Tumango-tango naman ako sa kaniyang sagot. Biglaan na lang tuloy akong nakaramdam ng guilt nang maisip na iniwan namin kagabi sina Maia at Nica nang walang masasakyan.

Mali ata talaga ang desisyon kong magpasundo pa kay Jake. Naging dahilan pa ng aming away tapos iniwan ko pa ang dalawa kong kaibigan.

"Paano mo naman naging kaibigan si Nica? Parang mas close ka sa kaniya kaysa kay Imo kasi siya ang binanggit mo kaninang kaibigan mo na kaibigan ko rin," nagtataka kong tanong.

"You noticed that?" tanong niya. Nang tumingin ako sa kaniyang gawi ay nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay sa akin. "I asked for Nica's number from Imo."

Kumunot ang aking noo kasabay ng pagtigil ko mula sa paglalakad. Nakatingin pa rin ako dito habang gulong-gulo sa kaniyang sagot.

Hiningi niya ang number ni Nica kay Imo... Binigay ni Imo ang number ni Nica kay Hugh. Tapos, may kinikwento na sa akin si Nica kanina na may nakalandian siya kahapon sa bar.

Shit! Siya na ba 'to? Siya na ba ang kalandian na lalaki ng aking mala-anghel na kaibigan?

Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng aking pagsinghap nang makonekta ko lahat ng sinabi nila sa akin.

"Ikaw 'yon?" medyo napalakas pa ang aking boses nang itanong ko 'yon sa kaniya.

Napatigil ito sa paglalakad at tumingin pabalik sa akin. He placed both of his hands inside the pockets of his maong jacket as a small smile slowly crept onto his lips.

"Nica told you about me?" tanong niya pabalik. Agad akong napatango bilang sagot. "Well... Yeah, I guess I'm the person she was talking about."

Mas lalo lamang nanlaki ang aking mga mata nang i-confirm niyang siya nga 'yon. Lumawak ang ngiti na nakapaskil sa aking mga labi kasabay ng mabilis kong paglapit dito.

"Gagi, nagkita daw kayo kanina? Ano? Paano lumandi yung kaibigan ko? Okay na ba? Hindi na ba parang tuod?" sunod-sunod kong tanong.

I remember Nica telling me that she will meet with someone after work. Baka siya na 'to? Hindi, siya na talaga 'to! Sure ako.

Narinig ko ang pagtawa nito kasabay ng kaniyang pag-iling.

"Is she really that bad at dating that even you, her friend, doubts her dating skills?" natatawa niyang tanong, parang curious na curious sa paraan ng pag-dadate ni Nica.

I scoffed as I started to walk again. "Grabe, hindi naman! Gusto ko lang malaman kung aabot ka ba sa standards ni Nica. I mean, mukha ka namang mabait," I paused in the middle of my sentence and once again looked back at him.

Pinaningkitan ko ito ng mata kasabay ng unti-unting paggala ng aking tingin sa kaniyang buong katawan. My eyes went from his feet up to his head.

Matangkad naman siya. Ngayong naka-rubber shoes lamang ako, halos hanggang tainga niya ako. Hindi rin siya ganoon kapayat. He looked more muscle-y than the average looking guys that I've met. Mukha siyang nag-wowork out eh.

Nang dumapo ang aking mata sa kaniyang dibdib ay agad kong nakumpirma ang aking iniisip. Nag-wowork out nga 'to. Just from looking at his chest, alam na.

Sobrang linis din niyang tignan. Mabango rin, na tipong kapag humangin ay maaamoy ko talaga ang kaniyang pabango.

Tapos... ganoon pa rin naman ang mukha niya. Kulay silver na buhok, matangos na ilong, may pagkamaliit na mga mata, at mapula-pulang labi.

Tumango-tango ako at saka iniiwas ang aking tingin sa kaniya. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang hindi pa rin tinutuloy ang aking naputol na sinabi kanina.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now