Prologue

18.3K 343 31
                                    

Malakas ang kulog at ang kidlat sa buong San Sebastian ngayon. Sinasabayan pa ito ng malakas na ulan na para bang galit na galit ang panahon sa gabing ito.

Umuwi ang mga kasama kong sakristan at tanging ako at si Abel lang ang permanenteng tumitira sa kumbento kasama ng pari.

Alas syete na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Padre Tiago, nag-aalala na rin kasi kami para sa kura-paroko dahil malakas ang ulan, baka na-stranded na siya sa kung saan man.

Sa paghihintay namin ay nagkanya-kanya na lang kami ni Abel ng pag-aabangan. Ako sa likurang bahagi ng kumbento at siya naman ay sa harapan ng simbahan.

Kababalik ko pa lang kasi sa kumbento at hindi ko pa masyadong nakakasalamuha ang bagong kura-paroko. Hinatid ko kasi si Padre Vincent, ang siyang nagpapaaral sa akin dati sa kanyang bagong lugar bilang kura-paroko.

Ayon kay Padre Vincent, mabait daw ang bago naming kura-paroko at naikwento na rin niya dito ang aking buhay kaya't ayon sa huli ay aalagaan at pag-aaralin din daw ako.

Kaya naman ngayon ay panay ang aking pag-aasikaso sa buong kumbento kasama ni Abel na pinag-aaral din ng isang paring katoliko na nakadestino sa ibang lugar.

Madilim na ang kapaligiran at ngayon ay nag-brownout pa. Kaya naman minadali kong kunin ang ilawan sa kusina at saka iyon sinindihan.

Biglang kumulog at kumidlat kaya naman nagulat ako sa lakas niyon.

"Ayyy naku, nakakagulat." Hinawakan ko ang aking dibdib saka ako huminga ng malalim bago ako naglakad palapit sa pintuan.

Habang nag-aabang ako ay naalala ko ang pasilyo papasok sa kwarto ni Padre Tiago. Walang ilaw doon, ngunit mayroong mga kandila na nakapatong sa bawat lamesita sa gilid na maaaring sindihan upang sa ganoon ay mailawan ang mahabang pasilyo. Sa dulo niyon ay ang kwarto ng kura-paroko.

Nagsisindi na ako ng maraming kandila nang bigla kong marinig ang mga yabag mula sa dulo ng pasilyo. Galing iyon sa sapatos ng kung sino man at dahil mataas ang bubongan at mahaba ang pasilyo ay maririnig ang lahat ng nagaganap dito.

Napalingon ako at mula sa dulo ay natanaw ko ang bagong kura-paroko.

Hindi ko nakikita ang kanyang mukha dahil madilim, mula sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang kanyang paanan, ang itim niyang robe at ang kanyang sapatos.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit at sa ganoong dahilan ay hindi ko agad alam ang gagawin ko.

"Sasalubungin ko ba siya?" tanong ko sa sarili ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang dahil doon kaya naman inayos ko ang sarili ko.

Nakakalahati na siya ng lakad at kalahating parte na rin ng katawan niya ang nakikita ko.

Matangkad siya at mukhang malaking lalaki. Kaya't alam kong medyo bata pa ang bagong kura-paroko namin sa San Sebastian.

Hanggang sa makalapit na nga siya at saka ko nasilayan ang gwapo niyang mukha.

Sa tingin ko ay nasa 5'11 ang tangkad niya. Sa kanyang pigura ay para siyang daddy kung tutuusin, ngunit iyong maskuladong daddy. So, baka nasa 40s na rin siya ngayon. Ang sexy ng kanyang mga mata, matangos ang ilong, manipis at mapula ang mga labi niya at tumutubo na ang kanyang mga balbas at bigote na parang limang araw nang hindi naaahitan.

Ngunit napailing na lang ako nang maisip ang mga bagay na iyon dahil hindi ko dapat inilalagay sa utak ko ang mga bagay na iyon. Pari siya at hindi dapat pag-isipan ng ganito.

Hindi pa man malinaw sa akin ang tunay kong pagkatao maging ang aking kasarian at ang aking mga gusto ngunit sa aking pakiramdam ay mayroon akong nararamdaman na kakaiba sa mga kapareho kong lalaki. Mahirap maipaliwanag ngunit ito talaga ang nararamdaman ko.

PADRE TIAGO - RATED SPGWhere stories live. Discover now