba't tila ka nag-iba? O mayroon ka ng iba?
Bumilis ang oras at ikaw ngayong kapiling na nya
Ikaw ay napunta na sa iba
Wala akong magawa para sa ating dalawa.
Dahil kusa kang sumama sa kanya

Hinayaan ang takbo ng ikot ng mundo.
Hanggang humantong Tayo sa kung saan nagbago ka ng husto
Anong nangyare sa salitang TAYO?
Nasaan na ang sinasabi nating IKAW at AKO?
Bakit nawala ang "IKAW" at ang natira na lamang ay "AKO" ?

Tayo na pinagtagpo pero bat tila tayo'y pinaglaro?
Pinagtagpo at ngayo'y pinaglayo
Ay mali! kasi kusa kang lumayo
Lumayo at dinurog ang puso

Pero kahit ganun pa man, Salamat!
Salamat kasi naging masaya ako
Salamat kasi nakilala ko ang tulad mo
Salamat kasi naiparamdam mo na minahal mo rin ako

Pero gaya ng ibang pinana ni kupido, Tayo'y hindi umabot hanggang dulo.
Mali pala kasi ang dapat nyang tamaan neto
Dahil hindi pa sya nakapagpatingin sa EO

PINAGLARO nya lang tayo
Sa isang iglap, ika'y biglang nagbago,
Nagbago na ang Ikaw at Ako
Hanggang sa nating na natin ang dulo
Kung saan nagtapos na tayo

Ang dulo na mayroong Dalawang Daan
Daanan na nagpapahiwatig na kailangan na nating lisanan
At ang daan kung saan kailangan na nating kalimutan
Kailangang tanggapin na mawawala na ang salitang TAYO.
Dahil tapos narin naman ang kwento.
At Mahal, Tapos na tayo.

Kaya tatapusin ko na rin to
Sa mga katagang "Mahal kita pero wala nang tayo.
Minahal kita kahit na ika'y nagbago
At mamahalin parin kita hanggang sa dulo ng buhay ko.
At palalayain na kita dahil alam ko
Na tayo ay "PINAGTAGPO NGUNIT PINAGLARO."

TULA (STORYA MO, KWENTO KO )Where stories live. Discover now