Kabanata III

11 2 1
                                    

I was in daze after seeing the adonis that's standing right in front of me. But it was only for a few seconds. My mind gained consciousness when he took a step forward.

As much as I want to feast on his godlike face, I still have to defend myself. Gwapo nga pero alanganin at baka tauhan siya ni Balgon.

Mas mabuting kaligtasan muna bago ang harot.

"Huwag kang lumapit!" Itinutok ko ang talim ng bolo sa kaniya dahilan upang itutok rin sa akin ng iba niyang mga kasamahan ang kanilang mga bolo at sibat.

F*ck it! One against many is not so fair.

"Sandali lang! Kumalma muna kayong lahat, lalo ka na, Binibini. May malaking sugat ka sa iyong braso at natitiyak ko na mapupurohan ka sa sandaling gumalaw ka pa." Nakataas ang dalawa niyang kamay, nagpapahiwatig na hindi siya lalaban.

Inutusan niya rin ang kaniyang mga kasamahan na ibaba ang kanilang sandata.

Hindi ko pa rin binaba ang akin. Matalim ang titig ko sa kanila kahit gustong-gusto ng tumulo ng mga luha ko dahil sa hapdi na dala ng mga pawis ko sa malaki kong sugat.

"Maniwala ka, Binibini, wala akong balak na saktan ka. Nais lang naman kitang tulongan." Mas lalong pumungay ang kaniyang mga mata.

"Paano ko masisiguro na---"

"Binibing Therine!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makitang tumakbo mula sa likuran ng isang lalaki si Delmira. Her eyes flashed the mix of worry and relief while she ran towards me.

Mahigpit ang kaniyang naging yakap niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko habang binabalik sa kaniya ang mahigpit niyang yakap. 'Salamat sa itaas at ligtas siya.'

"Mabuti naman at hindi ka napahamak ,Binibining Therine. Sobrang nag-aalala ako sa iyo at akala ko'y kung ano na ang nangyari sa'yo."

"Tahan na, Delmira." Ani ko sa mababang boses. "Hindi kanais na nais sa isang prinsesa ang umiiyak."

"Opo," bumitaw siya sa yakap at hinarap ang gwapong lalaki kanina. "Maraming salamat din po at natagpuan mo si Binibining Therine, Ginoo."

"Kilala mo siya, Delmira?"

"Opo, siya si Ginoong Alvaro. Nakita ko pa siyang nangangaso kaya siya na lang ang nilapitan ko. Nagbabakasakaling mailigtas kaniya mula sa masamang lalaki. Hindi po ba at ginawa niya 'yon?"

Nagkatinginan kami ni Alvaro dahil alam namin sa aming mga sarili kung ano ang tunay na nangyari. Wala sa amin ang nais na sumagot sa tanong ni Delmira dahil sino ba naman mag-aakala na kinaya ng isang babae ang paslangin ang malahalimaw na lalaki?

Not on this century.

"Ang mas mabuti pa, Delmira, ay gamutin na natin si Binibining Therine at mukhang malalim ang sugat na kaniyang natamo." Pag-iiba ni Alvaro ng usapan.

Looks like men will always be men. Ego's will always be triggered.

"Masusunod po, Ginoo," Sagot ni Delmira. Tiningnan naman ako ng dalawa kaya wala akong pagpipilian at umoo na lang.

Tumayo ng matuwid kaming dalawa ni Delmira at narinig ko ang utos ni Alvaro sa isa sa nga kasamahan niya.

"Tawagin niyo si Ka Juan, sabihin niyong may isang binibining sugatan dito."

"Masusunod po, Ginoong Alvaro." Pumugay ang kaniyang inutusan, which makes me wonder kung sino ba talaga siya.

"ARAY! Dahan-dahan lang po, Ka Juan. Masyadong mahapdi ang nilalagay mong gamot."

Lahat kami ay nakaupon sa ilalim ng malaking punong Narra, nagtatago sa mga anino nito mula sa haring araw. Hindi iniwan ni Delmira ang tabi ko habang ginagamot ni Ka Juan ang sugat ko, habang nag-uusap naman sina Alvaro at iba niyang kasamahan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Time Traveled for EqualityWhere stories live. Discover now