CHAPTER 13: CREATION OF LOVE THIS CHRISTMAS PART 3

Start from the beginning
                                    

"Wait, iniisip niyo bang may Amnesia ako? HAHAHAHAHA bugok di tatalab sakin yung ganong mga sakit" sagot ni Edward na ikinalungkot lalo ni Jasper.

Dahil dito ay di na tinuloy ni Jasper ang pagkukuwento at baka magalit pa si Edward at baka mas lalo lang siyang makaisip ng kung ano ano.

*4 hours left before Christmas*

Apat na oras nalang at pasko na kaya naman naghanda na sina Edward pati narin sina Wave at ang kanyang pamilya kasama na si Janice.

Bumili na sina Edward ng maiinom nila mamaya bumili na rin siya ng palabok.
Sila Wave at Janice naman ang bumili ng kanilang makakain; Bumili sila ng red wine at mga pagkaing masasarap na talagang patok sa panlasa nila.

*Sa bahay ng mga Garcia*

"Edward, ilabas mo na yung punch bowl kase gagawa na ko juice natin" utos ni Aling Gerlie.
"Okay" sagot naman ni Edward.
"Yo, Edward may punch bowl pa pala mama mo kala matagal ng laos yun?" tanong ni Jasper.

"Oo ehh antique na din yun kaya bihira nalang din magamit, pero mahal yung mga ganon ngayon" paliwanag ni Edward.

Habang kinukuha ni Edward ang punch bowl ay meron namang kumatok sa pinto nila at ang taong kumakatok ay di talaga nila inaasahan.

"Andyan na!" sigaw ni Jasper.
"Hello Good Afterno-" di na natapos sa pagsasalita si Jasper nang makita ang taong kumakatok.
"Jas, sino ba yang kumakatok?" tanong ni Jade.
"Ta-Ta-Tawagin ni-niyo si Edward" nabubulol na sabi ni Jasper.
"Bakit sino ba ya-" di rin natapos sa pagsasalita si Athena nang makita ang taong kumakatok.

"Oh, Jas tawag mo daw ako, baket ba?" lumaki ang mga mata ni Edward nang makita niya ang taong kumakatok at ito ay walang iba kundi si............. PATRICIA.

"Merry Christmas, Edward!" sabi ni Patricia.
"Ang kapal ng mukha mo!!!" sabay sampal ni Athena kay Patricia nang marinig ang nakakairitang boses nito.
"Thena!! bat mo siya sinampal?!" pag awat ni Jade kay Athena.
"Jade, siya yung ex ni Edward na nanloko sa kanya" sabi ni Jasper na nakahawak kay Clarisse kasi baka madamay.

"Ang kapal din ng mukha mo!! bat nananampal ka?!" sigaw ni Patricia.
"Hoy! babaeng bundat! bat pumunta ka pa dito ehh ikaw pala nanloko dito kay Edward!!" sigaw rin ni Jade.

"Hoy ka rin!! wag ka nga umepal! babaeng gusgusin!!" sigaw ulit ni Patricia.

Lumabas na si Aling Gerlie galing sa kwarto nang marinig ang sigawan ng mga bata kaya naman....

"Psst! ang ingay ingay niyo! para kayong mga taga bundok!!" sigaw naman ni Aling Gerlie.

"Tita, si Patricia po..." mahinahong sabi ni Jasper.
"Oh, si Patricia pala bat inaaway niyo?!" tanong ulit ni Aling Gerlie.
"Tita long story po, pwede ho bang pauwiin niyo nalang siya?" sabi ni Jasper na sinangayunan naman ni Aling Gerlie kahit naguguluhan.

Matapos ihatid ni Aling Gerlie si Patricia ay kaagad na niyang tinanong sina Edward kung ano ba talagang nangyayari.

"Edward Hanz Delgado Garcia!! pakipaliwanag nga ang katarantaduhan mo kanina, paskong pasko ehh ganyan kayo" sigaw ni Aling Gerlie na halatang galit dahil sa sinabi na nito ang buong pangalan ni Edward.

"Ma, ex ko na po si Patricia at si Athena po ang current girlfriend ko" sa mga sinabi ni Edward ay lumalabas na hindi pa pala alam ni Aling Gerlie ang tungkol kina Athena at Edward.
"Paano mo naging ex si Patricia aber?!"
"She cheated on me Ma" pagkasabi nito ay nagbago agad ang mukha ni Aling Gerlie naging malungkot ito kaysa galit at agad naman niyang tinabihan si Edward.

"Pasensya ka na Edward, di ko kase alam ang nangyari sa inyo ehh, sorry sa pangsisigaw sa inyo lalo na sa inyo Jasper" paghingi ng patawad ni Aling Gerlie.

"Okay lang po iyon tita" sagot ni Jasper.
"Mabuti pa Athena ehh samahan mo muna si Edward sa kwarto niya tutal alas otso pa lang naman" sabi ni Aling Gerlie na sinangayunan naman ni Athena.

*Sa kwarto*

"Edward, okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Athena.
"Oo babe" nagulat naman si Athena dahil sa sinabi ni Edward na may kasamang "babe".

"Kung naguguluhan ka sa sinabi ko yun ay dahil....Athena totoo na ang feelings ko sayo, gusto na kitang maging official girlfriend ko" di ito inaasahan ni Athena kaya napasabi nalanh siya ng...

"Huh?!"
"Wait di mo pa pala ako gusto, HAHA" ramdam ni Athena ang tawa ni Edward dahil ito ay may halong lungkot.

"No Edward I mean, gusto na rin kita matagal na" nagulat din si Edward sa sinabi ni Athena kaya di niya napigilang halikan ito na sinabayan naman ni Athena ng yakap.

"I Love You, Athena Montefalco"
"I Love You Too, Edward Garcia"

Nakatulog sila matapos ang pangyayaring yun pero nagising agad si Athena dahil balak na niya itong sabihin kina Wave.

*Sa Canada*

"Babe, nagchat si Athena" sabi ni Wave.
"Ano sabi?" tanong ni Janice.
"Sila na daw ni Edward officially" gulat na gulat sila maski si Wave nagulat din dahil di siya makapaniwala sa sinabi ni Athena.

"That means di na nila kailangan itago ang relasyon nila, I'm happy for them" masayang sabi ni Janice.

12 o'clock na ibig sabihin pasko na.
Marami man ang nangyari sa araw na iyo di naman maitatanggi ang saya sa bawat mukha ng magkakaibigan kahit nasa iba't ibang lugar sila nagcelebrate ay naging masaya pa rin sila kahit na nahaluan ito ng di inaasahang pangyayari.

Sa huli ay napabulong na lang si Edward sa sarili ng...

"Best christmas ever, I think this is my creation of love this christmas and I'm sure I'm not the only one who feels this" sabay tingin kay Athena na abot tenga ang ngiti.

YOU'RE MY ONEWhere stories live. Discover now