" Ms. Walker your 25 mins late, wala kapang suot na I.D at mismong sa iligal kapa dumaan " seryosong panenermon nito sakin sabay turo sa pader kung saan ako dumaan napa yuko naman ako sabay kamot sa ulo ' tsk mukhang wala na akong kawala dito.

" sumama ka sakin" seryosong sagot nito sabay lakad nito ' akmang tatakbo na sana ako ng bigla itong humarap sakin sabay tingin ng masama nito.

"and you running away huh??" di makapaniwalang sagot nito sabay lakad mukhang napapadami ata ang violations ko kaya wala na rin akong nagawa kundi sumunod nalang dito.

Nakarating na kami sa office nito' di nako nag antay na sabihan ako nitong umupo kayat kusa na akong umupo sa sofa nito ' tiningnan naman ako nito ng masama sabay baba nito sa pusa at lakad papunta sa mesa nito.

Inikot ko naman ang paningin ko at ito nga yung kwartong unang pinasukan ko nung unang araw ko,maya maya pa ay may naramdaman naman akong tila kumakalabit sa paa ko agad ko naman itong tiningnan abahh .

" ikaw" bulong ko dito sabay buhat sa munting pusang ito.

"nakuha mo pa talagang lumapit sakin" inis na bulong ko dito sabay pisil sa ilong nito napa bahing naman ito na tila napa diin ang pisil ko' sorry ming ming kanina pa ako nang gigigil sayo nako kung di ka lang cute kanina pa kita ginawang meryenda hayss.Maya maya pa ayy naka rinig ako ng tikim agad ko naman ito tiningnan si Tucker at seryoso itong naka tingin sa akin, sabay abot nito ng papel agad ko namang binaba si ming ming at takang kunaha ito, nanlaki naman ang mata ko na makita ito.

"Seryoso kaba???" wala sa sariling tanong ko dito sabay tayo.

" what? " takang tanong nito na tila di alam kung ano ang ibig kong sabihin,

"Violations 1,Violations 2,Violations 3??? Tucker t-atlo??" di makapaniwalang tanong ko dito pano ba naman tatlong Violations kuno ang nilabag ko una ay ang di pag suot ko ng I.D pangalawa ay ang pag daan ko sa iligal na daanan at pangatlo ay ang ilang minutong late ko sa klase napailing nalang ako sabay tingin ng masama dito.

"yeahh 3 Violations and 3 days suspended" seryosong sagot nito mag sasalita pa sana ako ng biglang talikod nito sabay buhat kay ming ming at labas nito ng kwarto napailing nalang ako sa sinabi nito sabay upo, nasisiraan na bah siya?? 3 days suspended?

................................

Nandito ako ngayon sa pool area kung saan ang unang araw ko,suspended ako ng tatlong araw at gawa yun ng mga nilabag ko na rules hayss napailing nalang ako' buti nalang at may kasama ako pero dalawang araw lang itong suspended dahil sa late din ito at nahuli rin ito na natutulog sa library' Mukhang ang higpit nga ng lalaking yun pag dating sa mga rules dito sa Academy tsk.Agad ko naman kinuha ang mop at nag simula ng mag mop dito sa loob ng locker room nitong pool area. Medyo malinis naman ang buong gym dahil may mga tagalinis din dito at iilan lang ang gumagamit ng pool area. Inayos ko na rin ang iilang towel na nandito at mga iilang gamit' pag katapos ay lumabas na rin ako at nag simula na ring mag mop nitong hallway nitong pool area' maya maya pa ayy may narinig akong ingay sa likuran ko.

"look?? who's here haha" natatawang sagot ng mga ito sabay turo sakin.

" Akalain mo yun dito pa ulit tayo mag kikita" natatawang biro nito, diko naman ito pinansin sa halip ay nag patuloy lang ako sa pag mop at di na nag abala pang tingnan ang mga ito.

"kinakausap kita wag kang bastos"sigaw nito sabay sipa sa timba ko na may lamang tubig kaya't napatingin ako dito.

" Ano ba Laura' ayaw ko ng gulo" mahinang sagot ko dito' natawa naman ito sa sinabi ko sabay taas ng kilay nito napansin ko ding naka swimming attire ang mga ito at tila mga atleta din pala ang mga ito kung kayat nadito ito.

