Kabanata II

11 3 0
                                    

"BUKOD sa iyo, may iba pa bang nakatakas mula sa kanila?" I redirected the topic. I felt so guilty na ako ang dahilan ng walang tigil na panginginig ni Delmira.

Umiling siya, "Tanging ako lamang ang nakaalis mula sa kanila. Umaasa sila na magtatagumpay ako sa misyong binigay nila at hindi masasayang ang mga sakripisyong ginawa nila upang makaalis ako sa impyernong iyon."

I looked at her with a questioning look. I sensed that Delmira will grow up as a smart lady. Alam niya kung anong tingin ang binibigay sa kaniya dahil kaagad siyang nagsalita tungkol sa ibinigay sa kaniyang misyon.

"Isang Datu po ang aking ama. Siya ang pinuno ng mga tribo sa silangang parte ng Visayas. Si Datu Kultis." Kung ganoon ay isang binukot si Delmira. Kaya pala medyo mahinhin siya sa bawat paggalaw niya at kahit na rin sa pananalita.

Nanatili lang akong tahimik para maipagpatuloy niya ang kaniyang mga sasabihin.

"Bago patayin ni Datu Balgon ang aking ama ay nakapag-usap pa kami, kasama ang iba sa mga nasasakupan ng aming tribo. Ang sabi ni Ama ay kailangan ko raw puntahan si Datu Atul, ang pinuno ng tribu sa silangan upang bigyang babala sa pananakop ng mga tampalasan. At kung mangyari ay tulungan sana ni Datu Atul ang mga bihag at ibaba mula sa kaniyang trono si Datu Balgon."

So this means...

"Sa Silangan ka papatungo ngayon?" Tumango si Delmira. "Maaari ba akong sumama sa iyong paglalakbay papunta sa silangan?" Maybe this is my chance to prove myself and of course my chance for food and water.

"Kung hindi po iyon makakabala sa inyo, Binibining Therine."

"Hindi naman ako maabala sa pagsama sa iyo."

"Pero paano kung hahanapin ka ng iyong ka-tribu?"

"Ah...eh..." Napakamot ako ng ulo ko. "Wala akong tribu eh."

"Ha! Paano nangyari iyon? Hindi maaari na wala kang tribu, lalo na't sa gitna ka nga malawak na gubat gumagala-gala."

"Wala akong maalala eh. Kaya sasamahan na lang kita. At isa pa, mapanganib sa iyo na maglakbay na walang kasama na matanda. Masyadong mapanganib at may sugat ka pa." Pagdadahilan ko para lang huwag na niyang kwestyonin kung paano ako napadpad dito.

Isang masayang ngiti ang sumilay sa labi ni Delmira bago niya hinahawakan ang kamay ko. "Kung ganoon, Binibining Therine, ay magsimula na tayo sa paglalakad. Batid ko, aabutin tayo ng ilang araw bago tayo makarating sa Tribu Silangan."

Kahit ako ay napangiti at hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Delmira. I'm starting to admire this girl for her bravery even though she's still young.

The one that I wish the world would see.

MABABA ang araw sa mga oras na ito kaya naman, hindi gaano kainit para sa amin ni Delmira na maglakad.

Mukhang hindi sanay na maglakad ng mahaba si Delmira dahil kalahating oras pa lang ay nagrereklamo na ito na napapagod na ito.

Which makes me wonder kung ilang araw ba siyang naglalakad magmula no'ng makaalis siya sa kulungan.

"Hindi ko na talagang kaya maglakad, Binibining Therine." Reklamo ni Delmira habang nakasandal sa malaking puno ng mangrove. Umiiling-iling ito habang pinapaypayan ang sarili gamit ng dahon ng anahaw na nakita namin kanina sa daanan.

"Kung hahayaan mo ako ay nais kitang buhatin. Aabutin tayo ng ilang araw kung patigil-tigil na lang tayo palagi."

Umiling siya para sabihing ayaw niya. That's it! Kung matigas ang ulo niya ay mas matigas naman ang ulo ko.

"Binibining Therine, ibaba mo ako!" Pinaghahampas niya ang dibdib ko pero hindi ko siya pinapakinggan. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit nasasaktan sa ginagawa niya, hanggang sa narinig ko na lamang ang mahina niyang hilik.

Time Traveled for EqualityWhere stories live. Discover now