Chapter 13

4.3K 280 2
                                    

Kasalukuyan kaming nakasakay sa Private plane ni Daddy at nakatingin lang ako sa mga ulap habang may kausap naman si Daddy sa cellphone.

Babalik na kami sa England at sana nga ay makatulong iyon para mabago ko ng tuluyan ang hinaharap ni Aleixis.

Napatingin naman ako sa kabilang bahagi ng eroplano at natagpuan si Aleixis doon na natutulog ngunit walang kahit anong bagay na sumusuporta sa leeg niya kaya naman kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at dahan dahang lumapit sa kanya saka dahan dahang inilagay ang unan sa ulo niya saka bumalik sa pagkakaupo.

‘I hope that I can really change your fate Aleixis’

Nakatulog na rin ako sa byahe at sa pagmulat ng mata ko at isang pink na kisame na ang bumungad sa akin at naalalang ito ang kisame ng kwarto ko. Dahan dahan akong bumangon at tinignan ang paligid.

Malaking kama at kinalalagyan ko at mala prinsesa ang disensyo. May book shelf sa tabi ng kama at may lamp.

Merong malaking sofa sa gilud, may malaking Tv sa harap at may mga iba’t ibang Cd doon.

Sa gilid ng kwarto ay may malaking teddy bear at maliit na mesa na tamang tama lang sa laki ko at may mga papel doon at ballpen.

Meron ding dalawang pintuan. Pinasok ko ang isa at iyon ay isang Cr at ang kabila naman ay Dressing room.

Maraming damit at mga gamit ngunit iilan lang ang nagagamit ng dating Stella lalo na at mas komplikado siyang bata kesa sa akin.

Lumabas na ako ng kwarto at kasabay noon ay ang pagbukas ng kwartong nasa tapat.

Si Aleixis ang lumabas doon at nagkatitigan kami. Hindi pa kami nakakapag usap ng masinsinan mula ng isama ko siya pauwi.

Nginitian ko siya at kinuha ang kamay niya saka siya hinila pababa, hindi naman siya umangal kaya lalo akong napangiti.

Masasabi kong napakayaman ni Daddy dahil lahat ng gamit ay mukhang mamahalin at lahat ng bagay ay kumikislap.

Bumaba naman kami ng hagdanan at nadadaanan namin ang mga picture namin hanggang sa makita ko ang Mommy ni Stella, napakaganda niya.

Naagaw naman ang pansin ko ng may lumapit na babae. Maganda ang suot niya ngunit halatang halata ang make up na meron siya sa mukha niya.

Sino siya?

Pinagmasdan ko ng mabuti ang babae hanggang sa pumasok sa isip ko ang mga pangyayari kasama ang babaeng ito.

Hindi na naiwasan ang paglabas ng tunay kong emosyon, malamig at madilim.

Ang babaeng ito ay si Siella, isa sa mga katulong dito sa bahay ngunit umaastang asawa ni Daddy dahil pinapaboran siya ni Daddy dahil kinupkop siya ni Mommy noon pero may gusto talaga siya kay Daddy at sinasaktan ang dating Stella.

“ Stella, how are you? ” Tanong nito kasabay ng isang ngiti sa labi niya ngunit hindi ko siya pinansin at naglakad palayo hila hila si Aleixis.

Nang tuluyan na kaming makaalis ay tumingin ako pabalik at tinignan si Aleixis na nakatingin din sa akin.

Paano kung saktan din niya si Aleixis? Dapat akong gumawa ng paraan para mapaalis ang babaeng iyon pero maniniwala ba si Daddy?

Napatingin ako kay Aleixis at hinawakan ng maigi ang mga kamay niya bago huminga ng malalim.

“ S-s-she’s b-b-bad. Y-you… a-avoid h-her. K-kay? ” Saad ko at tinitigan siya ng mabuti.

Saka lang ako nakahinga ng maluwag ng tumango siya. Nginitian ko siya at muling hinala siya palakad.

‘I will protect you Aleixis’

Mr. Villain, I Love You 🌟Where stories live. Discover now