"tsk Sa tingin mo nakalimutan ko na yung ginawa mong ka ahasan sa amin ng boyfriend ko" natatawang sagot nito napailing nalang ako sa sinabi nito sabay talikod dito wala akong balak makipag sagutan pa sa mga ito marami pa akong gagawin at wala akong oras para dito,maya maya pa ayy napa hawak ako sa buhok ko ng bigla nitong hilahin palapit dito.

" aahhh-- Laura bitawan mo nga ako" wala sa sariling sigaw ko dito.

" At san ka pupunta kinakausap pa kita!!!" sigaw nito sakin sabay hatak sa buhok ko ng malakas at bitaw nito sakin.

"tigilan mo na nga ako" sigaw ko dito' tinaasan naman ako ng kilay nito sabay senyas sa mga kasama nito agad namang lumapit ang mga kasama nito sakin sabay hawak sa mga kamay ko.

"anong ginagawa niyo??--- bitawan niyo nga ako!" sigaw ko sa mga ito ng hawakan ng mga ito ang kamay ko.

" Shut up!!! snake!!" sigaw sakin ng mga ito.

"sn-ake??"pag uulit ko dito'

" haha really di mo alam kung anong tawag sayo??" natatawang sagot sakin ni Laura napailing nalang ako sa sinabi nito, sabay tingin dito .

"So alam mo din kung anong itatawag sayo" natatawang sagot ko,baka nakakalimutan nito na siya ang ahas hindi ako gawa ng pag tataksil nito sa boyfriend nito.

" haw dare you!" sigaw nito sabay sampal sakin.

"hindi ba totoo na ikaw naman ang ahas sa atin tsk alam ko ang sekreto mo Laura narinig ko lahat ng sinabi mo" sagot ko dito halos di naman makapaniwala ito sa narinig nito.

" tumahik ka!! sino ka para pag sabihan ako ng ganyan!!" sigaw nito sabay hila sa buhok ko.

" Ahhhh--- ano ba!!! laura!!! " sigaw ko dito pero tuloy lang ito sa pag hila sa buhok ko.

" you bitch!!!! tumahimik ka !!! hindi ko palalampasin itong ginawa mo sakin!!" sigaw nito sabay hila ng malakas sa buhok ko dahilan para mabitawan ako ng mga kasama nito at mapahiga sa sahig ' di pa ito nakatiis at inupuan pa ako sabay sampal sakin kaliwat kanan' halos maduling ako sa lakas ng sampal nito tanging sigaw lang ang nagagawa ko dito, diko na rin mapigilan ang di ma iyak dahil sa nararamdam kong sakit at ano mang oras didilim na ang paningin ko sa dami at lakas ng pagkakasampal nito sakin.

" t-amaa na" naiiyak na sagot ko dito tumigil naman ito at tumayo' agad naman ako napa hawak sa pisngi ko na ramdam ko pa rin ang pag kakasampal nito.

"Girls itayo niyo ang babaeng yan" sigaw niya dito sa mga kasama nito agad namang lumapit ang mga kasama nito at pinatayo ako.

"anong binabalak mo-- laura" nauutal na tanong ko dito ngumiti naman ito sakin sabay tingin nito taas baba.

"ito para sa pang aahas mo sa boyfriend ko!" isang napakalakas na sampal ang binitawan nito sakin dahilan para mapa yuko ako' agad namang hinawakan ng kasama nito ang mukha ko sabay harap kay Laura.

"ito para sa pa kikialam mo sa buhay ko!" isang malakas na sampal ulit ang binitawan nito sakin dahilan para dumilim ang paningin ko' narinig ko naman ang mga ito na tila nag tatawanan hanggang sa.

"at ito dahil na rin sa marami ka nang nalalaman" naramdaman ko namang tunuklak ako nito sa tubig ' sinubukan ko namang hawakan ang mga ito pero huli na ang lahat .Naramdaman ko naman na tila papalubog ako at nasa 11th ft. ang lalim nitong swimming pool at diko naman magawang umahon dahil sa nanghihina ang buong katawan ko gawa din ng mga binibitawang sampal nito maya maya pa ayy may naramdaman akong tila may kung anong yumakap sakin sabay hila sakin pataas.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now