01: 18th Birthday

58 17 9
                                    

They say that turning 18 officially marks the end of childhood.

It means you are a grown-up person ready to make decisions and take responsibility for your own life.

Eighteenth birthdays are a grand celebration, called "The Debut".

Girls at my age, they are so focused on organizing their special day. Kailangan maayos ang lahat ng detalye ng mismong event. Mula sa damit na gagamitin nila, sa pagkain na hihahanda nila, sa venue kung saan gaganapin, sa mga bisita naiimbitahan, sa mga representative sa 18 roses at 18 candles hanggang sa thema ng mismo debut.

Magarbo at magastos.

Ako, ang gusto ko lang naman ay simpleng handaan lamang dahil simpleng tao ako. Ayoko ng magarbo masyado dahil gastos lang iyun. Tinanong ako ng nanay ko kung ano ba ang gusto ko para sa nalalapit kong birthday. Sabi ko kahit simpleng salo-salo lang para sa aking espesyal na araw ko.

Kahit simple lang, masaya na ako. Dahil doon pinaghandaan namin ang birthday ko. Si mama ay naghanda ng mga simpleng putahe kagaya ng spaghetti, mga lutong bahay na paborito ko at ang favorite ko na chocolate cake. Ako rin mismo naglagay ng mga designs nakapalibot sa bahay namin. Naglagay lang ako ng mga balloons na may tali. Sa tali na iyun, nakadikit ang mga ilang litrato ko simula pagkabata hanggang ngayon.

Pagkatapos namin ayusin ang lahat, excited na ako icelebrate ang birthday ko.

Nagbihis na rin ako. Suot ko ngayon ang isa sa paboritong kong red dress. Simple lang ang kaniyang disesnyo.

Naimbitahan ko din ang mga taong malalapit sa akin at mga ilang kaklase ko. Mga iba hindi daw sigurado na makakapunta habang ang iba din ay makakapunta at hahabol daw.

Nagsimula na ang celebration ng birthday ko. Kinantahan na nila ako ng "Happy birthday" song at nablow ko narin ang candle ng birthday cake ko. Nag-imbita din si nanay ng mga ilang bisita. Mga ilang kamag anak namin at malalapit na kaibigan at kapitbahay ni nanay. Lahat sila ay binati nila ako ng maligayang kaarawan.

Ilang oras na lumipas, hindi parin dumarating ang mga inaasahan ko na bisita. Kinukulit narin ako ni nanay ko kung nasaan na daw ang mga bisita ko. Tinext ko ulit sila tinanong ko nasaan na daw sila. Ganoon parin ang sagot nila hahabol daw sila. Dinoble check ko din ang nasend kong address namin sa gc namin. Baka kasi maling address na nabigay ko kaya naligaw sila.

Wala na akong magawa kundi maghintay.

Lumipas ulit ng ilang oras, wala parin sila.

Hanggang sa malapit na lumubog ang araw, hindi na sila dumating.

Umasa lang ako sa wala. Pinaasa lang nila ako na darating sila.

Simula non, hindi na ako naghahanda sa birthday ko. Kumakain nalang kami ng pamilya ko sa labas. Sa ganoong paraan nalang namin cine-celebrate ang birthday ko. Masaya naman ako basta kasama ko ang pamilya ko. Ayun na ang importante sakin.

Natutunan ko din na wag masyado mag-expect sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Masakit na umasa sa wala.

Wakas

The Untold TalesWhere stories live. Discover now